Chapter 9 - New Day

3.3K 130 3
                                    

(Spencer's PoV)

Iniunat ko ang aking kamay saka humikab! Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Kinuha ko ang mga damit ko at naligo na. May pasok na naman kasi.

After 15 minutes, ready na ako for school. I'll just eat breakfast at papasok na ako! Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa kusina.

O?O

O.O

So wondering, andaming foods sa table! Sino'ng may birthday?

"Oh, Spence anak andito ka na pala!"

Nakita ko si Mama, lumabas from the kitchen. Iba kasi 'yong kitchen at dining area namin.

"Ma, ano'ng meron? Andaming pagkain. May magbi-birthday ba?"

She waved her hand.

"Ano ka ba, wala! Naisip ko kasi, siguradong gutom ka kasi hindi ka kumain kagabi kaya nag-prepare ako ng maraming maraming foods for you!"

"Hay naku Ma, dapat kagabi pa 'to!"

"Just forget about last night. Kumain ka na!"

As if naman makakakain ako, eh may pasok ako. Limited lang ang oras ko sa pagkain para hindi ako ma-late.

Umupo kaming pareho ni Mama. We prayed and started to eat.

"One more thing kung bakit nagluto na rin ako ng marami? It's to celebrate!"

"Celebrate what?"

"Ikaw ah, nakakatampo ka. I'm your Mother pero hindi mo sinabi sa 'kin!"

"Ang alin?"

"Eh di 'yung pag-solve mo sa murder case sa school niyo!"

Ah oo nga pala! May na-solve pala akong kaso kahapon. But I don't think kailangang i-celebrate 'yun. Ang importante lang naman kasi sa 'kin ay na-solve. 'Yun na 'yon.

"H-how did you know that?"

Bigla siyang may inilapag na newspaper sa table. Kinuha ko ito at nagulat naman ako sa nakita ko. I saw my picture on the newspaper. The photo in my ID. Bakit nando'n sa newspaper? Simply because I'm on the news. Headline? 'Case closed by a student.'

"A grade 11 student of Cornerstone Academy named Spencer Quijano has solved the Murder Case of one of the best Coaches of their school last November 17."

"Congratulations dear! I'm so proud of you!" masayang-masaya si Mama.

Eh???? She's proud of me? Akala ko ba she doesn't want me to be a detective?

"Hindi ka galit ma?"

"Why would I?"

O?O

"I thought you don't want me to be a detective?"

"Ano ka ba, nakatulong ka. Walang masama do'n. Basta medicine ang kukunin mong course ok?"

I just smiled at her. Honestly, I'm still confused of what I'm gonna take up in college pero 'di bale, matagal-tagal pa naman!

After our breakfast, nagpaalam ako para pumasok sa school. Sinundo ko rin si Irish kaso, nauna na raw pala siya. Ang aga niya ngayon ah! No choice, I will walk alone.

Boring maglakad mag-isa.

On my way, may madadaanan akong sari-sari store. Napansin kong pinagtitinginan ako tapos bigla silang magbubulungan. Problema nila?

Sa may kanto naman, 'yung mga nakatambay na nagtatawanan, pinagtinginan din ako at bigla silang tumahimik!

Sa kalsada naman, may nakasabay akong naglalakad na mga grupo ng kababaihan. Mga estudyante rin. No'ng napansin nilang kasabay nila ako, tinignan nila ako, nagbulungan saka sila nagpa-cute! Ok, so ano'ng meron ngayon?

Malapit na ako sa school. Dumarami na ang estudyante at nakatingin silang lahat sa akin mapa-babae o lalaki. May mga nagpapa-cute habang kumakaway, may mga napapatahimik, may mga nagpapaganda, may nagsa-salute sa akin, ba't parang sa akin umiikot ang mundo ngayon?

Papasok na dapat ako sa gate nang bigla akong sinalubong ng napakaraming reporters. Nagtutulakan na rin sila at nag-uunahan para makalapit sa 'kin. As what I expected, darating nga ang mga reporter!

"Mr. Spencer Quijano!"

"Spence na lang!"

"Spence, pwede ka bang mainteriew?" sambit ni interviewer1.

Tinignan ko ang relo ko!

"Paano mo nagawang i-solve ang mahirap na kasong 'yon?"

"Simple lang, sinunod ko lang ang sinabi ni Papa, 'walang mahirap kung pinag-iisipang mabuti at pinagsisikapan!' "

"Eh, ngayon na sikat ka na, ano ang masasabi mo sa mga admirer mo?" tanong naman ngayon ni interviewer 2.

Admirer huh! Nag-expect ako na darating ang mga reporter pero di ko inexpect na may admirer na pala ako.

"Thanks for appreciating me! Excuse me may klase pa ako."

Pumasok ako sa gate.

"Spence, my loves!"

Bigla akong napatigil nang marinig ko na naman ang boses na 'yun!

"My Loves, pansinin mo naman ako!"

"Sherry!"

"Sikat na sikat ka na ah!"

"Hindi naman. Sige alis na ako ah!"

"Ano? Aalis ka na agad?"

" May gagawin pa kasi ako eh. Sige bye!"

Umalis na agad ako bago pa man siya makasagot.

Dumiretso ako sa cclassroom namin!

O?O

O_O

Is this real???

Punong puno ang table ko pati chair ng letters, gifts, may chocolate, may bear. 'Yung iba nahuhulog na dahil hindi na kasya.

"So, sikat na pala si Spencer Quijano?"

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Jamie kasama si Irish.

"Ah eh...hindi ko nga inexpect eh!"

"Sus! gustong-gusto mo rin naman!"

Tumingin ako sa paligid at binulungan ko sila ni Irish.

"Siyempre hindi 'no. Ano ako? Babae para bigyan ng mga ganyan?"

Pinagmasdan ko ang mga nasa mesa. Ginagawa lang 'yon sa babae and I'm not a girl.

"Eh ano'ng gagawin mo?" tanong ni Irish.

Napa-smirk ako.

"Uhmm...I ano'ng gusto mong kainin today? Gusto mo na bang kainin 'yung pizza?"

May utang pa kasi ako sa kaniya.

^_^

"Oo naman!"

Sa sobrang excitement napapalakpak pa.

"Ano pa'ng gusto mong kainin? Anything you want!"

"Sabi mo 'yan ah!"

"Oo naman! Ikaw Jamie, ano gusto mo? Libre ko!"

"Talaga? Gusto ko ng maraming maraming maraming ice cream!"

"Sure!"

"Sige! so kelan?" sabay nilang tanong.

"Later...after you clean the mess!"

Napatingin sina Irish at Jamie sa table na tinuro ko at napa-nganga sila.

"You can donate the bear!" suggestion ko.

"Pasalamat ka, ume-epekto 'yang panlilibre mo!" sambit ni Irish.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now