Chapter Two- A job for a Homeless Girl

1.5K 60 9
                                    

Chapter Two

A Job for a Homeless Girl


GUSTO ng maiyak ni Cecil. Awang-awa na siya sa sarili pero kailangan niyang magpakatatag. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Not now.

Hapon na pero ni agahan o pananghalian ay wala siya. Kailangan niyang makahanap ng trabaho pero sino ang tatanggap sa kanya? Kahit siguro sabihin niyang eighteen na siya ay walang maniniwala dahil sa taas niyang four-eleven.

"You look thirteen, Cecil," sabi niya sa sarili habang nakatitig sa kanyang reflection sa glass mirror ng isang fashion boutique. Napakagat-labi siya saka naupo sa gilid ng isang flower shop. Katapat niya ay isang restaurant. She wanted to cry out of too much self-pity.

Kung hindi siya naglayas, malamang hindi siya magugutom. Ngunit baka matagal na ring wasak ang dignidad niya bilang babae. Sa naalala ay bigla na lang tumulo ang kanyang mga luha. Bakit napakalupit ng tadhana sa kanya?

"Are you all right?"

Tiningala niya ang nagtanong. Isang lalaking maganda ang mukha ang bumungad sa kanya. Tumango siya kahit hindi naman talaga siya okay. Isa pa, kahit mukha itong mabait ay hindi pa rin siya dapat agad magtiwala sa mga estranghero.

"You look pale," puna nito. Hindi siya umimik. "But you're cute. Nasaan ba ang mga magulang mo?"

"Wala na akong mga magulang," that was half lie. May nanay pa naman talaga siya.

"Gusto kong kumain. Sama ka?"

Hindi nakaimik si Cecil. Bigla kasing kumulo ang tiyan niya nang marinig ang sinabi nito. Naunang nagtungo sa katapat na restaurant ang lalaki. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang nakatingin ito sa kanya at niyayaya siyang pumasok. Kinapalan na niya ang mukha at sumunod rito. Kapag may ginawa itong masama sa kanya ay talagang magsisisigaw siya at magwawala. Public place naman iyon kaya maraming makakakita sa kanila.

Nailang siya bigla nang makapasok sila sa restaurant. Class pala iyon na kainan at hindi yata siya bagay doon. Ang lalaki naman ay nag-order ng mga makakain. Pinagmasdan niya ito. Soft ang features ng mukha nito. Mas maganda pa nga yata ito kesa sa kanya. Sa tingin niya hindi ito purong British. Mas mukha kasi itong kastila o mestizo. Hindi rin ito ordinaryong lalaki base sa suot nito. Sa ilang buwan niya sa London, kahit paano ay alam niya ang damit na mura sa branded dahil na rin sa pa-sosyal niyang step-brother.

"How old exactly are you?" tanong nito. "Thirteen? Fourteen?"

"Eighteen."

Nagulat ito. "Oh. Sorry."

"It's okay. Hindi ikaw ang unang taong napagkamalan akong bata. Thanks to my height."

"And your youthful face," dagdag nito nang nakangiti. "Asian?"

"Yes. Filipino."

"Great people," komento nito na mukhang bukal naman sa kalooban. "My guardian, my aunt and her family have a Filipino ancestry from her father's."

"So Filipino ka rin?"

Umiling ito. "Pamangkin niya ako pero sa mother's side. I'm Spanish."

"Spain colonized Philippines during the 1500s," sabi niya recalling her elementary history class noong nasa Pilipinas pa lang siya.

"I'm aware of that but here we are after more than five centuries, in a French restaurant and in London, aware of the history yet peacefully talking to each other. Isn't it lovely?"

Ngumiti si Cecil at kahit paano ay napanatag sa kausap. Ilang sandali pa ay dumating ang in-order nila. Nang makita niya ang mga pagkain ay agad siyang nakaramdam ng sobrag gutom. Agad siyang kumain na tila iyon na ang huli niyang hapunan. Isinantabi niya muna ang hiya. Kain na lang siya nang kain at hindi na inisip kung ano ang sasabihin ng kaharap niya.

Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now