Chapter Fifteen

657K 13.3K 2K
                                    

Tanya's POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang maliliit at nakakakiliting halik sa likod ko. Naalimpungat na kumislot ako at humarap sa kanya. Dahil sa biglaang paggalaw ko, di ko naiwasang mapangiwi ng maramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko lalo na sa pagitan ng hita ko. Pinilit kong buksan ang mabibigat na mata ko at nakita ko siyang tahimik na nakatingin sa akin.

Maraming tanong ang naglalaro sa mga mata niya. Ibinuka niya ang bibig niya at hinintay ko siyang magsalita pero walang lumabas mula doon. Isinara niya ulit iyon at napabuntong-hininga na lang. "Sleep."

"I love you..." Umangat ang isang kamay ko at isinuklay ko ang mga daliri ko sa makapal na buhok niya. Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko na nasa buhok niya at dinala sa labi niya para halikan iyon.

"I love you too." Namumungay ang mga matang ngumiti siya. Wala pang ilang segundo, nag-iba na naman ang reaksyon ng mukha niya. Kumunot ang noo niya. "You were a virgin?"

Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Wala akong maramdaman na kahit katiting na pagsisisi na sa kanya ko ibinigay ang sarili ko. Walang takot o pag-aalinlangan.

Lahat ng naramdaman ko ngayon kasama ko si Wayne ay kabaligtaran ng naramdaman ko ng kasama ko si Luis sa loob ng motel. Hindi ko masikmurang ibigay ang sarili ko sa kanya. Alam ko na kapag pumayag ako sa gusto niya habang buhay kong pagsisisihan iyon. Wala akong naramdaman kundi pangdidiri ng subukan niya akong halikan. Nang buksan niya ang pangalawang butones ng suot kong pang-itaas at sinubukan niyang ipasok ang kamay niya doon tinulak ko siya. Hindi ko kayang may ibang humawak sa akin bukod kay Wayne. Tumakbo ako palabas ng motel at iniwan siya doon.

"How did that happen? How were you a virgin? You're a..." Huminto siya na para bang naghahagilap ng tamang salitang dapat sabihin. Pero alam namin pareho na walang tamang magandang salita para doon.

"Walang ibang lalaki, Wayne. Ikaw pa lang." Mahinang sabi ko.

"You've never had clients before me?" Namilog ang mga mata niya.

Umiling ako.

"Tanya..." Mariin siyang napapikit at sinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya. "Why didn't you tell me?"

"H-hindi ko alam. Hindi ko naisip na sabihin sa'yo yun dahil di naman importante-"

"It's important to me. God, the way I treated you before..." Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.

"Iyon naman ang trabahong pinasok ko."

"But still, I shouldn't have treated you like that." May pagsisisi sa boses niya.

"Tapos na iyon." Sabi ko.

"Did it ever occur to you that with your looks you could've sold your virginity for so much money you'd never have to work again?" Tanong niya habang magkalapat ang mga labi namin.

Umiling ako. "Gusto ko lang naman maipagamot ang nanay."

"Pagtutulungan natin iyon dalawa." Sabi niya bago kinuha ang kamay ko at hinalikan. "You're my girl, Tanya. You're problem is mine now and I'll walk every step of the way with you. Do you understand?"

Nangingilid ang luhang tumango ako. Pakiramdam ko nabawasan ang problemang pasan-pasan ko sa sinabi niya. I felt a little lighter.

Hinatak niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa noo. Kinuha niya ang isang kamay ko, hinawakan niya iyon at ipinatong sa dibdib niya. Ilang minuto kaming nanatili sa ganong posisyon. Magkadikit ang mga hubad na katawan at magkahawak ang mga kamay. Tinignan ko ang mga kamay namin, saktong-sakto ang mga daliri namin parang ginawa ang mga kamay namin para sa isa't isa.

The Blue Book: At Your ServiceWhere stories live. Discover now