Chapter Seventeen

544K 11.9K 1.1K
                                    

Tanya's POV

"Bakit kaya hindi na pumapasok si Luis?" Tanong sa akin ni Edna habang naglalakad kami palabas sa klase. "Sayang naman kung babagsak siya, patapos na naman ang semester. Baka naman pwede pa niya ipakiusap sa prof natin."

Hindi ako kumibo. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Ang alam ko lang ngayon, magandang hindi na malaman ni Edna. Dahil pag sinabi ko sa kanya ang totoong dahilan, malalaman niya din ang tungkol sa Blue Book kaya minabuti ko na lang manahimik. Kaibigan ko si Edna pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang tungkol doon.

"Tanya?"

"Bakit?"

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

"Oo naman." Sagot ko.

"Noong nakaraang araw nga nakasalubong ko siya, tinatawag ko pero hindi naman ako pinansin. Ano kayang problema nun?"

Kibit-balikat lang ang isinagot ko.

"Baka naman ikaw ang dahilan. Nagsimula lang naman magloko si Luis mula nung dumating si Wayne."

"Boyfriend ko na si Wayne, Edna." Sabi ko sakanya.

Agad na humarap sa akin si Edna at nanlaki ang mga mata niya. "Boyfriend mo na siya? Sabi na nga ba! Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Bigla na lang nangyari."

"Ano'ng bigla na lang nangyari? Paanong nangyari?" Usisa niya.

"Hindi ko din alam." Hindi mapigilan ang manguya ang pang-ibabang labi ko. "Mahirap ipaliwanag."

"Mag-ingat ka, Tanya. Lalaki yan at hindi basta-bastang lalaki. Gwapo si Wayne, mukhang habulin ng mga babae." Paalala ni Edna.

"Mahal niya ako." Mahinang sabi ko.

"Pinapaalalahan lang kita." Sabi niya. "Alam ba 'to ni Luis?"

Tumango ako.

"Kaya siguro nagkakaganyan siya." Bumuntong hininga si Edna. "Alam mo naman noon pa, type na type ka na nun."

"Hindi ko naman siya pinaasa. Noon ko pa sinasabi sa kanya na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

"Ang problema, umasa siya. Sabi niya sa akin maghihintay siya hanggang maka-graduate ka na, baka daw magbago ang isip mo pagkatapos nun."

"Kasalanan ko ba yon?" Hindi ko maiwasan makaramdam ng guilt. May nagawa o nasabi ba ako na dahilan para umasa siya?

"Hindi no!" Agad na sagot ni Edna. "Kasalanan niya na yun. Hindi mo naman siya pinaasa, umaasa lang talaga siya. Susunduin ka ba ng boyfriend mo?"

"Hindi, mamaya pa. Papasok pa ako sa trabaho." Sabi ko at tumingin sa orasan.

"O sige na, uuwi na ako. Mag-iingat ka ha." Sabi ni Edna. "Mag-usap tayo bukas, marami ka nang utang sa akin na kwento!"


Inilagay ko na sa tray ang natitirang order ng customer sa tray at kinuha niya na iyon para humanap ng upuan.

"Hi, welcome to Burger King. May I take your ord—" Mula sa screen ng cash register nag-angat ako ng tingin sa sumunod sa customer na nakapili at natigilan ako ng makita siya.

"Tanya." Tumaas ang kilay niya at tinitigan ako na parang sinisipat niya ako. Muling nag-angat ang tingin niya sa mukha ko at ngumiti. "Tanya, right?"

Sandali ko siyang tinitigan. Sa pananamit, itsura at postura ni Margaux, halatang out of place siya sa fast food restaurant na ito. She looked like she had stepped out of a magazine cover. Kahit gustuhin ko magsalita, hindi ko mahanap ang boses ko kaya tumango na lang ako.

The Blue Book: At Your ServiceWhere stories live. Discover now