Chapter Twelve

593K 13.1K 2.3K
                                    

Tanya's POV

"I love you, Wayne." Those words flowed naturally from my lips. Hindi ko sinabi iyon dahil iyon ang gusto niyang marinig, sinabi ko iyon kasi iyon ang totoong nararamdaman ko. Kahit ano'ng tago ko hindi ko pwedeng itanggi ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na siya.

Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at napilitan akong tumingin ng diretso sa mga mata niya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang gustong sumabog ng dibdib ko. Hindi nagsisinungaling ang mga mata niya. Pareho ang mga sinasabi ng mga ito at ng bibig Nina.

"Promise me, ako lang." Halos pabulong na sabi niya. "Ako lang ang huli."

"Ikaw lang." Basag ang boses na sabi ko at bumagsak na luha sa mata ko. Sa mga oras na iyon, alam kong siya lang talaga. Siya ang unang lalaking minahal ko at siya rin ang huli.

Kasunod nun ay ang paglapat ng mga labi niya sa akin. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at tinugon ko ang halik niya. Kusang pumulupot ang mga bisig ko sa leeg niya at kinabig siya. Naglapat ang mga katawan namin at ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa katawan niya. Ramdam ko kung gaano kalambot ang mga labi niya, ang hininga niya sa bibig ko, ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko, ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Mahal ko siya at mahal niya ako. Walang halong baka, walang halong bakit, walang halong dahil. Iyon lang ang mahalaga ngayon.

Bumaba ang mga kamay niya sa baywang ko at maingat niya akong inangat paupo sa hood ng kotse niya. Hinarang niya ang katawan niya sa pagitan ng mga hita ko at ipinulupot niya iyon sa katawan niya. Naramdaman ko sa bahaging iyon ang pagnanasang nararamdaman niya. Ang paglapat ng matigas na bagay na iyon sa kaselanan ko, tanging ang mga telang suot namin ang humaharang dito. Ang hindi maipaliwanag na init na nararamdaman ko mula doon, katulad ng init na naramdaman ko noong hinawakan niya ako sa parteng iyon.

Hindi niya hiniwalay ang mga labi niya sa akin. May kumawalang ungol galing sa bibig ko ng tumaas ang isang kamay niya at pumasok sa suot kong pang-itaas. Tumigil ito sa ibabaw ng dibdib ko at kahit may tela pa sa pagitan ng palad niya at dibdib ko nararamdaman ko pa rin ang init ng mga palad niya na parang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Marahan niyang hinaplos ang dibdib ko at bahagyang pinisil iyon, lalo kong iniliyad ang katawan ko sa kanya na ngayon ay lunod na lunod na sa kakaibang sensasyon na ipinararamdaman niya sa akin.

Ibinaba niya ang cup ng bra ko at parang may dumaloy na bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko ng hawak niya ang dibdib ko. He cupped my bare breast. Naglaro ang daliri niya sa tuktok ng dibdib ko at lalong napaliyad ang katawan ko. Handa na akong ibigay ang sarili ko sa kanya n g buong-buo kasama pati ang puso ko.

Pareho kaming nagulat ng may tumamang nakakasilaw na liwanag sa mukha namin. Naghiwalay ang mga labi namin at pareho kaming napatingin sa liwanag. Isang lalaking naka-uniporme na may na flashlight.

"Ano'ng ginagawa niyo dito? Private property 'to. Sa ibang lugar niyo na lang dalhin yan." Sabi ng lalaki.

"Pasensya na, paalis na din kami." Kaswal na sabi ni Wayne habang inilalabas ang kamay niya mula sa ilalim ng suot kong pangtaas. Parang gusto kong maglaho sa sobrang hiya. Nakita kami ng lalaki. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Sige, pagbalik ko dito, wala na kayo." Sabi ng lalaki bago umiling-iling. "Hay, mga bata talaga ngayon..."

Wayne's body shook in silent laughter. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hindi niya na napigil ang pagtawa niya. Pabirong pinalo ko siya sa dibdib at hindi ko na din napigil ang mapangiti. Hinalikan niya ako sa noo bago niya inipit ang baba ko sa mga daliri niya at inangat ang mukha ko para bigyan ng isang mabilis na halik sa labi.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon