Chapter 14: First Meeting

Start from the beginning
                                    

"Aha! Kaya ka nagpapaganda no?! Sabi na nga ba! Sabi na nga ba eh! Chismoso ka talaga! Nakikinig ka sa usapan namin kahapon! Grrr!"

"Ano'ng nagpapaganda?! Gwapo ako! Lumabas ka na nga. Hindi pa ako tapos magbihis."

"Huuu. Magbibihis pa eh naka-jacket ka na nga? Di ka ba naiinitan niyan? Tignan ko lang mamaya kung papansinin ka ni bespren! Buhahahahaha!"

Hindi na ito pinansin ng binata at pinagpatuloy na lamang ang pagbibihis. Masyadong maganda ang mood niya para magpa-apekto sa sinasabi ni Charlie. Hinubad niya ulit ang suot na leather jacket at pinalitan ang t-shirt sa loob niyon. Halos maligo din siya ng pabango.

Unang beses ni Hiro makaramdam ng ganoon. Hindi pa siya nakaramdam ng ganitong klaseng paghanga sa tanang buhay niya kaya naman hindi talaga siya mapakali. Kahit sa ibang bansa siya lumaki ay hindi siya mabilis mabighani sa mga kaedad na babae. Bihira siyang magka-crush. Wala nga siyang masyadong kaibigan dahil mas gusto din niyang mapag-isa. Halos hindi na nga niya maalala ang mga naging kaibigan niya doon.

Nang matapos magbihis at ayusin ang mga kalat ay lumabas na si Hiro ng silid. Dumiretso siya sa kusina ng maramdamang bahagyang kumalam ang sikmura niya sa masarap amoy.

“Ano yan?" Tanong ni Hiro sa magkapatid na Mason at Charlie ng mabungaran ang mga 'to na abala sa pagbe-bake.

"Secreeeet! Bawal ka dito! Sa sala ka nga!" Taboy ni Charlie ka Hiro.

Hindi ito pinansin ni Hiro na lumapit pa kay Mason. "Cake ba yan? Para kanino yan Kuya Mason?"

“Huwag mo sabihin Mase!”

Nagkibit-balikat naman si Mason dito. "Tanungin mo si Charlie."

"Umalis ka na sabi eh! Baka madumihan mo pa yan! Ang kulit mo talaga!" Hinila ni Charlie palayo si Hiro sa cake.

"Ano ba bubuwit!" Kinuha ni Hiro ang throw pillow ng makarating sila sa sala sa pagkaladkad sa kanya ni Charlie at binato iyon sa dalaga na lalong nainis.

"Aray ko naman!"

"Ang kulit mo kasi eh. Parang nagtatanong lang naman!"

Abala sa pagrarambolan ang dalawa kaya hindi nila napansin ang mga katok sa pinto. Nabitin sa ere ang akmang pagsuntok ni Charlie kay Hiro ng makita ang pinagbuksan ni Mason.

Agad na tumakbo ito at sinalubong ang bagong dating.

"BESPREEEEEEN!"

Wala pang tatlong segundo ng marinig iyon ni Hiro ng hawiin niya si Charlie upang magpakilala sa dalaga. Muntik na tuloy itong ma-out of balance sa ginawa niya.

 

Shit. Ang ganda nga niya talaga!

 

NYORKWhere stories live. Discover now