Chapter Thirteen- Truths

1.1K 58 11
                                    

Chapter Thirteen

Truths


BIHIRA siyang magpunta sa music room. Teritoryo kasi iyon ni Ethan at bihira talaga itong magpapasok doon. Nagulat nga siya nang malaman na hinahayaan nito si Marcie na pumasok doon at mag-aral ng voice lessons. Maski mga pamangkin nito ay hindi ito napilit noon.

"Pwede ka bang makausap?" tanong niya sa kapatid na nakaupo sa ledge ng bintana. May hawak itong gitara pero hindi naman nito tinutugtog. It was an ordinary guitar but for her and Ethan, it's what their father left for them. Iyon ang nag-iisang pagmamay-ari ng ama nila na pagmamay-ari nito ngayon. Mas gusto nito ang gitara kesa sa silver grand piano na binigay niya rito when he was ten years old. Para rito, masyadong pang-mayaman ang piano at hindi nito nayayakap unlike the guitar.

Nilapitan niya ito nang hindi siya nito kibuin. "Hindi kayo nag-away ni Marcie, 'di ba?"

"Oo."

"Hindi mo inaway si Emman 'di ba?"

"Oo."

"Gusto mo si Marcie 'di ba?" tanong niya.

"Oo –what?" gulat na gulat ang itsura nito na tumingin sa kanya. "What are you talking about?"

"Nag-away ba kayo ni Emman dahil kay Marcie?" tanong niya.

"Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan?" salubong ang kilay na tanong ni Ethan saka tumayo at nagtungo sa harap ng piano yakap pa rin ang guitar. He was strumming it but with no definite tune. Gano'n ito kapag wala sa focus o may ibang iniisip.

"Hindi ko kailangang makibalita para malaman ang nangyayari sa paligid ko. I have my own way of fishing information."

"Hindi 'yan totoo."

"So, bakit hindi kayo nagpapansinan nina Emman at Marcie?" tanong niya. Hindi ito umimik kaya kinuha niya ang guitar mula rito na ikinagulat nito nang husto. "Hindi mo 'to makukuha mula sa akin habang wala kang inaamin," babala niya.

"That is mine!"

"Eleazar Contreras III, seryoso ako sa sinabi ko."

Tumayo ito. "Kasalanan mo kasi," sumbat ni Ethan sa kanya. "Bakit mo sinabi kay Emman na balak mong gawing girlfriend o asawa ni Erwan o Evan 'yong babaeng noodles?"

"Masama ba 'yon?"

"That's not a good joke," nakasimangot nitong sabi.

"Sino ba ang nagsabing nagbibiro ako?" tanong din niya. Ethan looked outraged. "Nakita ko kasi na malapit si Marcie sa dalawa kaya naisip ko 'yon. Erwan said that Marcie is a sister to him so pwede si Evan."

"Marcie likes Emman!"

"Alam natin na hindi pwede si Emman. Si Evan na lang ang pwede."

"Kailan ka pa naging matchmaker?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, naiinis ka ba dahil inirereto ko si Marcie sa mga pamangkin mo at hindi sa'yo?" tanong niya.

"What?" puno ng gimbal ang itsura nito. Hindi niya alam kung bakit namumula ang mukha nito, dahil ba sa galit o pagkapahiya. Isa lang ang sigurado niya, hindi ito basta-bastang namumula. Ngayon niya lang nakita ang mukha nito na puno ng emosyon.

"You're blushing."

"Because I'm angry."

Lumapit siya rito at tinitigan ito sa malapitan. Umatras ito agad. "You look like Eli when you're not in focus. You look more like Zee when you're angry and you look more like F when you're annoyed. It's funny how I see all of our brothers in your face when you're full of emotions," aniya. Ethan was just silent. Iniabot niya rito ang gitara. "But you remind me more of our Dad," sabi niya.

"Dad has blonde hair and blue eyes. Kagaya siya ni S," mapait nitong sabi.

"Maraming blonde at blue-eyed sa mundo pero ang expression ng mukha mo kapag may gusto kang protektahan ang ipinagkatulad mo kay Papa," correction niya. Hindi ito nakaimik. Pareho silang natigilan nang may kumatok sa pinto. She opened it and was surprised to see who it was. Binalingan niya si Ethan. "Sa inyong dalawa ni Emman, sigurado akong ikaw ang mas may posibilidad na gumawa ng gulo. Ayusin mo 'to dahil kung hindi, ako ang gagawa ng paraan. Alam mo kung paano ako umayos ng gulo," may himig na babala niyang sabi rito bago sinulyapan ang kumatok at iniwang nakabukas ang pinto. Alam na niya kung ano ang problema pero wala siyang magagawa kundi maghintay muna sa mga mangyayari.


ILANG beses napalunok si Marcie bago kumatok sa pinto ng music room. Nang bumukas iyon ay nagulat siya sa nasalubong niya, ang among babae! Naroon pala ito sa music room at nakikipag-usap kay Ethan. Narinig niya tuloy itong nagbabala sa kapatid nito bago umalis. Nang makaalis ito ay pumasok siya sa music room. Inabutan niya si Ethan na nakaupo sa harap ng grand piano at hawak ang isang gitara.

"Bakit?" tanong nito na hindi maipinta ang itsura. Naiinis na naman ito sa kanya at ayaw niya kapag ganoon ito. Ayaw niyang mag-away na naman sila. Gustuhin man niyang umalis doon para wala ng gulo ay hindi niya magawa. Wala siyang mapupuntahan at baka lalo lang magkagulo ang mga pamangkin nito dahil sigurado hindi papayag ang mga iyon na umalis siya.

"Alam kong galit ka dahil binabalak ng ate mo na i-partner ako sa sinuman sa mga pamangkin mo but rest assured na hindi ako papayag. Gaya ng sinabi ko na noon, wala akong gusto kay Emman. Magkaibigan lang kami. Kaibigan lang din ang turing ko kina Evan at Erwan at wala akong balak na pumayag sa ideya ni Madam. Alam niya 'yon."

"Bakit iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo?" tumayo ito at humarap sa kanya. "I saw you with Emman –"

"Yakap ng isang kaibigan lang iyon. He was comforting me," nahihirapan niyang sagot.

"Ilang beses mo na 'yang sinabi sa akin pero iba ang nakikita ko. Nangako ka pa sa akin na hinding-hindi ka magkakagusto kay Emman. Mas gugustuhin kong marinig kang nagsasabi ng totoo kahit masaktan pa ako kesa magsinungaling at saksakin ako ng paulit-ulit sa likod!" sigaw nito sa kanya. "All my life, I live in lies. My identity is a lie. Even my own existence is a lie and I don't need more of it!"

"Hindi ako nagsisinungaling. I've been truthful to my promise. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?" sumbat din niya. Naiiyak na siya. Gusto ng sumabog ng puso niya sa bigat na nararamdaman at sa sobrang sakit. "Oo, mahal ko sila pero mas mahal kita!"

Ethan was stunned. She started to cry. Hindi na niya kinayang kimkimin ang matagal na niyang nararamdaman para sa napakalupit na lalaking ito. Ayaw na rin niyang lokohin pa ito ao ang sarili. Tama na ang pagsisinungaling.

Nanatiling walang kibo si Ethan nang merong kumatok.

"Marcie, nandiyan ka ba?" boses iyon ni Evan. Agad niyang pinahid ang mga luha at tinungo ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ni Evan na nag-aalala.

"Bakit, Evan?"

"May naghahanap sa'yo."

"Sino?"

"Your mother."


Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now