Chapter Fourteen- Loneliness

1.2K 57 5
                                    

Chapter Fourteen

Loneliness


NATIGILAN si Ethan nang makita 'di kalayuan si Marcie na sumasakay ng bike. Marunong na marunong na itong mag-bisekleta. Kasama nito ang tatlo niyang mga pamangkin. Masaya ang mga ito at mukhang hindi siya napapansin.

Huminto si Marcie sa pagba-bike at tumingin sa direksiyon niya. Gano'n din ang ginawa ng tatlo pero ilang saglit lang ay nagpatuloy ang mga ito sa kasiyahan na tila hindi siya nakita. He felt that they were very far from him, enough to make him feel so empty and alone.

In just a snap, nawala ang apat. Napunta siya sa isang pamilyar na hardin kung saan nakikita niya ang dalawang bata, isang lalaki at isang babae, na naglalaro. Parehong blonde ang mga bata at parehong blue-eyed. Ilang sandali pa ay may lumapit na lalaki at babae sa dalawang bata at kinarga ang mga ito. Pamilyar sa kanya ang mga bagong dating dahil parati niyang nakikita ang portrait ng mga ito na nasa itaas ng staircase. Dumating din at lumapit ang ilang kalalakihan na pamilyar din sa kanya. It was an agonizing scenario.

"Ako dapat ang kasama ninyo, hindi sila..." bulong niya, tears were streaming from his eyes. "Ako ang anak at mga kapatid ninyo, hindi sila!" sigaw niya sa mga ito pero tila walang narinig ang mga ito na iniwan siya sa kawalan. Unti-unting dumidilim ang kinaroroonan niya.

Natigil siya sa pag-iyak nang makita ang ate niyang nakatayo 'di kalayuan. Nakatalikod ito mula sa kanya. Lalapit na sana siya rito nang bigla itong bumagsak na duguan.

"Ate!"


"ETHAN! ELEAZAR!"

Nagmulat si Ethan ng mga mata nang sampalin niya nang malakas sa magkabilang pisngi. Naabutan niya ang kapatid na umuungol at umiiyak habang natutulog sa silid nito. Bumangon ito at agad siyang niyakap. Habol nito ang paghinga at pinagpapawisan nang husto. Ramdam niya ang malakas na tibok ng puso nito.

"Iiwan mo rin ba ako? Lalayuan mo rin ba ako dahil hindi mo na ako mahal?" sunod-sunod nitong tanong habang nakayakap sa kanya. Panay ang patak ng mga luha nito.

"Ethan, hindi kita iiwan. Hindi kita lalayuan."

"Wala na sina Papa at Mama... Wala akong mga kapatid... Galit sina Emman sa akin, ayaw na nila sa akin... Wala na 'yong babaeng noodles..." parang bata nitong iyak. "Iiwan niyo akong lahat! Iiwan niyo akong nag-iisa. Parati na lang akong nag-iisa!" iyak nito. Hinawakan niya ang mukha nito at pinakatitigang mabuti. Kilala niya si Ethan na walang kinatatakutan at kayang-kaya na itago ang emosyon pero sa mga sandaling iyon, wala siyang ibang nakikita kundi ang bahagi ng pagkatao nito na puno ng takot at pangamba na maiwanang mag-isa.

"Ethan, listen! Nang ipanganak ka at mula ng magdesisyon akong piliin ka, ipinangako ko sa sarili ko na hindi kita iiwan. Nangako ako kay Mama na mananatili ako sa tabi mo at hindi ko sisirain ang pangakong iyon. Nakikinig ka ba sa akin, Ethan? Ikaw ang pinili ko kesa sa pitong tao na dapat kasama ko rin. Pinili kita dahil mahal kita."

"Mahal mo rin sila..."

"Pero mas mahal kita."

Natigilan ito. Ilang sandali pa ay humagulhol ito ng iyak. Sa loob ng mahigit dalawang dekada ay pinilit niyang gawing bato ang puso niya pero parang asido na nilusaw ng paghihirap ni Ethan ang tigas ng kanyang puso.

"Mas mahal niya ako..." bulong nito. Nabigla siya sa sinabi nito. "Mas mahal niya ako kesa kina Emman..."

"Sino?"

And Ethan lost his consciousness. Saka niya naramdaman ang nag-aapoy na init mula kay Ethan. Mataas na pala ang lagnat nito.


Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα