STBE - Two

1.4K 25 1
                                    

CHAPTER 2

"HAAAAA!" Sabay bangon ko sa kama. Hinahabol ko ang hininga ko nun.

"SAM! Ok ka lang?" lumingon ako't nakita ko sila Viv at Rene na nakatingin sa akin. Nasa may lapag sila. Pinagovernight ko sila sa bahay.

"Ba't ka sumisigaw?" tanong ni Rene.

"Guys, tell me. Hindi totoong magkakaroon na ako ng fiancé, right?" mabilis kong sinabi. Nung una napakunot noo sila.

"Ate Sam... yun ba ang napanaginipan mo?" tanong ni Rene. Umiwas ako ng tingin.

"Sam, totoo yun." napatingin ako bigla sa kanila. I tried to recall everything kung ano nangyari kagabi.

*FLASHBACK*

"Sam, we already found the perfect right guy for you."

"Honey, we're not joking. In fact, we already met your fiancé's parents last week. And they said that you'll meet him on September."

*END*

Totoo nga. Hindi ito panaginip. Anong gagawain ko? should I accept this fact? No, I can't. hindi talaga pwede ito. Kailangan kong kausapin sila mommy.

After 2 months..

(June 5, '09 - Thursday 5:16pm)

Two days na lang, papasok na naman sa school. Medyo bitin pa ako. Gusto ko pang libangin sarili ko. Matawagan na nga lang sila Viv.

"Hello?"

"Viv! Magmall tayo ni Rene!"

"Oh, kailan?"

"Ngayon na..."

"Teka, what time na ba?" tiningnan ko yung clock ko.

"Bruha! Wala ka bang orasan dyan? 5:20 pa lang." tumawa na lang sya.

"Sige, magreready na kami. Kita na lang tayo sa mall?"

"Sige. Bye." I hang up the phone. Tapos naligo na ako't nagbihis. Simple lang naman suot ko. Black pants at Pink t-shirt. Then, doll shoes. Pagbaba na ako nung nakasalubong si mommy sa sala.

"Sam, saan ka pupunta?"

"You don't have to know!" pasigaw kong sinabi. Tapos lumabas na ako ng pinto. Nagtataka siguro kayo kung bakit ganun-ganun na lang ang pakikitungo ko sa kanila. Oo, masama ang loob ko sa kanila. I tried every way na magexplain sa kanila na ayoko pang ma-engage pero hindi sila pumayag gaya na lang dati na... naalala ba ninyo ung sinabi kong kakausapin ko sila, the day after my birthday? yun. kinausap ko nga sila pero ito ang nangyari...

*FLASHBACK*

After maglunch nun, kinausap ko sila mommy.

"Ma, bakit ko kailangang ma-engage sa ganitong edad? Hindi nyo ba naiisip na masyado pa akong bata?"

"Alam namin yun, anak. Pero wala na kaming magagawa ng daddy. Pumayag na kami."

"Pumayag? What do you mean?"

"Si Tita Lilia, naalala mo pa ba sya?" tumango ako. Si tita Lilia ang may-ari ng gown fashion.

"Yung mother nya na si Lola Elena, nagmakaawa sa amin ng daddy mo na tulungan namin ang apo nya na si Jake." Napabuntong hininga si mommy. At tumingin kay daddy.

"Hindi lang si tita Lilia o ang nanay nya ang nakiusap sa amin ng mommy mo kundi pati na rin si Tito David mo na asawa ni Tita Lilia. Ang sabi nila, kailangan nila ng taong makapagbabago sa anak nila. kaya nakiusap sila na kung pwede, ma-engage kayong dalawa. Magsama. "

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon