Chapter Two- A job for a Homeless Girl

Start from the beginning
                                    

Paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa lalaki na tahimik ring kumakain. Maganda talaga ito at mabait pa. Sa tingin niya ay nasa twenties na ang edad nito.

Matapos ang halos kalahating oras ay okay na ang pakiramdam ni Cecil.

"Salamat sa pagkain," sabi niya sa lalaking maganda.

"You're welcome. May kakayahan akong tulungan ka kaya ko 'yon ginawa. Akala ko rin kasi talaga ay bata ka pa," natawa ito sa huling nasabi. "Anyway, kahit ano pa ang edad mo ay tutulungan pa rin kita."

"Salamat talaga Sir –"

"I'm Emmanuel dela Vega but you can call me Emman. And you?"

"I'm Maria Cecilia Frias. Cecil na lang."

They shook hands. "So, may mapupuntahan ka ba?" tanong ni Emman. Hindi siya nakasagot. "Actually, naisip kong naglayas ka base na rin sa dala mong bag. Tama ba ako?"

Tumango siya. "Ayoko ng bumalik sa amin."

"Pero saan ka naman pupunta? May naisip ka na bang mapupuntahan?" tanong nito. Umiling si Cecil. "Ano ba ang natapos mo?"

"Hindi pa ako tapos ng tenth grade," sagot niya. "Pero nasa legal age na ako and I can work. May trabaho ka bang pwedeng maibigay sa akin, Emman?"

"I was actually thinking of that. As of now, kung wala kang mapupuntahan, pwede ka doon sa bahay."

"Talaga?"

"Yes."

"Salamat, Emman. Hulog ka ng langit!"

"You are really cute, Cecil," anito saka hinawakan siya sa ulo at parang batang ginulo ang kanyang buhok. Pakiramdam niya ay bigla siyang nagkaroon ng kuya sa katauhan nito.

Nang sabihin ni Emman na patutuluyin siya nito sa bahay nito, isang ordinaryong bahay lang ang na-imagine niya. Pero nang makarating sila sa tinutukoy nitong bahay, nagulat siya at biglang nanliit.

"Ito ang bahay mo?" paniniyak niya habang papasok sila sa gate.

"I stay here. Bahay ito ni Tia at ng iba kong pinsan. I'm sure may silid dito na pwede mong tulugan temporarily at –"

"W-wait! Diyan ako titira? Emman, hindi ba parang nakakahiya sa tia mo na magdadala ka rito ng isang total stranger?"

"I texted her already at sinabi kong may bisita ako."

"What? Nariyan siya ngayon?"

"Yes. Kararating niya lang mula sa biyahe. Medyo strict siya pero mabuti siyang tao," anito saka siya sinamahan papasok ng mansiyon. Iyon ang unang beses na nakapasok siya sa isang napakalaking bahay at lalo siyang nanliliit. Namamangha siya sa kanyang mga nakikita. Sigurado siyang walang cheap na gamit doon at nakakatakot humawak sa mga gamit na naroon dahil baka makabasag o makasira siya.

"Tia."

Tinitigan ni Cecil ang auntie ni Emman na papalapit sa kanila. Ilang beses siyang napalunok dahil kahit maganda naman ay parang itong nakakatakot. Wala man lang kangiti-ngiti. Pormal na pormal ang mukha ng babae. Wala itong masyadong suot na alahas pero elegante pa rin ito at karespe-respeto. Ang titig din nito sa kanya ay parang tagos sa kanyang buto.

"Who is she?" tanong ng babae.

"She's the one I texted you about. She's Maria Cecilia Frias. She will stay here temporarily until she can find a job."

"Job? What job will fit to a thirteen-year-old?"

Bahagyang natawa si Emman. "Eighteen na po siya, Tia." Umigkas ang kaliwang kilay ng babae, tila hindi makapaniwala.

"Marunong po ako ng mga gawaing bahay," sabad niya.

"Do you know gardening?" tanong ng auntie ni Emman.

"Yes, Ma'am. May garden ang lola ko sa Pilipinas at ako ang nag-aalaga sa mga bulaklak at pananim niya. I can do vegetable gardening too," sagot niya.

"I recently fired my gardener when he forgot to care of the roses. Can you assure me that you will do well?"

