Chapter 17: Cousins

21K 666 53
                                    


Chapter 17

"kailangan ba talaga siyang makitira sa atin?" naiiritang tanong ni Nathaniel habang buhat buhat nung  mga purple pillows, kasalukuyan kasi na finifix namin yung katabing room ng room ko, yung pagitan ng room namin ni Bryce, para sa darating na bisita.

According to Jason, Ashley is Bryce's first cousin-his only cousin. Wala naman akong reklamo doon pero the way Kurt and Nathaniel acted is making me worried. Yung parang nag aalala sila? Why? Eh 14 years old lang naman si Ashley?

"Hayaan mo na nga" sabi ko kay Nathaniel.

"huh, sinasabi mo yan ngayon, tignan lang natin kung andito na siya" sabi niya sabay higa sa kama na kakatapos ko lang nilagyan ng purple bed sheet na kakabili lang ni Bryce.

"why are you so worried ba?" tanong ko tapos pumasok si Jason na may dalang purple lamp, lumabas kasi sina Bryce and Kurt para bumili para sunduin si Ashley sa airport habang natutulog naman si Allen sa sala.

"kasi" sabi ni Jason while fixing the lamp, "that little girl is trouble"

"trouble? How?" tanong ko.

"lam mo naman ang mga typical spoiled rich kids na gustong makuha lahat ng gusto, close sila ni Bryce na lahat nalang pinagseselosan niya, even us before" sagot niya.

"I see, pero what can she do to us ba?"

"bakit di mo nalang tanungin si Renee?" sabi ni Nathaniel.

"oh I will" sabi ko and I went to my room. Everyday kaming nagchachat ni Renee since umalis siya, kaya alam din niya ang tungkol sa amin ni Bryce and she's cool about it. Sabi pa niya, blessing in disguise na umalis siya at pumayag sa arranged marriage nila ni Tom (fiancé niya) dahil nalove at first site daw silang dalawa.

Tinanong ko kanina si Mary Jane pero sabi lang niya mas mabuting kilalanin ko muna si Ashley so I could give my own opinion, so hinayaan ko nalang.

Hinayaan ko na yung dalawa na i-fix yung mga lamps and lights sa kwarto ni Ashley. I opened my new laptop, courtesy of Bryce, and I opened my emails, saktong nagsend si Renee ng mga pictures nila ni Tom na nasa Hawaii sila, awww.

I quickly typed a message and sent it to her.

"girl, may bisita kami, Ashley ang name niya"

It took her 5 minutes to reply: "GET OUT OF THE F*CKING HOUSE!!"

"We're home!" sigaw ni Kurt nung magrereply na sana ako.

"they're here" reply ko agad kay Renee and I left my room at tinawag ko sina Jason and Nathaniel na saktong tapos na sa ginagawa nila and we went downstairs to find Kurt and Bryce na nagbubuhat ng malalaking bags, wait, I thought she will just stay here for a week? Bakit andami naman niya atang bags?

Tinulungan sila nina Nathaniel at Jason then lumabas uli si Bryce.

Nung pumasok siya, meron na siyang kasamang isang maliit na girl at medjo nagtatago pa siya sa likod niya. Aww, ang cute niya! Bakit ba nag aalala sila sa girl na ito eh parang hindi nga siya makapatay ng lamok eh.

"hello!" bati ko sa girl and sumilip siya sa akin.

Ohmygosh! She's so pretty! Para siyang manika! Nakadress pa siya ng cream, brown ang hair niya-like Bryce's pero curly ang kanya and she is wearing a pink headband na may cute pink polka dots bow and her eyes are brown like mine!

Tinignan niya ako ng up and down saka tumingin kay Bryce na parang nandidiri siya, "who's she kuya?" tanong niya and nagsigh si Bryce bago sumagot.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon