Chapter 7: Confession

7.6K 306 31
                                    

Chapter 7: Confession

          Simula na ng practice namin para sa play na "Crossing the Boarders". I tried my very best para mapalitan ako as one of the leading character pero wala rin namang nangyari. Pinagalitan pa ako ni Ma'am Lim dahil sa sinasayang ko daw yung opportunity na tumaas ang grade ko sa Mythology subject namin.

          Gaya nga ng nasabi ko noon, I hate mythology kaya mababa ang grade ko pagdating sa subject na ito. Well, hindi naman ganoon kababa but let's just say na pasang-awa ako sa subject na 'to.

          "Okay! Ready na ang mga characters! I-ready na din yung mga props!" sigaw ni Ma'am na sya ring director namin.

          "Game na daw Kaya." nakangiting sabi sa akin ni Golf.

          Speaking of Golf, nahihiwagaan pa rin ako sa kanya. I tried to dig my past pero wala ring nangyari Ang sabi naman nila Mama at Papa wala daw silang kilalang Golf Axus o kaya naman kamag-anak at kaibigan ko na namatay.

          Maybe that Angel Feather is a big prank. Para sa mga hopeless romantic. Para sa mga taong walang magawa sa buhay. At ang blog site na iyon ayisa lang pa-uso para sumikat yung may-ari. Tsk! Bakit ba kasi may mga ganoong tao? Yung walang ibang magawa kundi manloko ng kapwa nila.

          "Kaya!"

          Nagulat ako nang bigla na lang isigaw ni Ma'am yung pangalan ko. Nabitawan ko pa tuloy yung script na hawak-hawak ko kaya ayun nagkalat sa sahig yung mga papel.

          "What are you doing?! Kanina pa nagsisimula yung practice!"

          "S-Sorry po Ma'am..." nakayukong sabi ko saka sinimulang pulitin yung mga papel na nagkalat sa sahig.

          "Concentrate guys! CONCENTRATE!" sigaw ni Ma'am sa lahat ng nasa loob ng room pero pakiramdam ko ako lang ang sinasabihan nya nun.

          I am such a failure.

          "Tulungan na kita Kaya!"

          Nagulat ako nang bigla na lang akong tulungan ni Golf sa pagpupulot ng mga papel. Napatingin na lang ako sa kanya ng wala sa oras.

          "Sino ka ba Golf?"

          Akala ko, ako lang ang nakarinig ng sinabi ko—na hindi iyon lumabas sa bibig ko. Pero mukhang narinig yata ni Golf yung sinabi ko. Napahinto din sya sa pagpupulot at saka napaangat ng tingin sa akin.

          "Huh?" sabi nya but he is still smiling.  "Kaya okay ka lang ba? May masama ba sa'yo? Baka naman hindi ka okay? Sabihin na lang kaya natin kay Ma'am na ihinto yung practice."

          Marahas at sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.

          "Hindi! Okay lang ako!" sabi ko saka pulot ulit sa mga papel.

          Hindi na nagsalita pa si Golf at saka pinagpatuloy yung ginawa nyang pagpupulot. Sa huling papel, nagtama yung mg kamay namin. And just like before, his hand were still cold.

          Wala sa loob na kinuha ko ang mga kamay nya at saka iyon hinawakan ng mahigpit.

          "Ang lamig ng kamay mo Golf! Bakit saan ka ba galing at ang lamig-lamig mo?"

          Ngumiti lang sya sa akin saka nya pinat yung ulo ko. And all of a sudden parang nakaramdam ako na para bang madalas nyang gawin sa akin ang bagay na iyon.

Angel's Wishजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें