Chapter 26: Hot

10.3K 224 7
                                    

CHAPTER 26: Hot

•°•°•°•

"Anong ibig niyang sabihin, Lorraine?" tanong sa akin ni Tita Meryll.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Tita Meryll. Paano ko ngayon ipapaliwanag sa kanya ang lahat? Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tungkol sa deal. Kailangan ko na naman yatang magsinungaling kay Tita Meryll. Ugh! Bakit ba kasi nandito itong babaeng ito?

"Oh, sorry. Hindi ba nila alam?" nakangiting tanong ni Carla. Inirapan ko siya. Kapag hindi ako nakapagpigil, sasabunutan ko talaga 'yan.

"Lorraine, what?" ulit na tanong ni Tita Meryll na parang naghihintay siya ng sagot.

"Ganito kasi 'yan—"

Pinigilan ko si Tita Lorna sa sasabihin niya. "Uhh, Tita… ako na po ang bahalang magpaliwanag. Excuse lang po saglit."

Tumango naman siya. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Lawrence sa kamay ko. Nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Do you want me to come with you?" he asked.

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko na 'to. Bantayan mo na lang muna si Arianne para sa'kin."

He sighed and nodded. "Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo 'ko."

Tumango ako at bumaling kay Tita Meryll. Niyaya ko siyang bumalik muna sa kwarto para mag-usap. Sumunod naman siya sa'kin at iniwan na muna namin sila doon para kausapin si Carla. Sana paalisin na lang nila ang babaeng 'yon. Kaimbyerna talaga!

Pagpasok namin sa loob ng kwarto ay tinanong agad ako ni Tita Meryll.

"Now, explain to me everything. Paanong nagkaroon ng fiancée si Lawrence? Hindi ba't ikaw ang girlfriend niya?"

Napapikit ako para magdasal sandali. Papa God, patawarin mo sana ako sa gagawin kong pagsisinungaling. Ito lang po ang naisip kong paraan.

Dumilat ako at hinarap si Tita Meryll. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sinabi kong bago naging kami ni Lawrence, playboy siya. Pero nagbago lang siya nang naging kami na. Hindi pa dapat talaga ako ipapakilala ni Lawrence sa pamilya niya noon dahil sinabi kong hindi pa ako handa. Kaya lang, dahil hindi alam ng parents niya na girlfriend niya ako, ipinagkasundo siya sa iba dahil nga ang alam nila ay playboy pa rin siya. Natatakot silang baka hindi makapag-asawa si Lawrence kapag nagpatuloy siyang ganoon. Dahil doon, napilitan akong pumayag na ipakilala na niya ako sa parents niya para hindi na siya ipagkasundo sa iba. Kaya lang, dahil nga naipagkasundo na sila bago pa man ako maipakilala ni Lawrence, hindi pumayag ang tatay ni Carla na hindi matuloy ang kasal.

Ipinaliwanag ko rin kay Tita Meryll ang tungkol sa deal na nangyari sa pagitan ng pamilya ni Lawrence at Carla. Ipinaliwanag ko na hahayaan nila kaming dalawa ni Lawrence kapag napatunayan namin sa loob ng tatlong buwan na mahal namin ang isa't isa… na dapat hindi kami maghiwalay.

Sa buong pagpapaliwanag ko, mukha namang naniwala si Tita Meryll sa lahat ng iyon. Wala naman na siyang ibang sinabi kundi ang hindi ko dapat hayaang mapag-isa si Lawrence kasama si Carla. Pagkatapos no'n ay bumaba na kami.

Actually, hindi naman talaga kasinungalingan ang iba sa sinabi ko. Ganoon naman kasi talaga ang nangyari maliban sa umpisa. At totoo namang playboy si Lawrence.

Pagbaba namin ay naabutan namin silang lahat sa sala na para bang hinihintay talaga nila kami. Nakaupo sa lap ni Lawrence si Arianne. Sa tabi naman ni Lawrence ay si Carla. Napakunot-noo ako nang makita kong magkatabi sila.

Agad akong bumaba at dumiretso kina Lawrence. Dahil may kaunti namang space sa pagitan ni Carla at Lawrence, pilit talaga akong sumiksik sa gitna nila. Dahil doon, hindi sinasadyang naitulak ko si Carla sa gilid.

UnrealWhere stories live. Discover now