Chapter Fifteen- The Undefinable but Undeniable

1.3K 69 4
                                    

Chapter Fifteen

The Undefinable but Undeniable


MADALAS na inuumaga ng uwi si Marcie mula sa 24-hours convenience store na pinagtatrabahuan niya. Kapag umuuwi siya ay tulog na ang kanyang mama kaya hindi na lang niya ito dinidistorbo.

Nagtuloy-tuloy siya sa kanyang kwarto. Alas-tres na ng madaling araw kaya pagod na pagod na siya. Pagkapasok ng kwarto niya ay napansin niya agad ang nakabukas na bintana. Agad niya iyong isinara. Binuksan niya ang ilaw sa lamp shade at bigla siyang napasigaw at umatras nang malamang may natutulog sa kama niya.

"Mama! Mama!" tawag niya sa kanyang ina habang umaatras patungo sa pinto. Nakatagilid ang sinumang natutulog kaya 'di niya naaninag ang mukha. Inaantok pa na pumasok ang Mama niya sa kanyang kwarto.

"Cecil, ano ang problema –sino 'yan?" nawala yata ang antok nito nang makita ang nakita niya. "May kasama kang dumating?"

"Ma, hindi. Inabutan ko lang siya rito."

Nilapitan ito ng Mama niya at tiningnan ang itsura. "Cecil, sigurado kang hindi mo 'to kilala? Ang gwapo eh."

"Huh?" nilapitan na rin niya ang natutulog at nagulat siya nang makita ang itsura nito. "Master Ethan?" bulalas niya. Paano nito nalaman kung saan sila lumipat ng mama niya?

Bahagya nitong niyugyog si Ethan. Hinaplos nito ang pisngi at noo ng lalaki saka siya seryosong binalingan. "Kumuha ka ng maligamgam na tubig at bimpo. May lagnat ang bisita," utos nito. Naguguluhan man ay tumalima siya sa utos. Nagpunta siya sa kusina. Kinuha niya ang mga inutos ng mama niya pero bago siya bumalik ay tinawagan niya si Emman sa cellphone. Nakaka-isang ring pa lang ay may sumagot na.

"Emman, si Marcie 'to. Nandito ang tiyo mo sa bahay namin," agad niyang sabi.

"Just like what I expected," sagot ng nasa kabilang linya pero sigurado siyang hindi iyon boses ni Emman. "This is Ethan's sister."

"Madam! May sakit po si Master Ethan ngayon."

"Alam ko. Umalis siya ng bahay kani-kanina lang na walang pasabi. Hindi naman malala ang sakit niya kaya sana alagaan niyo muna siya diyan. I don't think he will like to go home yet. May ideya ka na siguro kung bakit siya nandiyan."

"Po?"

"Take care of him. Kapag lumala ang lagnat niya, call us and rush him to the nearest hospital and if not, let him rest in your home."

"All right."

"Thank you, Maria Cecilia."

Matapos ang tawag ay bumalik na siya sa kwarto niya dala ang mga inutos ng kanyang mama. Ang mama niya ang nag-asikaso kay Ethan at hindi niya ito napigilang mang-usisa tungkol sa dating amo.

"He saved you from Jonas," sabi ng mama niya matapos siyang magkwento. Nakita na nito minsan si Ethan. "Naalala ko pa na para siyang knight-in-a-shining-armor na pumasok sa bahay. He was a bit scary when he pointed the gun to us but that's part of rescuing you."

Hindi niya naiwasang mapait na ngumiti. "Siya nga ang nagligtas sa akin noon pero siya rin naman ang nananakit sa damdamin ko. Puno ng bitterness si Master Ethan. Hirap siyang mahalin ang ibang tao. Ang tanging mahal lang niya ay 'yong ate niya at mga pamangkin. He doesn't share. He doesn't give anything. All he knows is to hate."

"Maria Cecilia, hindi ka niya ililigtas noon kung ang tanging alam niya ay magalit at magtanim ng sama ng loob. Ang pagpapatira niya sa'yo doon sa mansiyon at ang hayaan kang kaibiganin ang mga pamangkin niya ay patunay na that he tried his best to share and give."

Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now