Chapter Eleven- Music and Love

1.1K 57 5
                                    

Chapter Eleven

Music and Love


HINDI PA kailanman nagturo ng music o voice lesson si Ethan sa kahit na kanino. Ni hindi niya pinakinggan ang pangungulit ng mga pamangkin niya noon. Ang mga natutunan niya sa music ay bunga lang ng pagbabasa ng mga music manuals, panonood ng mga music tutorials at practice. Kaya naman, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa batang noodles. Mukhang seryoso naman ito na matuto kaya hinanapan niya ng paraan para maayos ang pagkanta nito kahit konti. Isa pa, masakit talaga sa tainga ang boses nito kapag naririnig niya itong kumakanta sa garden. Hindi na nga lang niya ito sinisita dahil ayaw na niyang iyon na naman ang pag-ugatan ng away sa pagitan nila.

Mula ng mangyari ang matindi nilang away few weeks ago na sanhi ng muntik na nitong pagkahamak, hindi na niya gugustuhin pang maulit iyon. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay lihim niya pa ring sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Akala niya bato na ang kanyang puso pero nang maabutan niya ito noong halos mawalan ng ulirat sa sahig ng kwarto nito at humihingi ng tulong, para siyang sinaksak sa dibdib. The pain pierced his soul. It was his fault.

"You ask me what I want. You ask me what I need. It's nothing you can buy. My heart's not ruled by greed..."

Sa loob ng isang linggo, isa hanggang dalawang oras ay nagpa-practice ito sa music room at siya ang tumutugtog para rito. Madalas niya itong nasasaway at napapagalitan kapag nawawala sa tono pero hindi ito naiinis.

"Give me the gift of love. Look me in the eyes. Say I'm the one you're dreaming of..."

Hindi niya masasabing gumanda ng husto ang boses nito pero hindi na naman iyon gaya ng dati na tila wala sa lugar parati. Kahit papaano ay natuto na itong ibagay ang boses sa kanta at hindi nag-e-exaggerate.

Kapag umaga ay ginagawa nito ang mga gawain nito. Madalas na si Emman ang kausap ng babae o 'di kaya sina Evan at Erwan via cellphone. Nakikipag-tsismisan din ito sa ibang katulong na madalas ito ang pinagti-tripang pakantahin. Wala naman itong reklamo. Alam naman yata ng mga naroon na feeling singer ito at mahilig bumanat ng mga kantang hindi nito kayang abutin. Nagsawa na siyang suwayin ito tungkol sa bagay na iyon.

Hindi pa rin nawawala ang ugali nitong nakikipag-usap sa portrait ng mga magulang niya o sa mga halaman sa garden. Hindi yata ito makukontento na tao ang kausap. Kulang na lang kausapin din nito ang mga iba pang bagay doon.

Kahapon ay narinig niya itong nakikipag-usap sa ibang katulong sa kusina. Hindi niya naiwasang makinig dahil nabanggit ng mga ito si Emman.

"Masyado kayong close ni Master Emman. Kayo na ba?" tanong ng isang katulong sa babae. Nagulat ito.

"Master natin 'yon at kaibigan ko pa. Hindi kami bagay na couple."

"Hindi naman masamang sundin ang damdamin."

"Damdamin? Eh sa kaibigan lang ang tingin ko kay Master Emman eh. Isa pa, langit 'yon, lupa ako. Baka mapalayas ako rito nang walang dahilan."

"Sa tingin ko naman gusto ka rin ni Master Emman."

"Kapatid lang ang turing niya sa akin. 'Yon lang. 'Wag niyo ng ipilit sa akin ang bagay na 'yan. Baka 'yan pa ang pagmulan ng gulo," may halong babala nitong sabi saka nag-excuse. Umalis na rin agad si Ethan malapit sa kusina. Hindi niya matukoy kung totoo ang sinabi ng babae o nasabi lang nito iyon dahil alam nitong magagalit siya at ayaw nito ng gulo pero may pakiramdam siya na meron nga itong lihim na pagtingin kay Emman.

"Master!" untag ni Marcie sa kanya. Tumigil ito sa pagkanta at nakatitig lang sa kanya. "May problema po ba, Master?" tanong nito. "Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala kayo sa mood. Pwede naman tayong magpatuloy bukas kung hindi niyo feel mag-practice ngayon," nakakaunawa nitong sabi saka tumayo. Hindi niya napansin na natulala na siya habang nagtitipa sa piano.

