Chapter 8: Human Megaphone

Start from the beginning
                                    

“Sabagay. Pero balita ko nakita na nila Sir yung anak niya eh. Pero hindi pa siya nagpapakilala. Ayaw din yata ng pamilya nung bata na magkalapit sila. Ang alam ko hindi din alam ni Hiro yun. Alam niya kaya na may kapatid pa siya? Masikretong bata din kasi. Masyadong malihim sa nararamdaman,” tinigil nito saglit ang pagkukuha ng munting damo sa paligid at hinarap ang asawa.

Nagkibit-balikat lamang si Aling Martha habang nagwawalis. “Ang hirap din pala pag sobrang yaman no? Ang daming problemang kinakaharap. Sigurado akong magkakatalo na naman sa usapang mana yan pag nagkataon. Di ba ganun naman lagi? Ayaw pa mandin ni Madam na nalalamangan ang anak niya.”

Napabuntong-hininga naman si Mang Nilo. “Naawa nga din ako kay Hiro. Mag-isa na nga lang siya pero parang nakikiamot pa din ng atensyon sa ama niya. Hindi naman talaga sapat na si Madam lang ang parating nandyan kay Hiro. Iba pa rin ang kalinga ng ama syempre. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang kasidhi ang pagnanais ni Sir na makita ang anak niyang babae. Kung tutuusin para namang ayaw na din daw itong makita ng ina nung bata. De ibig sabihin pati yung anak ilalayo nun di ba?”

Marahang tinampal ni Aling Martha ang asawa sa balikat. “Ano ka ba Nilo! Natural, ama pa rin siya. Syempre gusto din nun makilala at makasama ang anak niya. Nangungulila. Hindi din naman natin alam ang buong detalye ng kwento. Pero syempre, naaawa din ako kay Hiro. Alam mo namang napamahal na ang batang yan sa atin. Kita mo, halatang sabik sa pamilya. Mabuti nga at hindi siya nagrebelde katulad ng ibang bata diyan. Maswerte pa din si Sir sa kanya.”

“Sabagay. Ipagdasal na lang natin na kung magkakilala man ang magkapatid, maging maayos naman sana ang kahihinathan. At maayos din ang pamilya nila.”

Malungkot na ngumiti si Aling Martha. “Tama ka Nilo. Sana nga.”

***

Latang lata man ang katawan ni Hiro pag-uwi ng bahay, mababakas pa rin ang ngiti ng tagumpay. Pagkatapos nitong magpahinga saglit at maligo ay dumiretso na ito sa hapag at kumain ng tanghalian kasama ang mag-asawa.

“Ilan ang tambak niyo sa kalaban anak?” Excited na panimula ni Mang Nilo habang nagsasalin ng kanin sa plato.

Masaya namang nagkwento si Hiro habang interesadong nakikinig ang mag-asawa sa kanya. Isa iyon sa nagustuhan ni Hiro. Walang sawang nakikinig sa kanya ang mag-asawa. Laging gustong updated sa mga nangyayari sa kanya.

Na kung sana’y ganun din ang kanyang ama.

“Muntik na kaming matalo tay! Nag-overtime pa nga. Pero nalamangan namin ng sampung puntos. Grabe yung tao sa gym. Halos wala ng labasan ng tao. Ngayon ko lang na-experience ‘to!”

Napalatak naman si Mang Nilo sa sinabi ni Hiro.

“Kuu! Pihadong hindi na halos makahinga ang mga nanonood nun. Championship nga naman. Pero sigurado naman akong mananalo kayo dahil andun ka.” Bahagya nitong nilingon ang asawa. “Kung pwede ko lamang sanang iwan si Martha, gusto kong panoorin ang laro mo eh,” pabirong dagdag nito kapagdaka.

“Okay lang yun tay. Walang kaso. Alam ko namang hindi niyo maiwanan ‘tong resort. Baka mawala hahaha.”

NYORKWhere stories live. Discover now