Chapter 2

239 12 2
                                    

First Meet-Up

Dire-diretso ako sa pagtakbo papunta sa kahit saang lugar basta malayo kay Dave.Gusto ko na siyang takasan,gusto ko na siyang makalimutan.Matapos nang lahat ng nangyari,ayoko na,pagod na ako.Pagod lumuha.Pagod madurog ang puso.Pagod masaktan ng paulit-ulit.

Nakatungo lang ako habang mabilis na naglalakad palayo dito sa park.Wala na akong pakialam kung saan ako dalhin ng mga paa ko.Basta makalayo sa kaniya,basta yung hindi na niya ako mahahabol pa.

Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko.Napahinga ako ng malalim kasabay ng paglaki ng mga mata ko.

Tiningnan ko ang taong humawak sa akin at nakahinga ako ng maluwag nang nakita kong hindi siya iyun.

"Ano ba?Bakit ka ba humahawak sa akin?"mataray kong tanong sa batang babae na nagtitinda ng sampaguita

Nagulat ang bata sa aking pagsigaw sa kaniya "Ate gusto ko lang po sanang magtinda sa inyo nitong dala kong sampaguita."natatakot na sabi sa akin ng bata

Tinanggal ko ang kamay ko sa kaniya "Hindi ako bibili."mataray kong sabi sa kaniya "At isa pa,huwag ka ngang basta hawak ng hawak."seryoso kong sabi sa kaniya

Umalis na ang bata na halatang takot na takot dahil sa pagtataray ko.Sorry na lang siya kasi nadamay siya sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Ang taray mo naman doon sa bata."sabi sa akin ng isang lalaki na nakatayo ngayon sa harapan ko

Tiningnan ko siya ng matalim "Anong pakialam mo?"tanong ko sa kaniya

"Taray mo ah.Meron ka ngayon?"natatawa niyang tanong sa akin

"Bastos."sigaw ko sa kaniya at nilagpasan na siya at naglakad na muli

"Miss huwag mong idamay ang ibang tao sa kabitter-an mo."sigaw niya sa akin habang tumatawa pa habang ako naman ay patuloy pa rin sa paglalakad

Gwapo na sana siya,bastos lang.Ayos na sana eh,pakialamero lang.Wala na ba talagang matinong lalaki ngayon dito sa mundo?Kung hindi tatanga-tanga.babaero.Kung hindi barumbado,manloloko.

"Bwiset kang lalaki ka.Hindi ako bitter."bulong ko sa sarili ko habang iniisip pa din ang sinabi sa akin kanina noong lalaking nakita ko

Huwag na huwag lang siyang magpapakita ulit sa akin dahil makakatikim siya ng katarayan ko.Ipapakita ko sa kaniya ang tunay na bitter.Nakakainis !

Habang nakasakay ako sa taxi papunta sa condo namin dito sa Manila,may natanggap akong isang text.Trabaho ito sa Batangas.Matagal na akong sinusuyo ng kompanyang ito sa Batangas ngunit hindi ako interesado dito dahil malayo at isa pa,may mas magandang oportunidad dito sa Manila.

Napatingin ulit ako sa text ng kompanyang ito sa akin.Kinukuha nila ako bilang Interior Designer nila.

Bigla ko na namang naisip si Dave.Siya ang nag-udyok sa akin para kuhanin ang kursong ito.Nakakainis.Hanggang dito ba naman maiisip ko pa rin siya?Bakit ba kasi naging malaking parte siya ng buhay ko?

Kung gusto kong makalayo sa kaniya,dapat ko itong tanggapin.Kung kailangan kong makalimutan siya,dapat kong kuhanin ang trabahong ito.Lahat gagawin ko,lahat susubukan ko,makalimutan lang siya,maging masaya lamang muli.

"Maxine nandito ka na pala."bati sa akin ni mama habang nagluluto siya sa may kusina

Si Mama na lang ang kasama ko.Wala na si papa.Maaga siyang namatay dahil sa sakit niyang cancer sa kidney.

"Ma nagtext ulit sa akin yung kompanya sa Batangas."sabi ko kay mama

"Oh anong desisyon mo?Tatanggapin mo ba?"tanong niya sa akin

Moving OnWhere stories live. Discover now