"Miss? 'Yung isa may yelo, 'yung isa wala," pahabol nung ginang at tumungo na sa bakanteng mesa, hindi kalayuan sa mesa ng mga mahaharot na babae.

Bago humakbang paalis para kumuha ng tubig, namataan ko ang dalawa kong kaibigan. They're done eating. "Alis na kami girl," they mouthed. I waved my hand. Nang makita ko na nakalabas na sila, pumunta ako sa gilid ng counter at kinuha ang special water, isang may yelo at isang wala.

Hawak ang dalawang baso, dumako ang aking tingin sa gitnang mesa. Ibang crew ang nagdala ng pagkain kaya kita ko ang dismayadong mukha nung mga babae, lalo na ang may makapal na kolorete.

Napangisi ako, ngunit mabilis din itong nabura. Tinawag nila si Cyron nang magawi ito sa kanilang pwesto! Kumilos agad ako at pasimpleng tumayo, malapit sa kanila upang marinig ang usapan.

Kahit tatlong pagitan na mesa pa ata ako pumwesto, maririnig ko pa rin ang matinis na boses ng babaeng maharot.

"Hi kuya! Available ka today—I mean available ba today 'yung chicken wings?" The flirty girl said, batting her thick fake eyelashes.

Napairap ako. Halata ang pakay dito, dinadaan pa sa patanong-tanong ng kung ano. Weak!

"Yes," tipid na sagot ni Cyron. He was about to leave, but the leech keeps on pestering him.

"Pahingi cell phone number mo kuya Cyron." Inabot niya ang pahabang resibo at ballpen, ngunit hindi ito tinanggap ni Cyron.

I bit my lips to contain my laughter.

"Ah sorry, personal masyado. Pa-picture na lang. Request ko na 'to dati, sana mapagbigyan mo na."

"Sige na kuya Cyron, birthday niya na next week," gatong nung kaibigan niya.

Try harder. Kung ako, ignored at denied kay Cyron—unang-una pa lang, ano pa kaya ang mga babaeng iyan?

"Later," Cyron replied. Wait—What?!

Mabilis akong tumalikod nang dumaan si Cyron. Humarap din agad ako nang makita na nakalayo na siya.

Did he really accept the girl's request? Tama nga siguro ang dinig ko dahil kitang-kita ko ang abot langit na saya nung babae, pati ang kaniyang mga kaibigan na walang tigil sa panunukso.

My pride couldn't accept it. He has an indifferent aura; halatang masungit at suplado. Cyron is rude—base on how he treated me. Pero... bakit sa iba parang hindi gano'n kalala ang trato niya kumpara sa akin?

Hand shake lang, hindi pa ako mapagbigyan? Samantala, ang babaeng iyon—or maybe lahat ng babae, bukod sa akin ay nagagawa niyang pagbigyan.

Kailangan bang sabihin ko rin na birthday ko na next week para makipag-kamay siya sa akin at patulan ang intensyon ko sa kaniya?

Tss! I'll try that to prove if he's bias or not.

Back to my task, taas noo akong lumakad at tinungo ang pagdadalhan ko ng tubig. Sa isang sinasadyang pangyayari, dumulas ang hawak ko sa baso at natapon ang laman nito sa babaeng haliparot.

Hindi ako natutuwa sa reaksyon niya kanina na tila daig pa ang nanalo sa lotto. Now, I'm partly satisfied.

"Gosh! Lampa ka ba miss o pinanganak na tanga?" puno ng iritasyon na aniya. Nagtinginan na tuloy ang ilan.

Sayang. Dapat mainit na tubig ang ni-request sa akin nung customer, edi sana, napaso na ang bibig ng babaeng 'to.

"Bwiset! Sinira mo ang ayos ko!" she hissed. Inis na inis niyang tinanggap ang tissue mula sa kaniyang kaibigan at ipinunas na ito sa kaniyang mukha.

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now