Chapter 3: Mystery

2.4K 86 8
                                    

"Talaga? Ikaw yung anak ng may-ari ng Food Stop Restaurant? Yung Korean Restaurant malapit sa school?" , hindi makapaniwalang tanong ni Jamie kay Marcus.

Nakaupo na kami ngayon at kumakain ng lunch kasama si Marcus. Niyaya kasi siya ni Jamie eh since tinulungan daw niya ako. Siyempre agree naman ako sa point ng kaibigan ko. Ngayon, kasalukuyan namin siyang kinikilala.

Tumango lang si Marcus habang nakangiti. Pagkatapos ay uminom siya ng iced tea.

Base sa aming interview sa kaniya earlier, siya ay Grade 8 at tama ang hinala namin na transferee siya

"Ang galing naman! Big time ka pala...", masayang sagot ni Jamie at napapalakpak pa.

"P-pero teka...diba transferee ka? Sang school ka na kasi galing?", tanong ko kay Marcus

"Oo nga! Ba't ngayon ka lang nag-aral dito?"

Napabuntong-hininga si Marcus saka binitiwan ang hawak niyang kutsara at tinidor. Tinignan niya kami with a blank expression.

Matagal bago siya sumagot. Siguro pinag-iisipan niyang mabuti ang isasagot niya para eksaktong- eksakto.
Tinignan niya si Jamie ng seryoso saka ibinaling ang kaniyang atensyon sa'kin

Seryoso siya!

At ang sagot niya...

"Secret!", habang nakangiti pa

"Secret?", sabay naming sambit ni Jamie

Tumango lang siya na parang hindi big deal ang sinabi niya.

Pagkatapos ay nagfocus na siya sa pagkain habang pinapanood namin siya.

Sa nakikita ko sa kaniya, he's a mysterious type of guy, pero marunong makipag-socialize!

"Hala grabe yung nangyari sa kanto malapit sa school. May natagpuang lalaking sunog!"

Napatingin kaming tatlo sa dalawang babaeng nag-uusap na napadaan sa likuran ni Marcus!

Nang makalayo sila, nagtinginan kaming tatlo. Maya-maya pa ay agad tumayo si Marcus at naglakad palayo.

"T-teka san ka pupunta?", sabay naming tanong ni Jamie

"Sa kanto!"

"Gagawin mo dun?"

Hindi na niya narinig ang sinabi ko dahil tuluyan na siyang nakalayo!

Naalala ko na naman tuloy si Spence. May similarities sila. Pag may crimes kasi, agad ding nagmamadali si Spence na pumunta sa crime scene!

"Hmmmp..kalalaking tao napaka-tsismoso!", sambit ni Jamie

"Ang hard mo naman!", sagot ko!

Pero at the end, nagdecide kaming pumunta sa crime scene.

Marami nang tao pagdating namin dun.

Ang kanto kung saan natagpuan ang lalaking sunog ay may waiting shed. Sa bandang likod kasi ng shed na yun ay mayayabong na mga damo at doon itinapon ang lalaki.

Andito din si Lolo, isa sa mga nag-iinspect sa crime kasama ang team niya. Umaasa ako na andito si Spence. Baka sakaling nabalitaan niya ito at nagdesisyong tumulong kaso wala pa siya.

At nakita ko si Marcus, pinagmamasdan ang pinagtapunan sa sunog na lalaki. Parang ang lalim ng iniisip niya!

Maya-maya pa ay nilapitan ko si Lolo!
At doon ko napansin na tila malungkot siya

Parang ngayon ko lang siya nakitang ganun! I mean, I'm not saying na kailangan niyang tumawa pero iba eh! Para siyang nagluluksa. As if kakilala niya yung biktima!

" 'Lo, ok ka lang?", agad kong tanong

Naglakad lang siya patungo sa hindi ma-taong lugar.

