Chapter 5

230 11 21
                                    

Good Decision

Unti-unti kong kinusot ang mga mata ko saka ito idinilat.Una kong nakita ay ang puting kisame ng aking bahay.Tiningnan ko ang taong nasa may bandang ibaba ng sofa ko ngunit bigo ako noong nakita kong wala na siya doon.

Nasaan kaya siya?Saan siya nagpunta?

Tumayo na agad ako sa sofa na aking hinigaan at nagtungo na sa may kusina.Nagulat ako ng nadatnan ko doon ang pritong itlog at pancake na nasa may lamesa.Mukhang bagong luto pa ito.

Nasaan ba kasi siya?Bakit hindi man lang siya nag-iwan ng sulat o ginising man lang ako para alam ko kung saan siya nagpunta o kung nandito pa siya?

Napakamot na lang ako ng ulo at nagtungo na papunta sa may cr malapit sa may kusina.Nang bubuksan ko na ang pintuan ay nagulat ako ng biglang nagbukas itong mag-isa at tumambad doon ang isang napakagwapo at napakamatipunong lalaki.Mali,Diyos ata itong kaharap ko ngayon.

Tinitigan niya ako mata sa mata saka ako nginitian.Napalunok ako sa ngiting ibinigay niya sa akin.Nakakatunaw.Ano na bang nangyayari sa akin?

"Good Morning Ms.B."nakangiti niyang bati sa akin

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot "Go-Good Morning."nauutal kong sabi

Ano bang nangyayari sayo Maxine?Umayos ka nga.Si Kim lang iyan,ang walang kwentang abnormal na kaibigan mo.Tama,si Kim lang yan.

Napanganga ako sa nakita ko.Mukhang katatapos niya lamang maligo at tanging towel na nakabalot sa kaniyang mga hita ang tanging suot-suot niya.Mas nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang anim na pandesal sa kaniyang may dibdib kasabay ng pagtulo ng mga butil ng tubig sa bawat parte nito.

Napalunok ako ng laway sa aking nakita.Shete!Anong nangyayari sa akin?Bakit natitigilan ako?Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?Bakit parang may kakaiba dito sa may parte ng tiyan ko?Umayos ka Maxine.Umayos ka.

"Mukhang natulala ka Ms.B."natatawa niyang sabi sa akin "Gusto mo bang hawakan ang abs ko?"tanong niya sa akin na mas nagpabilis ng pintig ng puso ko

"A-anong sabi mo?Ewww.Ang ka-kapal naman ng mukha mo."nauutal kong sabi sa kaniya

"Sus.Aminin mo na kasi.Pwede ko naman itong ipahawak sayo.Basta ba sasabihin mo lang na ang gwapo gwapo ko."nakangiti niyang sabi sa akin

Huminga ako ng malalim at ibinalik lahat ng lakas ko bago ako nagsimulang magsalita "Pwede ba?Umayos ka nga.You're so full of yourself.Kahit kailan,hinding hindi ko papangaraping hawakan ang nakakadiri at nakakasukang dibdib mo.Like what!"sigaw ko sa mukha niya para matauhan siya

Ayaw ko nga ba talaga?

Napangiti siya sa sinabi ko "Sasabihin lang naman na ayaw ang dami pang sinabi.Ayieee napapaghalata ka Ms.B."sabi niya sa akin at tuluyang lumabas ng banyo

"In your wildest dream."sigaw ko sa kaniya

"Ayaw mo talaga sa akin ha?"tanong niya sa akin at tinitigan ako mata sa mata

Napahinga ako ng malalim sa bigla niyang pagseseryoso "Ayaw ko sayo."binigyang diin ko ang bawat salitang lumabas sa aking bibig

"Tomboy ka 'no?"tanong niya sa akin na ikinagulat ko

Bigla ko siyang sinapok sa kaniyang katawan "Ang kapal ng mukha mo.Babae ako 'no.Sadyang hindi ko lang tipo ang mga kagaya mo."sabi ko sa kaniya

"Aray!Makahampas ka ng katawan ha.Tsansing ka na Ms.B.Napapaghalata ka na.Ayieee."pang-aasar niya sa akin

"Pwede ba?Tumigil ka na nga."naaasar kong sabi sa kaniya

Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan.Naramdaman ko ang balat niya sa balat ko na nagbigay ng kilabot sa aking buong katawan "Mabuti kung ganyan.Hindi mo ako gusto,hindi rin kita gusto.Magkaibigan lang talaga tayo."sabi niya sa akin habang natatawa pa

Moving OnDonde viven las historias. Descúbrelo ahora