Chapter 55: That's For Breaking My Glasses

18.6K 641 54
                                    

Umupo kaming lahat sa malapit na bench at puno yung table namin ng kung ano ano'ng pagkain, lunch na pero andami pading pila. Mabuti nalang hindi sila nagreklamo nung sinabi naming magbe-break lang kami saglit.

"Saan po natin gagamitin yung pera?" tanong ni Allen habang lumalamon kami.

"kayo kung saan niyo gusto?" tanong ni Ma'am Maureen, sa ngayon kasi, napuno na yung dalawang box namin ng money, I think we need 2 more.

"what if let's donate it?" I asked.

"madami tayong pwedeng pagdodoneytan, alin sa mga yun?" tanong ni Kurt.

"sa mga bahay ampunan nalang?" I asked and they all looked at me, then they nodded in agreement. Hindi naman nila kailangan yung money eh.

"excuse me" dinig namin sabi ng kung sino mang nasa malapit at tumigil kaming lahat.

"nadinig niyo yun?" tanong ni Nathaniel.

"sino yun?" tanong namin at hinanap namin kung sino man yun, pati sa baba ng table sinilip namin.

"dito, mga gagu" sabi ni Kalbo at tumingin kami sa kanya, may katabi siyang maliit na babae.

"yes?" I asked the girl na nagbablush na nakayuko.

"may..may ibibigay lang po sana ako kay..kay kuya James" she said at nagtinginan kaming lahat.

"sigurado ka bang kay James mo ibibigay?" tanong ni Ma'am Maureen at tumango siya, then we all looked at James na nagbiblink ng ilang beses.

"ako daw?" he asked, pointing at his face.

"ikaw daw" sabi ni Kalbo sabay tulak kay James palapit sa girl.

James cleared his throat tapos lumapit sa girl na lalo pang nagbaba'blush.

"ano yun?" he asked at itinaas nung girl yung hawak niyang paper bag at iniabot kay James.

"sigurado ka bang sa akin mo talaga ibibigay?" tanong niya at nagnod si girl, then sa wakas tumingala siya kay James with a cute smile.

"I'm Raven po, from Sandrea High. Hindi mo ako naaalala?" she asked.

"Raven?.. ah! Yung babaeng hindi makababa sa puno sa park?" tanong ni James at nagblush ng todo yung girl saka yumuko at nagnod.

Binatukan ni Jason si James para umayos siya..

"a-ahh, oo, naalala ko na, kumusta? Buti naman nakadalaw ka dito?" tanong ni James.

Habang naguusap silang dalawa, kami naman, nanonood lang habang subo ng subo ng pagkain. Para kaming nanonood ng sine.

"totoo ba to? Magkakagirlfriend na si James?" tanong ko kay Bryce.

"malay mo" he answered, "first time na may kumausap sa kanyang babae, not to mention na yung babae pa ang unang lumapit."

"oo nga, usually kasi, si James yung naghahabol" siksik ni Nathaniel.

"sige, bye po" sabi nung girl sabay wave in a cute way.

"sige" sabi ni James at nag-wave din sa girl saka tumalikod yung girl at umalis, feeling ko kinikilig siya.

"ano naman kaya ito?" tanong ni James na bumalik sa dating pwesto niya kanina.

"kinuha mo ba yung number nung girl?" tanong ni Ma'am Maureen at nag-pause si James.

"yup, he didn't" sabi ko at ang-grunt yung mga boys at nagkamot naman ng batok si James.

"oo nga no?" tanong niya saka mabilis na tumayo at hinabol yung girl.

"bilisan niyo ng kumain at balik na kayo roon, kawawa naman yung mga nagpipila" sabi ni Ma'am Maureen.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon