Chapter 14: Judge

10.3K 229 5
                                    

CHAPTER 14: Judge

•°•°•°•

Nang makarating kami sa bahay nina Lawrence ay nakaramdam ako ng kaba. Ayoko talaga ng ganitong feeling. Para akong patuloy na hinahabol ng kung ano at hindi ko alam kung kailan ako titigilan.

Bumaba ako sa kotse ni Lawrence at napabuntong-hininga. Ano naman kaya ang mangyayari ngayon? Nandiyan kaya ang bruhildang si Carla?

"Hey."

Napalingon ako kay Lawrence nang tapikin niya ang balikat ko. Napataas ang kilay niya.

"Nervous?" he asked.

"Yeah. You could say that."

He chuckled. "Para namang hindi mo pa sila na-meet. It'll be fine. Don't worry."

Napailing ako. "Kahit na. Nakakakaba pa rin. Baka mamaya may hindi magandang mangyari, eh."

"Just do it naturally," sabi niya at nauna ng naglakad papasok sa bahay nila.

"Ugh. How am I gonna do this naturally?" bulong ko sa sarili at agad na sumunod sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay hindi ko na naman mapigilang mamangha sa itsura nito. Naputol lang ang pagmamasid ko sa bahay nang biglang hawakan ni Lawrence ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa bandang hagdan kaya napatingin na rin ako doon. Pababa ng hagdan ang Mommy ni Lawrence. Nang makababa siya ay nilapitan niya ako agad.

Nakangiti siya nang mag-beso sa'kin. "Hello, Lorraine. I'm so glad you're here."

"Hello din po," sabi ko at ngumiti.

"Come here. Doon tayo sa dining room. Nandoon na ang Ate at Daddy ni Lawrence," sabi niya at nauna ng pumunta sa dining room.

My gosh! Makakaharap ko na naman ang Daddy niya. Parang mas lalong dumoble ang kaba ko.

Naglakad na kami papunta sa dining room. Habang papunta doon ay naramdaman ko ang pagpisil ni Lawrence sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Wala siyang ibang sinabi at ngumiti lang siya.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang gumaan ang pakiramdam ko. Napangiti ako. Iyon lang ang ginawa niya pero alam kong hindi niya ako pababayaan. Natutuwa ako dahil kahit na alam kong kontrata lang ang mayroon kami, alam kong hindi ako papabayaan ni Lawrence. Kahit na may pagkamayabang siya, alam ko namang mabait din siya. Besides, natatandaan ko pa nang sabihin niyang poprotektahan niya ako.

Iyon siguro ang benefit ng pagiging unreal girlfriend niya. Hindi niya ako pababayaan. Hindi ko alam kung ganito rin ba ang ipinapakita niya sa mga naging girlfriend niya pero wala na akong pakialam. Basta ang alam ko, mas ginanahan ako na matulungan siya na hindi maikasal sa ibang babae.

Okay, Lorraine. Kaya mo 'to. Ipakita mo kay Lawrence na kaya mo siyang matulungan. Huwag mo munang isipin na hindi totoo ang lahat ng ito. You have to act like his real girlfriend.

Nang makarating kami sa dining room ay naabutan nga namin doon sina Ate Louisse at ang Daddy nila. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala dito ang bruhildang si Carla.

Nang makita ako ni Ate Louisse ay agad siyang tumayo at tumakbo palapit sa'kin. Ang laki ng ngiti niya na parang ang saya-saya niya nang makita ako. At dahil nakakahawa ang ngiti niya, napangiti na rin ako.

"Hi, sis-in-law!" sabi niya at bumeso sa'kin.

Napakunot-noo ako. Sis-in-law? Saan galing 'yon?

Umiling na lang ako dahil hindi ako pwedeng magreklamo. Nandito lang sa harap ko ang Daddy nila.

UnrealWhere stories live. Discover now