"Hindi namin ma-trace yung mukha ng biktima! Obviously..", pagsisimula ni Lolo!

Hindi ko maintindihan kung bakit ini-explain ni Lolo to sakin. Hindi naman dati!

"Pero base on our investigation and sa forensics, ang natagpuang biktima ay matangkad, 5'6", blood type A, nakasuot siya ng Cornerstone Academy Uniform, at ang bag niya ay katulad ng bag ni Spence..."

The moment I hear it, biglang nanlambot ang tuhod ko at nanghina!

Mukhang alam ko na kung bakit sinasabi ito ni Lolo sakin!

"Ako rin, hindi makapaniwala! Napakabait niyang bata, matalino, ang dami niyang nabigyan ng hustisya. Hanggang dito na lang pala ang buhay niya!"

Hindi ko mapigilan ang mapaluha!

"Hindi, sabihin mo sakin Lolo, hindi yan totoo. Nagbibiro ka lang!"

"Pasensya na Irish!"

"Hindi ako iiwan ni Spence! Hindi ako.....h-hindi....hindi ako iiwan ng....ng bestfriend ko!"

Blurred na rin ang paningin ko dahil sa mga luha ko!

Matalino si Spence, at magaling makipaglaban! Hindi mangyayari to sa kaniya...

Nanghihina na talaga ako at sobrang sakit ng loob kong isipin 'to!

Maya-maya pa ay naramdaman kong niyakap ako ni Jamie

At doon na talaga ako humagulgol sa iyak!

Ang sakit malaman na yung bestfriend ko, wala na!

Pero ayoko pa rin talagang maniwala sa sinabi ni Lolo. Gusto ko pa ring umasa na buhay si Spence at hindi siya yung natagpuang lalaki dito sa kanto.

Ipinatong ni Lolo ang kaniyang kamay sa aking balikat

"Alam kong mahirap pero kakayanin mo yan! Andito kami. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong mahuhuli agad kung sino man ang may gawa nito!"

Doon ko naramdaman ang aking galit. Hinarap ko si Lolo at kahit nahihirapan na akong huminga at magsalita, pinilit ko pa ring sabihin kung ano ang nararamdaman ko!

"Wala kang iimbestigahan Lolo dahil hindi siya patay! Hindi siya yung lalaking natagpuan niyong patay....buhay siya! Buhay...buhay ang...ang bestfriend ko!!!", pagpupumilit ko sa kanila

"Kayo daw po ang inspector?"

Bigla kaming napalingon sa lumapit kay Lolo.

Si Marcus!

Maya-maya pa ay napansin niyang umiiyak ako!

"Umiiyak ka?", agad niyang tanong

"Obviously!", naaasar na sagot ni Jamie

"Ako nga! Ano'ng kailangan mo hijo?"

"Uhmmm...gusto ko po sanang tumulong sa imbestigasyon!", pagpi-presenta niya sa sarili niya.

Naaalala ko tuloy sa kaniya si Spence

Napatingin samin si Lolo in curiosity. Maya-maya pa ay tumingin siya kay Marcus..

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?"

"Opo. Dati na akong nag-iimbestiga sa states. At gusto ko pong subukan sa Pilipinas"

"Isa ka bang detective?"

"Hindi! Pero gusto kong maging detective!"

"Mapanganib at mahirap ang trabahong ito. Hindi kita basta-basta mapapayagan!"

Nagpangiti siya sa sinabi ni Lolo.

"Uhmm..inspector...hindi ko po hinihingi ang approval niyo. Ini-inform ko lang po kayo! Ngayon na alam niyo nang gusto kong tumulong sige po, sisimulan ko na ang imbestigasyon!"

Pagkatapos ay excited siyang umalis

Pinipigilan pa siya ni Lolo kaso umalis na!

(A/N: waiting for your comments mga minamahal kong readers...let me know if exciting pa ba ang Clue Detective or boring na so that I could make it better! Thank you :) )

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now