"Wait."

"Po?"

"May itatanong lang ako sa'yo."

"Ano po 'yon?

"What do you feel towards Emman?" tanong niya sa babae na natigilan at hindi agad nakasagot. "Do you love him?"

"Yes," sagot nito. Bago pa siya maka-react ay nagpatuloy ito. "As a friend," dagdag nito saka pilit na ngumiti.

Hindi siya na-relieve sa sinagot nito dahil pakiramdam niya ay nasaktan ito sa naging tanong niya. "Good. Mas mabuti ng maliwanag. Emman can never reciprocate your love if you happen to love him more than a friend. Emman is destined for someone else –"

"I know," sabad nito. "Thanks for reminding me, Master. Good night," anito saka umalis na. Naiwan siyang natitigilan. Pakiramdam niya ay may nasaktan niya ito dahil sa mga sinabi niya pero 'yon naman ang totoo at ginagaw niya lang ang tama.


HINDI MAIWASAN ni Marcie na makaramdam ng pagtatampo kay Ethan. Hindi naman siya galit sa naging tanong nito pero feeling niya kasi ay pinagdududahan pa rin siya nitong may gusto sa pamangkin nitong si Emman. Wala naman siyang gusto sa magandang lalaki na 'yon maliban sa pagkakaibigan. Kahit yata sabihin niya na magkaibigan lang sila ni Emman ay hinding-hindi ito maniniwala. Kung nagkataong gusto nga niya ang kaibigan, malamang si Ethan ang magiging malaking hadlang sa pag-ibig niya. Halatang protective ito sa pamangkin at ayaw nito na magkaroon si Emman ng relasyon sa kahit na sino lalo na kung kagaya niyang mahirap at utusan lang.

"Master," untag niya sa amo na nasa swing. Katatapos niya lang sa gawain niya sa garden nang makita niya itong mag-isa roon. Hindi kasi siya matahimik dahil sa naging pag-uusap nila kagabi.

"Bakit?" tanong nito.

"Galit na naman po ba kayo sa akin?"

Bahagya itong nagulat sa tanong niya. "I thought you're the one who's angry with me," anito. "Akala ko nainis ka sa akin dahil sa mga sinabi ko kagabi."

"Honestly po? Yes," natapat niyang sabi. "Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit niyo iniisip na may gusto ako kay Emman. Mahal ko lang siya bilang kaibigan."

"I know you have feeling for him even if you don't tell me but for your own good, maging magkaibigan na lamang kayo," anito na seryoso. Suko na talaga siya sa pagiging protective nito. "Can you promise me one thing?"

"Ano po 'yon?"

"Hindi ka mai-in love kay Emman."

Natigilan siya sa narinig pero hindi na lamang siya nakipag-argumento. "Okay. I promise not to fall in love with Emman," sagot niya bagamat sa sarili ay gusto niyang itama iyon. Maling tao kasi ang iniisip nitong magugustuhan niya higit pa sa kaibigan.

But I can't promise that I won't love you, Master Ethan.

Kung off-limits si Emman, ano pa kaya ito? Sigurado si Marcie na imposible para sa isang gaya nito na magkagusto sa isang gaya niya kaya ililihim na lang niya ang lumalawak na pagtingin niya kay Ethan. Naalala niya rin na minsan ay nasabi niyang hinding-hindi siya magkakagusto sa isang gaya nitong malamig pa sa yelo. Kapag nalaman nitong may gusto siya rito tiyak na mapapahiya siya.

"Hindi na po kayo galit sa akin?" tanong niya.

"Hindi naman ako galit sa'yo."

"Okay. Sige po," aniya saka ito iniwan. Matamlay siyang pumasok sa mansiyon. Napadaan siya sa staircase at nakita ang portrait ng mga magulang ng amo niya. Sabi ni Emman ay parehong mula sa mayamang pamilya ang dalawa kaya hindi nakapagtatakang nagkatuluyan ang mga ito. Eh siya?

"Sa mga pelikula lang at telenobela nagkakatuluyan ang mayaman at ang katulong," bulong niya. "Sana hindi na lang bumait nang konti ang anak ninyo," aniya sa portrait saka masama ang loob na bumalik sa mga gawain niya.

Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now