"Yes, Ma'am. Flowers are my friends," sagot niya. Totoo naman ang sinabi niya.

"Then you're hired. Emman, ikaw na ang bahala sa kanya," sabi nito saka sila iniwan at pumanhik na patungo sa ikalawang palapag ng mansiyon.

"Thank you po, Ma'am," sabi niya. Hindi ito nag-response pero ayos lang dahil pumayag itong magtrabaho siya roon.

"Congratulations! May trabaho ka na," bati ni Emman sa kanya.

"Salamat, Emman."

Iginiya siya ni Emman sa magiging silid niya. Sinabi niya rito na sa servants' quarters na lang siya patuluyin pero nag-insist ito na sa isang guest room siya patuluyin. Hindi niya ito nahindian. Habang paakyat sila sa ikalawang palapag ay may nakita siyang napakalaking portrait. Naka-display iyon sa mismong harap ng staircase na para bang iyon ang magwe-welcome sa sinumang papanhik ng hagdan.

"Sino sila?" tanong ni Cecil habang nakatingin sa portrait ng isang babae at lalaki. The man in the portrait is handsome with blonde hair wearing a white suit while the woman is beautiful with black, wavy hair and wearing a red gown. Magkayakap ang mga ito sa isa't isa.

"My Tia's late-parents."

Patay na pala ang mga ito. "So grandparents mo sila."

"Yeah. The man there is Don Eliseo Contreras while the woman is his wife, Señora Maria Carolina Contreras y Symphonia. That's their wedding portrait."

"Wedding? Pero red ang gown niya."

"It's the tradition she started," nakangiting sagot ni Emman saka nagpatiuna. Sumunod na siya rito. Malaki ang kwartong ibinigay nito sa kanya. Lalo siyang nahiya pero ang sabi ni Emman, isipin na lang daw niya na nasa hotel siya at babayaran niya ang pagtira niya roon pero may discount. Hindi na lang niya ito kinontra.

Hindi lang mala-anghel si Emman, ito talaga ang anghel niya dahil dumating ito sa panahong kailangan niya ng tutulong sa kanya. Hindi pa rin talaga siya pinababayaan ng Diyos.


PUMASOK si Emman sa master's bedroom. Naabutan niya ang kanyang tiyahin na nagbabasa ng mga folders sa study table nito. Sa mga hindi nakakakilala rito, tiyak na matatakot o maiilang pero sa mahigit sampung taon niyang paninirahan kasama ang matriarch, kabisado na niya kung kelan ito wala sa mood o relax. Sa ngayon ay hindi naman mainit ang ulo nito.

"Tia, pasensya ka na kung nagdala ako ng guest dito nang hindi agad nagsasabi," aniya.

"Walang problema sa akin iyon, Emman. As long as kilala mo kung sino ang dinadala mo sa pamamahay natin."

"When I looked into her memory, I found out that she ran away from home because her step-brother tried to rape her. She told her mother about it but she did not believe her so she ran away," kwento niya. It was the memories he had read when he touched Cecil's head earlier in the restaurant. Iyon ang kakayahang namana niya mula sa angkan na kanyang pinagmulan.

"Is she really good in gardening?" tanong nito.

"Yes, Tia."

"Well then, hahayaan ko siyang manatili rito."

"Salamat po, Tia. Siya nga po pala, kailan po ang balik ng tatlo rito?"

"Hindi ko matitiyak since may mga ipinag-utos ako sa kanila. As of now, dito na muna ako sa London magpapalamig ng ulo," anito. Tumango siya. Alam niyang hindi pa rin ito nakaka-get over sa idea na ilan sa mga kapatid nito ang sunod-sunod na ikakasal sa taong ito. Madalas na sumasakit ang ulo nito dahil sa mga nakababatang kapatid pero sa huli, gumagawa pa rin ito ng paraan para matulungan ang mga kapatid nito. She could always be a monstrous matriarch but behind that scary facade is a heart that cares for her family. People will misunderstand her but he understands all her efforts. Alam ni Emman na darating ang araw na aalisin nito ang anumang maskara at ihaharap sa buong angkan nito ang matagal ng dapat na nangyari. Sa panahong iyon, naroon siya at susuporta rito.


Symphonian Curse 6: The Tale of the Nine-tailed BeastWhere stories live. Discover now