Chapter Three- The Other Men

1.2K 61 8
                                    

Chapter Three

The Other Men


MADALING nasanay sa mga gawaing bahay si Cecil. Kapag tapos na siya sa gawain sa garden ay tumutulong siya sa ibang gawain. Kahit sabihin pang may special treatment sa kanya si Emman ay ayaw niyang umabuso. Ginagawa niya pa rin kung ano ang dapat niyang gawin. Ayaw niyang may masabi ang ibang katulong. Isa pa, kapag may ginagawa siya ay panandalian niyang nalilimutan ang mga pangit na pangyayari sa kanyang buhay.

Naaaliw siya kapag nasa garden at nag-aalaga ng mga bulaklak doon. Iyon yata ang pinakamagandang bahagi ng mansiyon at kapag free time niya, doon siya naglalagi. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil tinanggap siya ni Emman at ng Tia nito na bagamat malamig ang pakikitungo ay hindi naman masama ang ugali.

Mahigit dalawang linggo na siya sa mansiyon nang dumating ang dalawang pinsan ni Emman na mga gwapo rin at mababait. Nagulat siya sa pagdating ng mga ito.

"Akala ko kasama niyo si Tio," sabi ni Emman habang nasa living room. Naghatid siya ng merienda sa mga ito.

"Nasa New York pa siya. Busy," sagot ng isa na siyang pinakamatangkad sa tatlo. Napansin niya ang mga hikaw nito sa kaliwang tainga. Tumingin ito sa kanya. "Emman, bakit pumayag si Tia na kumuha ng maid na minor de edad? Hindi ba tayo makakasuhan ng child's labor niyan?" tanong nito.

"I'm sorry, sir but I'm not a child," hindi niya napigilang sagot.

"Guys, meet Maria Cecilia Frias. Hindi siya talaga maid kahit naka-maid uniform siya. She's our new gardener and she helps the household," paliwanag ni Emman. "Cecil, meet my

cousins, Evan and Erwan."

"Hello, Maria Cecilia. Nice name," sabi ng nagngangalang Erwan na may asul na mga mata at nakakahawang ngiti. Pakiramdam ni Cecil ay ngumingiti pati ang mga mata ni Erwan. "Pasensya ka na kung napagkamalan kang bata ni Evan. Para ka kasi talagang bata and you're so cute. Your hair reminds me of noodles."

Tumawa si Evan. Napahawak siya sa kanyang buhok. Hindi naman niya makuhang mainis kasi totoo ang sinabi ni Erwan. Kulot ang buhok niya. Noong bata pa siya ay madalas siyang tuksuhing 'nazareno' dahil sa kulot niyang buhok na namana niya raw sa kanyang ama.

Siniko ni Emman si Evan. "Apology, miss. Hindi ang buhok mo ang pinagtatawanan ko kundi si Erwan. Sa tingin ko kasi ang gutom na siya kaya noodles ang naisip niya," sabi ni Evan.

"Totoo naman 'yon," sabi ni Cecil.

"You look like a doll," sabi ni Emman. "Matagal ko na 'yong gustong sabihin."

"Join us, Marcie," Erwan said. Nagulat siya sa pangalang binanggit nito. "Your name is long and Cecil is so tamed. Marcie na lang para maiba. Nice to meet you, Marcie."

"Marciemallow," sabi ni Evan saka natawa na naman. Siniko na naman ito ni Emman. Hindi alam ni Cecil kung matutuwa siya o mawiwirduhan sa dalawang binata but she chose the former para wala ng gulo. Kahit ayaw naman niyang matawag na Marcie ay wala na siyang nagawa dahil mula sa araw na iyon ay tila na-stick na ang nickname na iyon para sa kanya. 'Yon na rin ang tawag ng ibang mga kasambahay sa kanya at maging sina Emman at Evan ay nahawa.

Truly, the cousins grew fond of her lalo na si Erwan na parati siyang kinukulit at makulit talaga. Napalapit siya sa tatlo dahil ubod ng babait. Hindi siya itinuring ng mga ito na iba at napakamaaalahanin pa. They treat her as a friend or a little sister at gano'n din ang tingin niya sa mga ito. Ang mga ito ang pumuno sa pangungulila niya sa isang pamilya.


ILANG linggo lang nanatili sa mansiyon sina Evan at Erwan. Umalis din ang mga ito kasama si Emman para raw sa isang trabaho. Hindi niya kailanman naitanong ang trabaho ng mga ito dahil nahihiya siya. Napansin niyang madalas bumibiyahe ang mga ito maging ang amo niya. Come to think of it, ni pangalan ng kanyang amo ay hindi niya alam at walang bumabanggit na kahit na sino. Tinatawag lang ito na 'Mi'lady', 'Tia', 'Mistress' o 'Madam'.

