Chapter 6

186 8 14
                                    


Sorry sa matagal na hindi pag-uupdate.Study first ika nga bago ang lahat kaya sana maintindihan niyo. I'm hoping na sana may readers pa din ang story na 'to. Please leave a vote and comment para malaman ko kung itutuloy ko pa po. Salamat :D

-------------

Sana Ikaw Na

Gulong gulo pa din ako sa sinabi ng abnong yun sa akin kanina. May pa "Your number deserves on my cellphone only." kaartehan pa siya. Para talaga siyang bakla kung umarte.

Katatapos ko lang mag-ayos ng kwarto ko at dito na ako ngayon simulang matutulog. Hindi ko akalain na kaya ko pala talagang maging mag-isa, na kayang mabuhay na walang kasama sa araw-araw.

Nahiga na ako at matutulog na sana ng biglang nagring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang nakalagay na pangalan sa screen at napa-irap na lang ako sa kawalan ng makita ito.

"Hello?!" sigaw ko agad sa kabilang linya

"Wow! Grabe unang salita mo pa lang Ms.B sigaw agad ang pinasalubong mo sa akin? Easy lang." Natatawa niyang sabi sa akin

Napa-irap muli ako sa sinabi niya "Bakit ka ba napatawag? Gabing-gabi na ah. Magpatulog ka namang abno ka."galit na sabi ko sa kaniya

"Wala kasi akong magawa. Hindi ako makatulog eh. Naiisip kasi kita."natatawa niyang sabi sa kabilang linya

"Like what? Matulog ka na nga. Para kang adik."inis kong sabi sa kaniya

"Ang taray mo talagang tomboy ka. Like what?"pang-uulit niya sa sinabi ko

"K. Bye na lang sayo. Wala akong panahong makipagtelebabad sayong abno ka."galit kong sabi sa kaniya

"Ang hard mo talaga. Gusto ko lang sanang itanong kung bakit hindi mo ibinigay kay Michael yung number mo?Siguro nafafall ka na sa akin 'no?At ayaw mo ng magpaligaw pa sa iba. Yiee kilig na ako Ms.B."pang-aasar niya sa akin

Napasinghap ako sa sinabi niya "Unang una sa lahat, wala kang pakialam kung bakit hindi ko binigay ang number ko sa kaniya at pangalawa, ang kapal naman ng mukha mong sabihin na nafafall na ako sayo. Sa mukha mong 'yan?Talaga lang ha?" sarkastiko kong sabi sa kaniya

"Aray ang sakit mo naman magsalita Ms.B."sabi niya sa kabilang linya

"K. Ano?Ibababa ko na ba 'tong cellphone ko?"inis kong tanong sa kaniya

"Teka. Wait lang naman Ms.B. Bakit ka ba nagmamadali?May lakad ka ba?"tanong niya sa akin na tila walang pakialam sa oras

"Gabing gabi na po sir. Mag-a-ala una na po ng umaga at ngayong mo sa akin sabihin ngayon kung bakit kailangan ko pang mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sayo."inis kong sabi sa kaniya

"Eh kasi crush mo ako?"tanong niya sa akin sabay tawa

"Pwede ba?Umayos ka nga.Sige bye na.Mukhang bored na bored ka lang talaga sa buhay mo at please lang huwag ako ang idamay mo."sabi ko sa kaniya at akmang papatayin na ang telepono ng bigla siyang sumigaw

"Teka!!!!"sigaw niya sa kabilang linya na halos ika-inis ko "May gusto sana akong itanong sayo eh."dugtong niya

"Ano 'yun?!Bakit ba ayaw mong bilisan para makatulog na ako?"galit na galit ko nang tanong sa kaniya

Nadinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya "May chance pa ba na balikan mo siya?"seryoso niyang tanong sa akin na biglang ikinagising ng diwa ko

"Anong ibig mong sabihin? Sinong tinutukoy mo?"seryoso ko ding tanong sa kaniya kasi ramdam kong hindi na siya nagbibiro

"May pagkakataon pa bang maging kayo ulit ng ex mo Maxine?"tanong niya sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moving OnWhere stories live. Discover now