"Huwat? What a poor reason. Bakit ako pa? madami pa naman dyan na kumuha ng role na yun."

"Eehh, anak. Pumayag na kami. Hindi na namin pwede pang bawiin." Paliwanag ni daddy.

"At bakit hindi?!"

"Dahil... ikamamatay ng nanay ni Tita Lilia mo."

*END*

Tama. May sakit sa puso si Lola Elena. Dagdag pa ang high-blood. Isa na raw si Jake sa ikakasakit ng puso ni Lola. Hindi ko alam kung bakit pero naisip ko lang, pasaway siguro syang apo. Sa buong buhay ko, hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawa na matigas ang ulo. Pero kahit ganun pa man, hindi pa rin ako tumigil sa pakikipag-usap kila mommy. Ito pa...

*FLASHBACK*

Second attempt...

"Ma, Pa. pleassee. Ayoko. Hindi ko kaya. gusto ko pang matupad ang mga pangarap ko. kung sakaling ma-engage ako, anong mangyayari sa akin? Hindi ko kaya yun. please. Nagmamakaawa ako sa inyo. Gumawa naman kayo ng paraan para hindi matuloy." humihingi ako ng awa sa kanila.

"I'm sorry, Sam. Wala na tayong magagawa." Sabi ni daddy na niyayakap ako.

Third attempt...

"Bakit hindi nyo ako maintindihan! Bata pa ako! Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad! Bakit ba hindi nyo maconsider ang feelings ko! hindi pa ako handa sa mga bagay na ito! Pleasssseeee. Itigil nyo na toh." Again, I'm begging but not crying.

"Please Sam. Ilang beses ba naming sasabihin sa iyo na hindi na pwede. Gusto mo bang mamatay ang lola nya? gusto mo ba yun? ha?!!" sigaw sa akin ni mommy.

"Ayoko. Ayoko. Ayoko!!!" sigaw ko rin sa kanila.

"Sam, it's just an engagement!" now, it was my dad's turn to yell at me.

"Para sa inyo, only lang! sa akin hindi! how could I be engage to someone na hindi ko naman mahal! Naiintindihan nyo ba, sapilitan lang ito!"

*END*

After nung third attempt ko, wala na akong nagawa pa. Ayoko ng makipag-argue pa sa kanila dahil wala rin namang patutunguhan ang paguusap namin. Besides, may plano naman ako bago pa matuloy ang engagement. Nakakatawa nga isipin eh, me? Going to be engage sa taong hindi ko mahal at higit sa lahat sa isang pasaway. Argh. Para akong nasa drama.

Nasa mall parking lot na ako ngayon. Paano ako nakarating? Nilunok ko ang bato ni darna't lumipad ako. Funny ha?

"Salamat manong! Tawag na lang po ako kung magpapasundo na ako."

"Sige, miss." Sinara ko na ang pinto't pumasok sa entrance ng mall. Dinial ko number ni Viv. Pero walang sumasagot. Sinubukan ko naman kay Rene at buti may sumagot.

"Rene! Nasaan na kayo?"

"Nandito sa may fountain."

"Sige, papunta na ako dyan." Sabay baba ko na rin.

Malapit na ako sa may fountain, I can already see Viv and Rene. Kumaway sila sa akin at kumaway din ako.

"Musta na?" pangangamusta ni Rene.

"Bored. Kayo?"

"Same." Nagkatinginan kaming talo't tumawa. Mahinang tawa lang naman. Tapos nagakbayan kaming lahat.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Gutom na ako." ngumisi si Rene.

"Shakeys." Sabat ni Viv.

"Treat ko." sabi ko naman. Trying to hide the pain ako nuh? Ayoko naman ma-spoil tong lakwatsa namin. Besides, sulitin na dahil two days na lang at back to school.

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Where stories live. Discover now