Chapter 4 - New Detective

2.3K 70 14
                                    

Nandito ako ngayon sa terrace ng aking kwarto. Nakatayo at nag-iisip ng kung ano-ano.

Ang buong araw para sakin ay napaka-harsh! Sana panaginip na lang 'to.

At napaluha na lang ako nang maalala ko lahat ng moment namin ni Spence. Kapag may tampuhan kami, pag naiinis ako sa kaniya o nang-aasar siya. Naalala ko nung pinaghintay niya ako ng dalawang oras sa school without knowing na nakauwi na pala siya! Yung pagsundo niya sakin at paghintay niya sakin sa labas ng bahay pag papasok sa school habang nagbabasa ng Mystery book. Yung pag-iwas niya kay Sherry at pang-aasar ko sa kaniya. Yung pagpapaimbestiga niya sakin kay Sherry. Most of the time, nakakainis siya. Nakakaasar siya! Pero he never fails to make me happy. Kahit simpleng presensya lang niya.

Napahikbi na lang ako habang naaalala lahat ng yun.

Spence, kung ikaw nga talaga yung biktima dun, kung wala ka na talaga, sino na mang-aasar sakin? Sino na'ng mang-iinis? Sino na'ng tutulong sakin sa exams? Paano na ako? Sino na ang magiging detective bestfriend ko?

Wala talaga akong idea kung paano. Nasanay lang talaga akong nandiyan siya!

Hindi siya sweet pero napapasaya niya ako!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number niya still clinging to the hope na buhay siya. Hindi nagriring!

Wala talaga! Maya-maya pa, napatitig na lang ako sa kalangitan. Maraming stars. Bilog din ang buwan. Sana buhay pa siya. At sana...nakatingin kami ngayon sa iisang direksyon!

---------

May kinukuha akong gamit sa aking locker. Pagkakuha ko ito, isinara ko na at ni-lock ang aking locker.

Pagkasara ko ito, nakita ko si Marcus. Nakasabit ang kaniyang backpack sa kaniyang balikat at nakasandal siya sa locker. Nakatingin siya sakin na tila ba hinihintay ako!

"Gusto sana kitang makausap!"

"Tungkol saan?", punong-puno ng pagtataka kong tanong

"Namumugto ang mga mata mo ah!"

Ang layo ng sagot sa tanong!

Pero siguro tungkol to sa investigation niya sa biktima sa kanto kaya sumama na rin ako

Andito kami ngayon sa Science Garden. May tambayan dito na table at upuan kaya dun kami umupo.

"Great walang tao!", pagsisimula ni Marcus

"So bakit mo ako gustong makausap?", diretso kong tanong

"I heard ikaw yung bestfriend ng biktima!"

At sigurado akong yung nasunog sa kanto ang tinutukoy niya.

At dahil ayoko talagang i-admit na si Spence yun...

"Yung sa kanto? Hindi ah! Hindi ko kaibigan yun!"

"Spencer Quijano?", paglilinaw niya

Medyo nainis ako sa pagpupumilit niya na si Spence yun

"Honestly, I don't believe na si Spence yun! Matalino ang bestfriend ko. Kung mamamatay siya, hindi sa ganoong paraan!"

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti...

"Alam mo, nagtanong ako kay Jamie kung ano ba'ng tungkol sa inyo. Nakakatuwa dahil kayo daw yung magkaibigan na hindi niyo pinapakita kung gano ka-special sa inyo ang isa't isa pero wagas magbigay ng tiwala!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ko ang usapan sa dahilan kung bakit gusto niya akong makausap!

"So bakit mo nga ako gustong makausap?"

"I started the investigation...hoping na mabigyan kita ng hope na hindi si Spencer Quijano yun!"

Tinignan ko siya na tila ba na-recharge ako..

"Pero lahat talaga nag-ma-match sa identity niya eh!"

Nalungkot ako sa sinabi niya pero pinilit kong ngumiti ng nakakaloko!

"Hindi mo pwedeng sabihin yan! Naimbestigahan mong lahat nag-match kay Spence? Ni hindi mo pa nga siya na-mi-meet eh!"

"Binase ko sa mga research ko tungkol sa kaniya at mga resulta sa forensics. Sa imbestigasyon ko, salvage ang dahilan. Siguro ang focus na lang natin ngayon ay alamin ang ugat kung bakit nangyari ito sa kan-----"

Bigla na lang akong napatayo dahilan para hindi natuloy ang sasabihin niya.

"Kung wala ka ring sasabihing maganda, aalis na ako!", at tuluyan na akong naglakad palayo!

(Marcus' POV)

Pinapanood ko ngayon si Irish na naglalakad palayo. Hindi talaga niya matanggap ang mga nangyayari! Naiintindihan ko siya. Minsan na rin akong nawalan ng minamahal! Pero sisikapin kong imbestigahan ang tungkol sa nangyari sa bestfriend niya at tulungan siyang tanggapin ang katotohanan na wala na si Spence!

Kinuha ko ang aking wallet at inilabas ang aking license bilang isang detective

"Ano'ng silbi ng lisensyang to kung hindi rin naman siya naniniwala sa imbestigasyon ko!"

(A/N: Si Marcus na nga ba ang magiging bagong Spence? Abangan! You can write down your comment din before my update..)

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon