Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo

33.9K 819 128
                                    

"Ano naman sa iyo? I'll text who I want. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko sa buhay and you will have no say. Hear me?"

Suminghap si Papa. Hinilot nito ang dibdib at luminga sa paligid.

Diretso ang mga mata ko rito at nang magtama ang aming mga mata ay nag-aalab na ang mga ito. Ang kaniyang mga kaibigan ay nasa kulapol na ng kaplastikan.

"I don't have interests in knowing about your shallow flirtations, Chrissy. Nag-aaral o hindi, I don't care. Kahit man palit ng palit ang boyfriends mo, I will try hard to accept it. But not him!" Pumikit ito ng mariin.

"And why not him?" dugtong ko.

"Open your eyes, child. Hindi ko matatanggap." Iyon na ang pinalidad sa tono ng boses ni Papa. Kabisado ko ang latigong tumatama sa'kin tuwing ganyan na ang boses niya.

Galit at poot ang nakikita ko sa mga mata ni Papa nang sulyapan nito ang pigura ni Ram. Bakit? Dahil hindi sila magkalebel sa yaman? 'Yon ba ang dahilan? Anong mayroon sa pangalan ni Ram?

"Paano kung gusto ko siya?" Kinagat ko ang labi. Wala pa itong alam.

"Then, you will come home. Sa ayaw at sa gusto mo, papabalikin kita rito. Hindi ka pwedeng lumapit sa isang Donofrio. I'm trying everything I can to protect you, Chrissy..."

"Protect? Anong alam mo sa pagprotekta sa'kin? Wala ka namang ibang gawin kung hindi saktan ko, 'di ba? At kahit kailan, hinding-hindi na ako babalik dito!" Pumihit na ako paalis. 

Ano bang alam niya? Kahit isang mataas na marka ko yata ay hindi niya alam! Matalino ang aking ama, ngunit said na said pagdating sa'kin. Nararamdaman ko ang pagsisisi niya noon tuwing titingnan niya ako!

Mabilis na sumunod sa Papa sa'kin. Sinulyapan kong muli si Ram sa dance floor. Sinipat nitong muli ang relo.

Shit! Ano ba kasing ginagawa mo rito? Sino ka ba talaga?

"Cristina! Where are you going? Hindi pa kita tapos kausapin tungkol sa lalaking iyon!" Humahangos si Papa patungo sa'kin.

Binalingan ko ito nang puros galit sa mga mata ko. Naririndi ako.  Umaahon ang sakit ng pagiging mag-isa, dahil siya ay ayaw akong tanggapin noon!

"You wouldn't care, anyway. Like you always do so leave me alone!" sigaw ko.

Tinulak ko ang pintuan sa likuran. May iilang staffs na naroon na nagulat. Kumaripas sila ng takbo nang makita ang governor na humahabol sa likod ko. I faced him with my mascara dripping on cheeks.

"Sana hindi na lang kita ama! Sana, pina-abort niyo na lang ako ng kabit mo!"

Malakas ang hagupit ng kamay ni Papa sa aking pisngi. Bumaling ang ulo ko sa impact. Nag-apoy kaagad ang sulok ng mga mata ko. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha at basag na mga hikbi.

"Cristina... I-I didn't mean to..." Bumunghalit ang pagsisisi at pagkabigla sa mukha ni Papa.

Sumikip lalo ang dibdib ko. Hinawakan ko ang aking pisnging mahapdi. Hindi ko na mapigilan ang malakas na paghagulgol. Hindi ito ang unang beses na nakatikim ako ngunit naaalala ko nanaman. Napapaiyak ako lalo.

"Iwan mo ako. I hate you! I fucking hate you!" Dinuro ko ang daan palabas.

Umamba si Papa patungo sa akin ngunit tinakpan ko ang mukha ng dalawang palad. Puno ng pagsisisi ang kaniyang mga sinasabi bago ako iniwan.

Masakit na masakit na ang aking dibdib. Akala ko 'pag nakita ko na si Papa, kaswal na lang kami. Ilang taon ko ring tinago ang galit ko at pinili kong maging positibo sa buhay. But, he just knows when and how to push it!

The PristineWhere stories live. Discover now