Chapter 19: Everything

11.8K 246 9
                                    

CHAPTER 19: Everything

•°•°•°•

Tahimik sa biyahe pauwi. Pagkatapos ng nalaman niya kanina, wala ng ibang sinabi si Lawrence. Ang tanging sinabi niya ay ihahatid na niya ako pauwi. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang sumunod. At ngayon nga ay nasa biyahe na kami para ihatid ako sa bahay.

Kanina pa siya tahimik. Naka-focus ang tingin niya sa daan pero halata sa pagkakakunot ng noo niya na malalim ang kanyang iniisip. Hindi naman ako makapagsimula ng conversation dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong galit siya sa'kin dahil sa nalaman niya. Alam kong galit siya dahil hindi ko sinabi sa kanya.

Ano kayang iniisip niya? Siguro ay iniisip niya kung anong klase akong babae. Siguro naiisip niya na ang dumi kong babae dahil sa murang edad ay may anak na ako. Siguro naiisip na niyang hindi dapat ako ang pinili niya para magpanggap na girlfriend niya.

Bigla ko tuloy naisip na paano kung ihinto na niya ang deal? Well, okay lang naman sa'kin 'yon. Pero paano ang tungkol kay Carla? Kapag hininto namin ang deal, pipilitin ng Daddy niya na ipakasal silang dalawa. Paano ang pangako ko kay Ate Louisse na hindi ko hahayaang makasal si Lawrence kay Carla?

I shouldn't give up, right?

Hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Nagulat na lang ako nang biglang huminto ang sasakyan. Nilingon ko ang labas at napansing nasa bahay na nga ako. Napalingon ako kay Lawrence. Hindi ko alam kung dapat bang bumaba na ako agad o hintayin ko muna ang sasabihin niya. Hindi ba dapat magpaliwanag pa rin ako sa kanya?

"Lawrence—"

"Saka na tayo mag-usap, Lorraine. Hindi ko pa kayang makinig sa'yo," sabi niya.

Napalunok ako at napatango. I sighed. I think it's not yet the time to explain everything. I'll let him think for a while.

"Sige. Aalis na 'ko. Ingat ka," sabi ko at agad ng bumaba.

Pagkasara ko ng pinto ay agad din siyang umalis. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan siguro niya ng oras para makapag-isip. Hahayaan ko na muna siya.

Pumasok na ako sa bahay. Nagulat ako nang pagpasok ko sa gate ay naroon sa pintuan ng bahay si Tita Meryll. Oh my gosh! Nakita niya ba si Lawrence?

"Tita Meryll…"

"Ikaw ba ang sakay ng sasakyang huminto sa labas?" tanong niya.

Napalunok ako. "Uhh… h-hindi po. Doon po sa kabila 'yon. Lumampas lang sa tapat natin 'yong sasakyan," pagdadahilan ko. Sana naman maniwala siya.

Tumango siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at kahit papaano ay mataas ang gate namin. Ang lakas ng pandinig ni Tita Meryll. Narinig pa niyang may humintong sasakyan sa labas.

Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Si Arianne po?" tanong ko kay Tita Meryll.

"Nasa kwarto. Hinayaan ko munang maglaro doon. Kumain ka na ba?"

Tumango ako. "Tapos na po. Aakyat na po ako."

"Sige."

Diretso na akong umakyat sa kwarto. Pagpasok ko ay naabutan ko ang anak ko na nakaupo sa study table ko. Napalingon siya sa'kin nang pumasok ako. I smiled at her and kissed her cheek.

"Hi, baby. Anong ginagawa mo?" tanong ko at sinilip ang ginagawa niya. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko.

She's coloring something. Kahit medyo magulo ang pagkakagawa ay halatang-halata kung ano ito. Mayroon siyang iginuhit na isang pamilya. May nanay, may tatay, at may anak. Napatingin ako sa anak ko. Inosente lang siyang nagkukulay nito. Hinaplos ko ang buhok niya.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon