Chapter 6: Angels

7.3K 304 24
                                    

Chapter 6: Angels

          "Come back for me...Kaya..."

          "Come back for me...Kaya..."

          "Come back for me...Kaya..."

          Why should I come back to Golf? Bakit? May laman ba yung narinig ko na sinabi nya? Ako ba talaga yung Kaya Mnemosyne na binaggit nya? Bakit wala akong maalala? Why is it that Golf calls for me?

          'Do I know him? Do I know Golf?' tanong ko sa isip ko.

          Nang marinig ko yung paggalaw ng seradura ng pinto, agad-agad akong bumaba sa hagdan at tumakbo palayo sa lugar na iyon.

          Now one question has been answered. Golf really knows me. Pero bakit ayaw nya sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyon? And why is it he's acting that he doesn't know me at all? Why?

          Takbo lang ko ng takbo sa may corridor hanggang sa bumunggo ako sa isang matigas na bagay at natumba ako sa may sahig.

          "Ano ba?! Ang tanga mo! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Boba!"

          Agad umarko yung kilay ko sa nagsalita. Nag-angat ako ng tingin only to see this too gorgeous to be human guy standing in front o f me. Pero nakabawas yata sa kagwapuhan nya yung pagmumura nya at pagsusungit sa akin. Hmp!

          "Hindi mo man lang ba ako tutulungang tumayo huh?" mataray na sabi ko sa kanya. Pogi nga, pangit naman ng ugali!

          "At bakit ko gagawin iyon? Bakit? Pilay ka ba? Tanga ka lang di ba? Bakit? Pati pagtayo hindi mo alam? Hindi ka pala tanga kung ganoon. ANG TANGA-TANGA MO!"

          Inis akong tumayo at hinarap yung lalaking iyon.

          "Hoy lalake! Para sabihin sa'yo hindi ako tanga! At kung may tanga dito, ikaw yun!"

          "Huh!" sabi nya sabay ngisi. "Hindi ako kumakausap sa tanga."

          "Hindi na rin naman kailangan eh!" sabi ko sabay kibit-balikat at tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

          "At bakit?!" maangas na tanong nya.

          "Humarap ka lang sa salamin, para ka na ring nakatingin sa tanga."

          "ANONG SINABI MO?!!!" malakas na sigaw nya na halos bumasag sa eardrums ko. "Ayusin mo ang bibig mo taga-lupa! Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo!"

          "Taga-lupa? Bakit sino ka ba huh? Si Enteng Kabisote?" pang-aasar ko pa sa kanya. Saka bakit taga-lupa tawag nya sa akin? Gulo nito!

          "Ako lang naman ang—"

          "Waaaaaag!!!"

          Sabay pa kaming napalingon ng lalaki na iyon sa biglang nagtitili. Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko kung sino ang nilalang na iyon. At ganoon na lang din ang panlalaki ng mata ng lalaki nang makita nya yung papalapit sa amin.

          "Wag mong sasabihin Cifer!"

          Teka! Cifer? Bakit parang pamilyar yung pangalan na iyon?

          "C-Ceci..." narinig kong mahinang sabi ng lalaki.

          Then all of a sudden, biglang lumambot yung ekspresyon ng lalaki na iyon nang makita nya sa harapan namin yung 'guardian angel' ko daw.

Angel's WishWhere stories live. Discover now