Prologue

3.2K 87 7
                                    

Prologue


IYON ANG unang beses na umapak siya sa isang bahay na ganoon kalaki at kaganda. Hindi naman kasi siya laking-mayaman. Lalong hindi siya lumaki sa Inglatera. Ipinanganak siya at nagkaisip sa Espanya, sa isang payak na bayan. Anak siya ng mga simple pero mapagmahal na mga magulang.

Nagbabanta na namang mahulog ang mga luha mula sa kanyang mga mata pero pinigil niya ang sarili. Tama na ang iyak, sabi niya sa sarili. Ilang araw lang ang nakakaraan nang pumanaw ang kanyang mama. Bata pa siya nang mamatay ang kanyang ama. Ngayon, ulila na siyang lubos at ang kumupkop sa kanya ay ang pinsan ng kanyang ina.

"Ayos ka lang?"

Tiningala niya ang babaeng magiging guardian niya simula ngayon. "Opo, Tia."

"Dito ka muna. Ipapahanda ko lang ang magiging kwarto mo."

"Salamat po," nahihiya niyang sabi. Tumango ang tiya niya at iniwan siya. Mukha itong istrikta at hindi pa niya ito nakitang ngumiti pero alam niyang mabait ito dahil inihabilin siya ng mama niya rito.

Iginala niya ang paningin sa loob ng kinaroroonan niya. Namamangha pa rin talaga siya sa lugar na iyon. Para siyang nasa isang panaginip.

"Who are you?"

Napabaling siya sa nagsalita. Ilang beses siyang kumurap kasi akala niya batang babae ang nasa harap niya. Mahaba kasi ang buhok nitong kulay itim na hanggang bewang pero nang mapansin niya ang mga mata nitong kulay itim, ang seryoso nitong itsura at matikas na tindig, nalaman niya agad na lalaki ito. Nakasuot pa ito ng t-shirt na kulay itim at may kulay puting print na mga katagang 'HUMAN WAR MACHINE'. Sa tantiya niya ay mga sampung taong gulang ito.

"Are we related?" tanong nito. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin. "What's your name?"

"Emmanuel– oo, Emmanuel," kung nagtaka man ito sa pagdadalawang-isip niya ay hindi naman niya nahalata. Kakaiba itong bata. Masyadong seryoso at kahit mas maliit ito sa kanya, pakiramdam niya ay mas marami itong alam at karanasan. Nakakapanliit din ang kumpiyansa nito sa sarili na para bang pagmamay-ari nito ang lahat ng nakikita niya.

"It's a nice name but too long. I'll call you Emman," desisyon nito na ikinagulat niya.

"Ha? Emman?"

"Why? May angal ka?" seryoso nitong tanong sa kanya. Agad siyang umiling.

"Nagkita na pala kayo," bumalik na ang tiya niya at nilapitan sila.

"I'll call him Emman from now on," deklara ng batang lalaki.

"Emman? But–" may sasabihin pa sana ang babae pero hindi na lang nito ipinagpatuloy. "Well, Emman, siya si Ethan. Pinsan din siya ng mama mo. Sa makatuwid, tio mo siya."

Nanlaki ang mga mata niya. Ang batang ito ay tio niya?

"I won't demand your submission on my authority but I do demand your respect," sabi ng bata. "Kung magagawa mo 'yon sa kabila ng pagiging mas bata ko kesa sa'yo, wala tayong magiging problema. But if it is otherwise, you better get away from me. I'm lethal," may halong banta ang sinabi nitong iyon. Biglang kinabahan si Emman at marahang tumango. Nabatid niya kasi na hindi ito nagsisinungaling.


Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now