Chapter 6 - Can't Say It

2.1K 74 6
                                    

(Irish's PoV)

Sobrang nabuhayan ako nang sabihin ni Lolo na may nahanap na siyang lead.

"Talaga po/inspector?", sabay naming sagot ni Spence at napatayo pa ako.

"Oo!", proud niyang sagot

Ang galing talaga ng Lolo ko!

"Nakausap ko yung isang kapitbahay natin. Kwinento niya na meron siyang nakitang lumabas na babae galing sa bahay. May dalang bag at may tinutulak na stroller. Sumakay daw siya sa isang taxi na naghihintay sa kaniya!"

So b-babae ang kumuha????

Sabagay, mostly naman talaga, babae ang mahilig sa baby!

"Lo, tinanong mo ba kung namukhaan niya?", tanong ko kay Lolo

"First time lang daw niyang nakita. Akala daw niya bisita natin kaya hinayaan lang niya! Hindi rin daw niya masyadong namukhaan dahil mabilis lang daw ang mga pangyayari at tila nagmamadali yung babae!"

"Eh inspector, nakuha ba niya yung plate number ng taxi na sinakyan niya?"

"Yun ang hindi ko natanong! Sige...babalikan ko na lang yung kapitbahay at tatanungin ko siya."

Pagkatapos nun ay lumabas na siya agad!

Kami na lang ni Spence ngayon ang nasa loob. Hindi kami nag-iimikan pero halata kay Spence na nag-iisip siya ng malalim.

Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kaniya at bigla din siyang napapatingin sakin kaya iwas tingin naman ako para hindi halata.

Ano kaya'ng iniisip ng taong 'to?

Paano kaya niya pagdudugtungin ang mga nakukuhang clue?

Sana katulad ko rin siya kagaling sa pag-iimbestiga. Ang taas siguro ng logic ng lalaking to..

Maya-maya pa bigla siyang naglakad papunta sa labas na para bang may mali...

"S-Spence...san ka pupunta?"

"Uuwi lang ako", sagot niya nang hindi niya ako nililingon.

Sinundan ko siya sa labas habang tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"B-bakit ka uuwi? I mean...diba mag-iimbestiga ka pa sa pagkawala ni baby Ken?", muli kong tanong

"Nakuha niya ang plate number...it's *** *** ", balita ni Lolo nang makasalubong namin siya

"Kung ganun inspector, kailangang mahanap ang taxi na yun. Siya ang makakapagturo nun!"

"Tama ka diyan Spence. Kaya tatawagan ko ang LTO para alamin kung saan naka-base ang taxi na yun!"

"Sige po inspector. Sabihan niyo lang po ako kung may maitutulong pa ako!"

Tumango lang si Lolo kay Spence.

Ako naman heto..nakatayo lang at pinanonood sila. Nakaka-impress lalo na't nararamdaman kong mahahanap na si Baby Ken!

Hindi ko tuloy maiwasang maging masaya

"Sige po inspector..uwi lang po ako!", paalam ni Spence

Tumango naman si Lolo at nagmadaling tawagan ang LTO.

--------------

(Spence's PoV)

Umuwi ako sa bahay. Agad akong dumiretso sa kusina para uminom!

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Bakit ganun?

Wala akong ganang isolve yung pagkawala ni Baby Ken?

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon