Ang Pang-Dalawampu't Walo

34.5K 665 58
                                    

Madalas ang pagpunta ni Ram sa aking apartment. Lalo na tuwing gabi. Ayaw kong isipin niyang trabaho na niyang review-hin ako ngunit hindi ko mapigilang hindi tumalon sa tuwa kapag naririnig ko na ang busina ng kaniyang kotse sa harapan ng aking gate.

Natigil ang lahat na 'yon nang pumatak na ang petsa para sa aking remedial.


"Mukhang madali yata ang pa-exam ko, Miss Cajucom," bati sa akin ni Mr. De Guzman.

"Naku, hindi po..." Ngumisi ako sa makakapal nitong reading glasses.

Alam na alam ko ang aking sinasagot. Sure akong ipapasa ko na ito sa matataas na marka. Gustong-gusto ko ang pala-isipang ibabalita ko kay Ram na mataas nga ang magiging score ko dahil iyon ang mga pinagpuyatan namin.


Huwag ko na lang kayang ipasa ulit para may remedial ulit ako, nang sagayon, rereview-hin ulit ako ni Ram! 

Napahinto ako sa pagsusulat Gusto kong sapakin ang sarili. Saan naman nanggaling iyon?


Pagkatapos ko sa exams ay dumiretso na ako kung nasaan sila Jaime. Hawak niya ang tickets ng buong block para sa sem ender party.

"Ito ang iyo, Chrissy. Bakit nga ba dalawa 'yan?" Si Lucy ang nag-abot ng dalawang ticket sa akin. Maliit lamang na parisukat iyon.

"Bakit ba?" Napakamot ako sa ulo. Hindi ko rin alam kung bakit dalawa.

"Wala lang naman. Mamaya, thirdwheel nanaman ako," punong-puno ng kyuryusidad ang boses ni Lucy. "Si Jerard 'yan, ano?"

"Hindi," kunot-noo kong iling.

"Ha? E, panay ang text sa akin ni Jerard kung kamusta ka na raw. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi kayo magkasama," aniya.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Mas pinaliwanag pa ni Lucy ang set up nila ni Jerard. Hinahabol pa rin ako noong tao kaya ganoon na rin lang ang assumptions ni Lucy.


Nasabuyan ako ng asido roon. Gano'n yata kalaki ang posibilidad sa'min ni Jerard na magbalikan muli. Pero, tinatapos ko na, pinuputol ko pa. At hindi ako nag-iisa sa proseso. Mayroong nagtutulak sa akin upang mas kalimutan ko pa si Jerard.


Nagtungo ako sa kay Jaime para iwasan si Lucy. Nilabas nito kaagad ang Mac Book ng buong ingat.

"Kita mo? Okay na! Galing ni Bonnie," aniya at walang palyang nag-on ito.


Mabilis akong nagpasalamat. Bago pa man magbago ang isip ko ay pikit-mata kong inabot ang halos sampung libo na pikit-mata ko ring kinuha sa aking mga cards. Wala na akong choice. Ibabalik ko rin iyon kapag maluwag na ako, iyon ang pangako sa sarili.

Mabilis akong nakauwi sa apartment. Ingat na ingat ako sa laptop na nakalagay sa bag. Gusto kong ibigay na ito kay Ram ngunit mamayang gabi na lang. Baka kung ano pa ang isipin noon.


Hindi ko maiwasang isiping hinahabol pa rin ako ni Jerard. Ganoon naman iyon kahit dati pa. Wala siya sa harap ko, wala siya sa tabi ko. Nasa likod ko siya. Naghihintay lang. Kung kailan kami magbabati, kailan huhupa ang galit ko at ngayon, naghihintay sa pagbabalik ko.

Humiling ako na sana ay huwag siyang sayangin ni Clarisse. Sana ay huwag niya akong tularan.


Dumaan ang ilang araw sa university at sa bistro. Wala si Ram ng dalawang araw dahil may aasikasuhin sa Maynila. Kapansin-pansin ang aking pagkawala sa sarili maging sa school at bistro. Sa simpleng impormasyon mula kay Jerard ay nagigiba akong muli.

The PristineWhere stories live. Discover now