Isang araw, matapos ang gawain sa garden ay sa kusina siya tumulong. Oras iyon ng paglilinis ng ibang mga kasambahay kaya siya lang ang nasa kusina at nagliligpit ng mga kalderong tapos ng hugasan at punasan. Dala-dala ang isang kaldero ay napabaling siya sa entrada ng kusina tiyempong pumasok ang isang lalaking hindi niya kilala. Sa gulat niya ay nabitawan niya ang hawak at ilang segundong natulala bago may ma-realize.

"Aray!" sigaw niya nang makaramdam ng sakit sa kanang paa. Iyon kasi ang binagsakan ng kaldero. Mangiyak-ngiyak si Marcie sa sobrang sakit. Nang tingnan niya ang bagong dating na lalaki ay nakatingin lang din ito sa kanya na parang namaligno. Despite the aching foot, she still seemed to notice the nice qualities of the man.

Maikli ang itim na buhok ng lalaki. Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi. Matangos na ilong, maninipis na pulang mga labi na nakapinid at pisnging mamula-mula. Maputi ito pero hindi maputla. Matangkad at maganda ang pangangatawan. Paano niya nasabing maganda ang pangangatawan nito kahit nakadamit naman? Siguro dahil malinaw niyang nakikita ang forearms nito at mukhang matitigas ang mga iyon. The way his shoulders and chest move when he breathes is gorgeous.

Paa lang niya ang nabagsakan ng kaldero pero bakit pakiramdam ni Marcie ay ulo niya ang nauntog at nawala sa katinuan? Umiling-iling siya, trying to clear her mind. Saan galing ang lalaking ito?

"Who are you?" tanong niya. She tried to look and sound someone suspecting him to be a robber dahil kung paghanga ang mababasa nito sa itsura niya, mapapahiya siya talaga.

"Are you all right?" tanong ng lalaki. His voice is handsome too!

"Do I look all right? You frightened me! Who are you!" mataray niyang tanong. Kung nagkataong masama itong tao ay maghihinayang siya talaga. Masyado itong gwapo para maging masamang tao.

Biglang nag-ring ang cellphone sa loob ng bulsa ng uniform niya. Kinuha niya iyo pero hindi pa rin niya nilulubayan ng tingin ang lalaking kaharap.

"Stay where you are," babala niya sa lalaki. Umigkas ang kaliwang kilay nito, a familiar gesture. Nabasa niya sa caller I.D. na si Emman ang tumatawag. Binigyan talaga siya ni Emman ng cellphone para ma-contact nila ang isa't isa. Sinagot niya iyon.

"Hello, Marcie."

"Hello, Emman. Napatawag ka," aniya pero nakatingin sa estranghero na tila nababagot na sa kinatatayuan. "May kailangan ka ba?"

"Marcie, bakit nanginginig ang boses mo? May nangyayari bang masama diyan?" Emman's voice was worried.

"Kasi may lalaki rito na biglang sumulpot mula sa kung saan," sagot niya. The stranger rolled his eyes.

"Lalaki? Sino? Can you describe him?"

"Ahm, gwapo pero mukhang pinaglihi sa sama ng panahon," sagot niya and the guy frowned, as if annoyed. "He looks annoying, Emman. Parang hindi siya gagawa ng maganda."

"Oh," reaksiyon ni Emman. "Does he look cruelly handsome?"

"Oo, tama – hey, kilala mo ang lalaking ito?"

"I guess so. Could you ask his name?"

Tiningnan niya ang lalaki na hindi na maipinta ang mukha. "What's your name?"

"Ethan," sagot ng estranghero na idiniin talaga ang pagkakabanggit ng pangalan. Parang nagpipigil lang ito ng inis.

"Ethan daw," sabi ni Marcie kay Emman.

"He's my uncle. Tumawag ako para ipaalam na darating siya. Nandiyan na pala siya so be good to him. Bye." And she heard the dial tone. Natulala si Marcie sa narinig. Naiiling na iniwan siya ng tiyuhin ni Emman. Hindi pa rin siya makapaniwala!

"Sandali, kung tiyuhin siya nina Emman, ibig sabihin, kapatid siya ni Madam?" tanong niya sa sarili. Biglang pumasok sa isip niya ang mga naging reaksiyon niya kanina. Parang gusto na niyang lamunin siya ng lupa. Pinagtarayan niya ang amo niya!

"Nakakahiya ka, Maria Cecilia!"


Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now