Chapter Four- The Girl with Noodle-like Hair

1.2K 59 5
                                    

Chapter Four

The Girl with Noodle-like Hair


WALA SA mood si Ethan. Hindi mawala-wala sa isip niya ang batang babae na nakita niya kanina sa kitchen. Iisipin niya sanang maid ito dahil nakasuot ito ng maid's uniform pero nang kausapin nito si Emman sa phone, he immediately hesitated. Walang maid na ganoon makipag-usap sa sinumang pamangkin niya, sa kanya o sa ate niya. The girl seems close to Emman since first-name basis ang tawagan ng mga ito.

Natigilan siya nang maalalang minsan ay narinig niyang nag-uusap sina Evan at Erwan tungkol sa isang bagay na may kinalaman sa poodle, noodles at marshmallow. Since hindi naman siya interesado sa topic ay hindi niya iyon masyadong nabigyan-pansin but now that he thought about it, sa tingin niya ay hindi poodle ang pinag-uusapan ng dalawa kundi tao at hindi rin iyon tungkol sa pagkain ng noodles kundi noodle-like na buhok. Ano 'yong tungkol sa marshmallow?

He grabbed his cellphone and contacted Emman.

"Yes, Tio?"

"Who's that girl with noodle-like hair?" agad niyang tanong.

"I heard nagkita na kayo. Si Marcie 'yon. Maria Cecilia Frias ang totoo niyang pangalan. Siya ang bagong gardener."

"Gardener? Ano ang ginagawa ng gardener sa kitchen?"

"Minsan ay tumutulong siya sa kitchen kapag tapos na siya sa gawain sa garden. Minsan ay naglilinis siya and Tio, hindi siya bata. Eighteen na si Marcie, hindi lang halata. She's a Filipino and she needs a home."

"Ano kung Filipino siya? Tinanong ko ba? At kailan naging orphanage itong bahay? Alam ba ito ni Ate?" sunod-sunod niyang tanong. Emman chuckled.

"Some of your in-laws are Filipinas. Hindi mo nga tinatanong pero baka tanungin mo kaya inunahan na kita. She needs a temporary shelter at babayaran naman niya ang pagtira niya diyan by working. Alam ni Tia ang tungkol sa kanya at si Tia ang tumanggap sa kanya bilang gardener. Did I miss a question?"

"No at wala akong in-laws. Mukha siyang may gusto sa'yo. 'Wag mong bigyan ng pag-asa," nakasimangot niyang sabi na tinawanan lang ni Emman.

"Paghanga bilang kapatid lang ang nararamdaman ni Marcie para sa akin and I vowed to Tia not to engaged in any romantic relationship. 'Wag kang paranoid, Tio."

"I'm not."

"Okay. Meron kang in-laws."

"Shut up."

"Tio, please be nice to her."

"Ano ba ang tingin mo sa akin, salbahe?"

"Honestly? Yes. Bye, Tio."

Kung minsan at gusto niyang magduda sa mga pamangkin niya. Pakiramdam kasi niya ay pinagkakaisahan siya ng mga ito. Kahit nagtataka pa rin siya tungkol sa batang noodles ay hindi na lang niya masyadong inisip pa since may permiso naman pala iyon ng kapatid niya. Agad na siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kanina pa malagkit ang pakiramdam niya. Wala siyang halos tulog sa flight at gusto na niya talagang magpahinga.

After few minutes ay lumabas siya sa banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Natigilan siya nang masalubong ang batang noodles doon na mukhang naglilinis. Mukhang nagulat din ito at napatanga pa saglit. Namumula ang mukha nito nang yumuko.

"Pasesya na po. Babalik na lang po ako para maglinis," iyon lang at nagmamadali na itong lumabas. Wala pa itong sampung segundong nakakaalis ay bumalik ito. "Sir, pasensya na po kayo kanina kung nagulat ko kayo at napagsalitaan nang hindi maganda. Sorry po dahil hindi ko kayo nakilala agad. Sorry po talaga," sabi nito nang nakayuko.

"Bakit namumula ang mukha mo? Nakainom ka ba?" hindi niya naiwasang magtanong. Mas lalo lang yatang nataranta ang babae.

"Po? Ah... kasi... ah..." hindi ito makatingin ng maayos sa kanya. "Kasi po... wala po kayong damit," mahina nitong sagot. He didn't get the idea at first pero 'di kalaunan ay naintindihan din niya.

"You may go," sabi niya.

"Yes, sir," nagmamadali itong umalis. Hindi lang pala ito mukhang bata, inosente pa pala talaga ito.


NARIRINIG niyang nagkakatuwaan si Esther at ang mga kapatid nito sa garden nang dumating siya. Natigil ang mga ito sa katuwaan nang makita siya.

"Who are you?" nagdududang tanong ng isa sa mga kuya ni Esther. Hindi siya sigurado kung ano ang pangalan nito pero matanda lang ito ng konti sa dalagitang kaedad niya.

"What are you doing here?" tanong ng isa pa na mabagsik ang mga mata.

"You are not welcome here!" sigaw ng isa sa kambal. Napaatras siya. He was already shaking when he stumbled. Papalapit ang mga ito sa kanya.

"You are not one of us!

"We don't know you. Get lost!"

Lalo siyang hindi nakakibo nang lapitan siya ng kambal na Ezra at Esther.

"You don't belong here. You are not our brother!" sigaw ni Ezra sa kanya.

"Yes, you're not our brother," sang-ayon ni Esther. "Get away from us or rather, why don't you drown yourself? You're not worthy of anything. Your life is a waste."

And they began laughing hysterically. Tinakpan niya ang kanyang mga tainga para hindi niya marinig ang tawanan nila pero naririnig pa rin niya ang mga ito.

"Stop! Please, Stop!" sigaw niya pero parang walang narinig ang mga ito. Napuno ng galit at pagkamuhi ang puso niya para sa mga ito. Sa sobrang galit niya ay nagsisisigaw siya saka sinakmal sa leeg si Ezra. Nakapatong siya rito habang sinasakal ito. Panay ang pigil nito sa kanya pero wala ng kabutihan pang nakikita ang mga mata niya. Tuluyan na siyang nilamon ng matinding poot at paghihinagpis. Gusto niya itong saktan. Gusto niya itong patayin.

"Die, you bastard!" sigaw niya rito habang umiiyak sa galit. "DIIIIIIIIIE!!!"

"Sir! Sir!" sigaw ni Ezra pero boses babae na ito. The voice came like a flood of cold water cleansing his delusional mind. Ilang sandali pa ay nagbabago si Ezra at nagiging pamilyar sa kanya.

HE SAW the girl with noodle-like hair gasping for air as he was choking the life out of her. Pulang-pula ang mukha nito at basa ng mga luha ang mukha. He released her. Saka pa lang niya na-realized na panaginip lang pala ang lahat. Nang tingnan niya ang babae ay nakapikit ito at hindi na kumikilos.

"Marcie!"


Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now