Ang Pang-Siyam

41K 812 70
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ng strikto naming boss ay dinaluhan ako ng aking mga katrabaho. Naroon kaagad sina Japeth, Ivan, at Mirna sa aking tabi.

"Putang...ina niya. 'Tangina niya, ah! Putangina no'n," kinamot ni Mirna ang batok.

"Naninibago lang siguro 'yang si Sir Ram sa trabaho natin 'Di ba? Guys, 'di ba? Napakayaman niya. Sigurado akong sa office ang trabaho n'yan at hindi ganito sa atin. Nakakapagtaka nga..."

Nilibot ko tuloy ang tingin sa hindi kaluwagang kitchen. Nawawala na ang pintura sa dingding at kisame nito. Ang mga pans at stainless ay puros gasgas na. Ang iilang mga bintana ay sira na rin. Hindi kailanman mababagay si Sir Ram sa trabaho namin dito.

"Bakit, Colofer? May masama na ba sa ginagawa natin? Trabahong lababo, trabahong office, e, parehong marangal naman, ah! Walang namang pinagkaiba doon, ah!"

"Hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin, Ivan. Ang sinasabi ko lang, nag-a-adjust lang 'yung boss natin...katulad ng kay Chrissy kanina, tingnan mo, ayaw ng late," marahang sabi ni Colofer.

Tama nga naman si Colofer, naninibago si Sir Ram, ang boss namin, sa nangyayari. Hindi ito ang typical na mga cubicle sa office. Pero tama rin naman si Ivan na marangal itong trabaho namin. 

Bistro ito, lumang bistro kung liliwanagin, kung saan maraming nag-iinumang may kaya at mga pamilyang gustong magyabang na may pera sila. Dito ang lugar na kadalasang dinadala ng mga lalaki ang kanilang side chick at mga fubu na nasisikmurang makipag-sex mismo sa maruming cr.

Magulo ang sistema ng bistro. Pero dito ako nabuhay, dito kami nabuhay.

 "Teka, crush mo si Sir Ram, ano? Colofer?" Sinubukan kong magbiro dahil tensyunado silang lahat sa nangyari.

"Puta, Chrissy, ano? Lalaki ako!" Dinipa ni Colofer ang magkabilang kamay na parehong may oven mitt.

Nabuhay ang tawanan sa loob ng bistro. Bumalik na ang lahat sa trabaho. Nawala na ang issue at hindi pa rin sila natatauhan. Si Sir Ram ay mistulang ginto pa rin sa kanilang paningin.

"Good evening po, sir! Menu po," abot ko sa may itsurang lalaki sa table ko.

"Thanks..."

Habang nag-iintay ako ng kaniyang order ay halatang pansinin ang lalaki. Black shirt at leather jacket ang suot nito. May stud pa ang kanang tainga. Ito ang mga type ni Mirna. 


"I'll just have whiskey, miss. Intayin ko na lang ang kasama ko..." 


  Napatingin akong saglit sa leather jacket nito. May issue na yata sa akin ang mga leather jacket. Napanguso na lang ako atsaka tumango rito.

Habang lumalalim ang gabi ay palipat-lipat ako sa aking mga tables ngunit ang partikular na lalaki na ito ay hindi pa umaalis sa kaniyang table. Mukhang hindi pa dumarating ang kaniyang kasama dahil puros whiskey lamang ang kaniyang iniinom.

Dumadalas ang pag-order nito ng alak ngunit namamangha ako dahil malakas ang kaniyang tolerance. Nananatili siyang mabait at magalang kung magsalita.

"Dati ka na rito?" sabi niya.

Tumango ako rito at ngumiti. Nilagay ko naman ang kaniyang pangalawang order na sisig. 

"Really? Ang bata mo naman para magtrabaho," namamangha nitong sagot.

Pagkatapos ko sa kaniyang table ay bumalik na ako sa likod ng counter. Tumagilid ang ulo ko sa lalaki. Tumunog ang aking cellphone sa counter kaya naman natigil ang aking pag-oobserba. 

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon