Chapter 5: Questions

7.9K 365 23
                                    

Chapter 5: Questions

          Memories. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala mula kay Golf yung ibig sabihin ng surname ko. Actually alam ko na iyon pero the way Golf said it, para bang may gusto pa syang sabihin sa akin kaya lang hindi nya masabi-sabi for some unknown reason.

          Wala sa loob na napatingin ako sa kanya.

          Magmula ng dumating dito si Golf, sunod-sunod na yung mga 'weird' things na nangyayari sa akin. The angel's feather, yung guardian angel ko daw at kung ano-ano pa! My life is dull and simple bago sya dumating.  I wonder if Golf has a connection to all these weird things that is happening to me.

          "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

          Medyo natauhan ako nang bigla syang magsalita. Napailing na lang ako saka nauna sa pagpasok sa loob ng school.

          'I wonder if Golf knows something...' sa isip ko.

***

          "Class, ang gagawin ng section natin ngayon ay role playing. At ang title ng play ay...crossing the boarders!"

          Crossing the boarders, one of my favorite story na hindi related sa mythology. The story itself is tragic. At paniguradong papatok ito sa mga manunuod namin. Teenager nowadays loves tragic ending.

          It is a story of fallen angel, meaning one of the devils, who fell in love with an angel. Sa pagitan ng mundo sa itaas at sa baba, may boarder na nakaharang. Isa sa mga batas ng pinakamakapangyarihan nilalang sa kanila ay ang bawal tumawid ng magkabilang mundo ang pader na iyon. But the devil did so just to be with the girl she loves, which is the angel. Pero nagalit ang pinakadiyos nila kaya pinatapon yung devil sa mundo ng tao para pagbayaran ang kasalanan nya and to become one of the humans.

          Actually hindi ko pa tapos basahin ang kwento na iyon lagi kasing nahihiram kapag nagpupunta akong library. Si Ma'am siguro yung umihiram nun. Pinaghahadaan nya talaga ang maging play na 'to.

          "And the lucky student who will play the role of Ceci is...Kaya Mnemosyne!"

          Para akong nagising mula sa malalim na pagkakatulog nang mainig ko ang malakas na palakpakan ng mga classmate ko.

          "Bakit? Anong meron?" tanong ko sa katabi kong si Shenee.

          "Isa ka sa mga lead para sa play natin!"

          "HUH?!"

          Bakit?! Bakit ako pa?! Ni hindi nga ako marunong umarte eh tapos ako pa yung nabunot nila?! Kapag minamalas ka nga naman!

          "And the one who will play the role of Cifer is...Golf Axus!"

          Parang nang-aasar talaga 'tong si Ma'am! Bakit si Golf pa yung binunot nya?!

          "Good luck sa atin Mnemosyne!" nakangiting sabi ng katabi ko ding si Golf.

          Gusto kong magface palm sa mga nangyayari ngayon. Yes, I love that story, pero wala akong sinabi na gusto ko syang iplay! At ako pa talaga yung lead! Argh!

          Kung sino man ang author ng kwento na iyon, humihingi na ako ng dispensa sa pagsira sa kwento.

***

          "Bakit ba ayaw mo sa role mo? Ang ganda nga eh! Di ba favorite book mo yun?" sabi ni Winter. "Tapos partner mo pa si Golf kaya wala ka ng poproblemahin pa!"

          "Oo nga naman Kaya! Ikaw na nga napartner kay Golf nag-iinarte ka pa! Alam mo bang ang daming gustong magpakamatay para lang maging partner si Golf sa play huh? Kahit nga yung ibang section inaabangan na yung play natin eh!" sabi naman ni Evergreen.

          "Tama si Eve! At isa pa, ano bang iniinarte mo dyan? Hello! Si Golf yun no! Si Golf! Patay na patay ka dun di ba?"

          "Gusto mong maunang mamatay Shenee?" nagbabantang sabi ko.

          Tinawanan na lang ako ni Shenee bago sya nagsalita ulit. "Ang hirap kasi sa'yo Kaya, ayaw mo pang umamin na may crush ka kay Golf."

          "Excuse me lang huh?" sabi ko sabay ubo sa harapan nila. "Ayos ka lang?"

          "Yeah right! Deny pa Kaya Mnemosyne! Deny pa! Yayaman ka dyan!" sarcastic na sabi ni Shenee.

          Mabigat na lang akong napabuntong-hininga imbes na patulan yung pang-aasar sa akin ni Shenee.

          Bakit kasi ako pa yung magpiplay sa role ni Ceci? Masyadong malungkot yung role nya. And I don't know how to act to that pain. Masyado akong masaya para maging malungkot so how can I act to that?

          "Wag mo na lang masyadong isipin iyon Kaya!" sabi ulit ni Winter. "Just give your best na lang sa play. Isipin mo na lang na para kang kumakanta."

          "Oo nga!" sabi naman ni Shenee. "Wag mong idadahilan sa amin na may stage fright ka. Sa may busy street nga ng lugar natin nagawa mong kumanta, ito pa kayang aarte ka lang?"

          "Baka naman ayaw nya talaga makapartner si Golf?" sabi naman ni Evergreen.

          "Speaking of Golf, where is he?" biglang sabi ko.

          "Uy~! Hinahanap na nya si Golf!" panunukso nung tatlo.

          "Shut up!" sabi ko sabay tayo at iniwan na sila doon sa may room at lumabas.

          'I need to talk to him!' sabi ko sa isip ko.

          There's so many questions lurking around my mind right now. At saka masyado na akong nahihiwagaan kay Golf. Una, yung pag-enroll nya sa school namin sa kalagitnaan ng October. Pangalawa, yung pagtatanong nya ng kung ano-ano sa akin. Pangatlo, yung bigla nyang pagsulpot mula sa kung saan. At pangatlo, yung pagatwag nya sa akin ng Mnemosyne.

          Then my feet lead me to the top floor of my school...sa may roof top. I slowly open it and find Golf standing and leaning his arms on the metal bars that surrounds the roof top while looking at the sky with his eyes close and wind blowing his hair.

          Hindi ko alam kung bakit ako biglang naging conscious sa action ko kaya lihim kong itinago ang sarili ko sa likod ng pinto.

          Aalis na sana ako at iiwan si Golf sa pagsisyesta nya nang marinig ko syang biglang magsalita.

          "I miss you..."

          Natigil ako sa pagbaba sa may hagdan then try to listen to what will Golf say next.

          "Remember me...Mnemosyne."

          Wala sa loob na dahan-dahan akong napalingon sa direksyon ng pintuan.

          'Did I just hear my surname?'

          At kung ako man yung tinutukoy ni Golf na Mnemosyne, why should I remember him? Kilala ko ba si Golf? Is there, for some instance, Golf and I met before?

          "Come back for me...Kaya..."

Angel's WishWhere stories live. Discover now