Chapter Nineteen- Colours

1.3K 54 2
                                    

Chapter Nineteen

Colours


KATATAPOS pa lang ng klase niya nang mapansin ang isang itim na kotse sa labas ng school. Nagulat siya nang makita si Ethan.

"Hello, handsome," bati niya rito.

"Hi."

"I love you," bulong niya sa nobyo. Iyon ang isang bagay na ipinangako niyang gawin, ang ibulong o i-text rito ang mga salitang iyon truthfully at least once a day. Para sa kanya ay nakakakilig iyon lalo na kapag nakikita niyang lumiliwanag ang expression ng mukha nito. He doesn't need to reply since wala iyon sa ugali nito pero sapat ng natutuwa ito.

"Me too," sagot ni Ethan.

"So what's up? Meron ka na namang ikukwento sa akin?" excited niyang tanong. Everyday seems a getting-to-know-each-other day. They exchange information and ask each other about something they like and doesn't like. Sometimes, the topic is personal and emotional. They promised to be honest with each other's feelings since the day he revealed one of his painful secrets to her. May mga pagkakataong nagkakaroon sila ng minor conflicts pero hindi nila pinapatapos ang araw na hindi sila nagre-reconcile.

"Wala. Gusto ko lang na ipag-drive mo'ko," anito saka inihagis sa kanya ng susi ng kotse nito. Agad niya iyong nasalo.

"Hindi pa ako nakakakuha ng lisensya," aniya.

"It's okay. May lisensya ako," iyon lang ang sinabi nito at pumasok na sa kotse. Tahimik siyang sumunod. Alam niya kung paano magpatakbo ng kotse pero sa paligid ng mansiyon lang siya umiikot-ikot. Hindi pa siya nakakasubok ng totoong kalye.

"Sigurado ka talaga rito?" paniniyak niya.

"Oo nga. Test drive lang naman ang gagawin natin kaya wala kang dapat ipag-alala. Marunong akong magmaneho kaya magtiwala ka."

"Sana naman sinabihan mo'ko para naihanda ko naman ang sarili ko," reklamo niya.

"Mas okay ang adventure."

"Mapapagalitan tayo ni Ate niyan eh."

"Iyon ay kung malalaman niya."

"Ang sama mo," sabi niya saka ini-start ang kotse. Nakaramdam siya ng excitement nang marinig ang tunog ng makina. Medyo kabado siya nang umpisa pero dahil sa direksiyon ni Ethan ay nae-enjoy na niya ang pagda-drive. Hindi naman niya pinapabilis ang takbo para iwas-gulo. Inaalalayan siya nito kapag 'di niya alam ang gagawin. After almost an hour, nakarating sila sa isang pastry shop na walang problema.

"This is delicious!" aniya habang kumakain ng isang slice ng Black Forest cake. "Ano ba ang favorite cake mo?"

"Hindi ako mahilig sa cake. Bitter ako sa buhay," sagot nito.

"Say ah!" aniya. Napilitan itong ngumanga dahil sinubuan niya. "Masarap ano?"

"Pwede na."

"Sa wedding natin ay may cake kaya dapat kumain ka rin," pag-e-encourage niya rito. "Ethan, mahilig ka sa black, ano?" tanong niya. "'Yon kasi ang kadalasang kulay ng suot mo."

"I like black and white."

"'Wag mong sabihing dahil pa rin 'yan sa bitterness mo sa buhay," hindi niya maiwasang malungkot sa ganoong ideya. Pati kasi ang choice nito ng color ay walang kabuhay-buhay.

"Hindi naman. Safe kasi para sa akin at hindi ako naguguluhan kung 'yon lang ang kulay ng mga damit ko," sagot nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Yes Cecil, colorblind ako. Ni hindi ko matiyak ang kulay ng suot mo ngayon. Ano ba 'yan? Brown?"

Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now