Ang Pang-Pito

Mulai dari awal
                                    

Dapat ay hindi na lang siya nagpunta rito. Hindi bagay sa kaniya ang bistrong ito. Doon siya nararapat sa mga building na sintaas ng kastilyo. Iyong mga inaabot ang himpapawid sa taas tutal naman ay mapagmataas din ang ugali niya!

Natapos na rin naman ang meeting. Mangilan-ngilan na naglakas ng loob at kinamayan si Ram.

"Hello po, Sir Ram! Welcome po! Ang gwapo niyo po!" Dinikit ni Janina ang katawan dito. 

Si Janina na palaging tulog sa reception ay gising na gising ang diwa ngayon. Halos umirap ako.

"Ako po si Mirna, Sir Ram." Hindi ko namalayan si Mirna. Tumabi ito kay Ram sabay pasimpleng tapik sa dibdib nito. Humarap siya sa akin at nag-thumbs up.

Gusto kong sampalin ang sarili pero si Mirna muna. Kitang-kita ko ang mukha ni Ram. Wala lamang itong kibo at puros tango. Napakasungit talaga!

Kumulo ang dugo ko sa hindi malamang kadahilanan. Hindi naman sa kaniyang buo ang bistro. Kung hati man sila ng Joel ay hindi ibig sabihin noon ay mas mataas ang ranggo niya. Si Joel pa rin ang boss ko.

Hindi ko alam ay nanggigigil ko na itong tinitingnan. Inis na inis ako sa buhok nitong malinis ang gupit. Nakakairita ng parte ng kaniyang dibdib na sumisilip dahil bukas ang pang-unang butones!

Sus! Yabang!

"Aray! Aray!" Napaiyak ako nang madikit ang mga kamay sa mainit na cooking pan. Sumigaw ako kaagad kung sino bang nakaisip na sindihan ito!

"Tingin kasi ng tingin," halakhak ni Ivan.

Hawak ko ang bahagyang napasong dulo ng daliri. Dinawdaw ko 'yon agad sa lababo. Binalik kong muli ang tingin kay Ram. Nakatingin na ito sa akin habang patuloy pa rin ang mga bati sa kaniya.

Umakyat nanaman ang presyon sa mga pisngi ko. Nakabaling sa akin ang nanlulunod na mga mata ni Ram. Nanlambot ang aking mga tuhod at kung hindi sa katangahan ay muntik nanaman maidikit ang kamay sa cooking pan.

Pilit kong pinigilan ang pag-usok ng aking pisngi ngunit sa aking repleksyon ay kinakamatis pa ito. Tinuon nang muli ni Ram ang tingin sa mga kausap nang may ngisi.

Sumingkit ang mga mata ko rito.

"Ang tigas, Chrissy! Grabe! Tunay ang wet dreams ko! Shit!" Kinalabit ako ni Mirna nang nakabalik ito.

Bago umalis si Ram ay nagpaalala ito ng kaniyang mga rules. Ayaw niya sa late, improper uniform, bastos at inefficiency. Pormal na pormal ang kaniyang pagsasalita. Puros english. Para sa'kin ay strikto at nakakainis pero kila Mirna ay para bang sinasabing may libre silang house and lot tapos ay may kotse pang kasama. 

"Mas lalakas pa 'yung bistro nito, for sure. Dadayuhin 'yung pagkain saka si Sir Ram! Sana may reservations din. Oh, Sir Ram. Reserve kita for our date later?" Tinapik-tapik ni Mirna ang dalawang pisngi sa excitement.

"Hindi mo pa i-diretsong motel, Mirna! God!" Para silang mga coke at si Ram ang menthos!

Bumalik na kaming trabaho. Sa likod ng counter ay panay sulyap nila kay Ram habang paakyat itong office. Hindi ito nadapa gaya ng nasa utak ko. Sana madapa. Sana madapa. Sana madapa!

"Baka matunaw naman 'yan, uy!"

Nilingon ko si Mirna. Nakangiti pa rin ito at good mood na good mood. Napailing ako. 

Binalik ko ang titig kay Ram na tumigil ng bahagya tapos ay lumingon. Nag-landing sa'kin ang kaniyang mga mata kaya mabilis akong dumampot ng kung anong bagay sa counter.

"Ano 'yan? Sandok?" Humalakhak si Mirna sa aking hawak.

Lumaki ang mga mata ko sa sandok na hawak. Binitiwan ko ito kaagad. Sino nanaman bang makitid ang utak na naglagay niyan dito? Doon iyan sa kitchen!

Kamakailang segundo ang lumipas, inangat kong muli ang tingin ngunit lumagabog na ang screen ng office. Napanguso na lang ako.

The PristineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang