Prologue

764 22 2
                                    

Paano nga ba makalimot?Alam mo ba kung paano?Alam mo kung paano mawala ang sakit?Alam mo kung paano mawala ang lungkot?Alam mo ba kung paano magmove-on?

Umiiyak ka kasi nasaktan ka.Hindi ka makatulog kasi nasaktan ka.Minahal mo siya ng sobra kaya nasaktan ka.Iniwan ka niya kaya nasaktan ka.Nagselos ka kaya nasaktan ka.Hindi ka na niya mahal kaya nasaktan ka.

Pilit kong inisiip kung paano nga ba mawala ang sakit na nararamdaman ko?Paano makalimot?Ano ang gagawin ko para hindi ko na siya maalala?Kasi sa tuwing naalala ko siya,naiisip ko lang ang masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay namin.Paano ba kasi magmove-on?

Hindi na kita mahal.

Sawa na ako sayo.

May gusto na akong iba.

Break na tayo.

Ang sakit sakit lang madinig ang mga katagang yan sa taong minahal mo ng sobra.Yung tipong ginawa mo na lahat,nagpakasweet ka na kahit di ka naman sanay gawin yun,yung tipong hindi ka na nakapag-aral dahil gusto mo siyang katext magdamag,yung tipong pati kaibigan at pamilya mo hindi mo na nabigyan ng oras dahil sa kanya.

Pero bakit?

Bakit nagawa niya pa rin akong iwananan?

Nagkulang ba ako?

Masyado ba akong naging sweet?

Bakit nga kaya?

Ugh.Tama na nga ito.Bakit ba iniisip ko pa rin siya?Bakit ba iniisip ko pa rin ang taong nanakit sa akin ng sobra?Bakit sa tuwing wala akong ginagawa,pumapasok siya sa isipan ko?Ano ba talagang meron sa kanya?

Hindi ko alam kung paano magmove-on,hindi ko alam kung paano ko siya makakalimutan.Pero sisiguraduhin ko na balang araw,mabubura na rin ang pangalan niya sa isipan ko.Balang araw magiging isang alala na lang siya.Balang araw sasaya na ulit ako,balang araw babalik na ulit ang lahat sa dati.

Starting today,I'm Moving On.


Moving OnWhere stories live. Discover now