Paper Planes XXVII

Start from the beginning
                                    

"Kumalma ka nga, baka sumakit ulo niyan sa dami ng tanong mo. Di pa nga nakakapagsalita." sabi ni Nicko. Napakamot naman si Aly sa batok.

"Eh kasi Kuya eh." nahihiyang sabi ni Aly.

"Okay lang po ako, wala naman pong masakit." sagot ni Kian.

"O diba? Malakas yang bunso natin. Kaya wag ka ng mag-alala." sabi ni Nicko.

"Anong gusto mo Nak?" tanong ni Nanay. Umiling naman si Kian at napatingin kay Den, bigla namang lumiwanag ang mukha nito.

"Ate Ganda!" tawag niya at lumapit naman si Den.

"What?" nagtatakang bulong ni Aly sa sarili.

"Ly bata yang pinagseselosan mo." bulong naman ni Nicko sa kanya kaya napatingin siya rito nakangiti ito ng nakakaloko pero tumingin si Nicko kay Nanay. "Nay tara na po, uwi na tayo at kumuha ng gamit." sabay lapit kay Nanay Celia.

"Ay oo nga pala." sabi ni Nanay. "O pa'no mga anak. Aalis muna kami ni Nicko para kumuha ng damit namin ni Kian. Maiwan muna kayo rito, babalik din kami."

"Sige po Nay, ingat po kayo." sabi ni Aly, si Den naman ay lumapit kay Nanay at nagmano.

"Babye po 'nay." sabi ni Den at tumingin kay Nicko. "Bye kuya Nicks!"

"Sige alis na kami, ingat kayong dalawa ah. I mean ingatan nyo si Kian, baka ano mangyari." sabi ni Nicko at kunot noo siyang tinignan ni Aly, si Den naman napailing na lang.

Ano na namang gustong iparating ni Kuya?

Hindi na lang pinansin ni Aly ang sinabi ni Nicko at nagpaalam na lang ulit. Umalis na ang mga ito at nang sumara na ag pinto, napabuntong hininga si Aly. Tumingin siya kay Den saka nagsalita.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya ah? Mahilig lang talaga mang-asar yun." sabi ni Aly at tinignan din siya ni Den.

"Para namang di pa ko sanay, okay lang." sabi ni Den dahilan para kumunot ang noo ni Aly.

"Gusto mo ata eh!" parang batang sabi ni Aly kaya tinaasan siya ng kilay ni Den.

"Hoy kapal mo! At bakit naman?" pinanlakihan siya ng mata ni Den, ngayon lang siya napagtaasan ng boses at kilay nito kaya nagulat kinabahan siya. Sa takot ay napapikit siya ng tatlong beses.

"A-ah w-wala!" agad na sabi ni Aly nang makarecover siya. Si Den naman lumapit na lang kay Kian, si Aly naman
napabuntong hininga. Una dahil umalis na si Den sa harap niya, at pangalawa walang gusto sa kanya si Den which is a good thing. Tumalikod siya at nakitang masayang nagkkwentuhan ang dalawa, parehas nakangiti lalo na si Kian. Naisip niyang siguro ay may gusto talaga ito kay Den.

Tutal hindi naman siya pinapansin ng dalawa ay umupo na lang si Aly sa sofa at kinuha ang remote. Binuksan niya ang tv at nanood na lang.

Pero dahil malakas ang boses ni Kian ay hindi niya maiwasang hindi makinig sa usapan ng dalawa. Kungyari ay nanonood pa rin pero nakikinig na talaga siya sa dalawa.

"Ah so anong favorite food mo ate Ganda?" rinig niyang tanong ni Kian.

"Pasta. Kahit anong luto." sagot ni Den.

Ah totoo pala talaga.

Tumango tango pa siya pero dahil baka mahalata siya ay dinamay niya ang tv.

"Ah oo dapat nga ikulong yan." wala sa isip niyang sabi.

"Talaga ate? Ako din e." sabi ni Kian at bakas sa tono ng pananalita nito na masaya ito. Sigurado ring ngiting ngiti ito. Pero napakunot naman ang noo ni Ly.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now