Chapter 10: Three Months

11.6K 209 8
                                    

CHAPTER 10: Three Months

•°•°•°•

Nang makapasok kami sa sasakyan ay agad itong pinaharurot ni Lawrence paalis. Nasa likod ang Ate niya samantalang ako naman ay nasa front seat.

"Three months it is. So, kaya niyo ba talagang magpanggap ng tatlong buwan?" dinig kong tanong ng Ate ni Lawrence.

Napakunot-noo ako. Wait. Alam niyang nagpapanggap lang kami?

Napalingon ako kay Lawrence. "Of course, kaya namin 'yon. Right, Raine?"

Napakamot ako sa pisngi. "Uhh..."

"Oh, don't worry, dear. Alam ko ang tungkol sa contract ninyo. Don't worry, wala namang ibang nakakaalam no'n maliban sa'kin. Sadyang pinagkakatiwalaan kasi ako ng aking dear brother kaya niya sinabi sa'kin. Besides, alam ko namang ginawa niya 'yon kasi ayaw niya talagang magpakasal sa isang taong hindi niya mahal. So, ano? Kaya mo ba ang tatlong buwan, Lorraine?" tanong ng Ate ni Lawrence.

Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado kung kaya ko. Wait. Of course, kaya ko. Pero kasi... parang ang tagal ng tatlong buwan. Pero may magagawa ba ako? Kailangan naming magpanggap ng tatlong buwan para hindi maikasal si Lawrence sa bruhildang Carla na 'yon.

"I'll try my best," sabi ko.

"Okay. Don't worry. I'm here. Tutulungan ko kayo. Ayoko rin namang maikasal ang aking little bro sa bruhang 'yon. Tss! Unang tingin ko pa lang sa kanya, nahalata ko ng evil siya. Kaya ayoko na agad sa kanya. Pero ikaw, Lorraine, gusto na agad kita. Ewan ko ba. Nase-sense ko kasing mabuti kang tao," sabi pa niya.

Tumawa naman ng mahina si Lawrence. "Of course, she is. Pipili ba ako ng hindi mo magugustuhan?"

"I know, right. Kaya nga okay na okay sa'kin si Lorraine. At okay na okay rin ako kung sakaling mauwi sa totohanan ang unreal relationship ninyong ito."

Bigla naman akong napakunot-noo. "Eww! Sorry po, ha? Pero hindi siguro mangyayari 'yon. Hindi ako papatol sa kanya dahil casanova siya."

"Tss! Kung makapagsalita ka parang wala kang gusto sa'kin. Crush mo nga ako, eh. Akala mo ba papatol ako sa'yo? Sorry. Hindi kita type," sabi ni Lawrence.

Narinig ko ang pagsinghap ng Ate niya sa likod.

"Oh my! Really, Lorraine? Crush mo si Rence? OMG! Gusto na talaga kita! From now on, call me 'Ate Louisse'. And please be comfortable with me," sabi niya habang nakangiti.

"Uhh, okay. You can call me 'Raine', then."

"Okay! Pero teka. Sa lahat naman yata ng nagka-crush sa kapatid ko, ikaw itong ayaw na makatuluyan siya. Why is that?" tanong niya.

"I wonder about that, too," sabi ni Lawrence habang nananatili ang tingin sa kalsada.

"Kasi... para sa'kin, ang crush ay paghanga lang. Kaya ka nagkaka-crush ay dahil may hinangaan ka sa kanya. Hmm, maybe his looks, his talents, or his personality. Ganoon," paliwanag ko.

"So, saan ka na-attract sa kapatid ko?" tanong ni Ate Louisse.

"To my looks, of course. Saan pa ba?" sabi ni Lawrence habang nakangisi.

Napairap na lang ako. Masyado talaga siyang mayabang. Porke't gwapo siya? Eh, 'di siya na ang gwapo!

"Hmm, but you see, Raine. There are some crushes that can be developed into real feelings. What if one day, you woke up and you realize that you're already attracted to him? Not only with his looks, but also to his talents, personality, or even his flaws. What if that crush turns into something more deep... like love?"

UnrealWhere stories live. Discover now