Chapter 43: Tampo

20K 567 20
                                    

Me, Nathaniel and Jason were walking papuntang gym nung uwian for their practice. Hindi muna ako makikipractice since masakit pa ang kamay ko—ginawa kong reason for not going to train this afternoon, haha kasi naman nakakatamad.

Mary Jane will go abroad mamayang gabi at magi stay siya dun ng one week kaya umuwi siya ng maaga, si Crystal naman may work pa siya, si Liezyl may date, si Ashley at Bryce naman pumunta uit ng office para isettle ang case ni Ashley. Hindi naman grabe, gagawa lang sila ng promissory note at paguusapan kung ano ang mga punishments if Ashley will continue on having fights. And Allen went to their mansion kasi susunduin pa daw niya si Eren.

"hoy nakikinig ka ba?" tanong ni Nathaniel nung pababa kami sa first floor.

"ay sorry, ano'ng topic?" I said and he sighed tapos inakbayan ako.

"ang sabi ko, kung sakali mang ikakasal kayo ni Bryce next year, ako dapat ang bestman" he said and I gave him my best poker face.

"at ang sabi ko naman, ako dapat, tutal ako ang pinakamatanda sa atin" sabi ni Jason na hinila ako sa tabi niya at inakbayan.

"teka, hindi yan fair!" reklamo ni Nathaniel

"tumigil na nga kayo, wala na ba kayong ibang pinaguusapan kundi ang babies at kasal? And why next year? Duhh high school palang tayo" sabi ko sabay tanggal ng kamay ni Jason sa balikat ko.

"you will be both 18 next year, and walang masama dun kasi kahit mga bata pa kayo, at least secured na ang mga future niyo" explained Jason.

"at kahit pa naman noong unang panahon, maaga talagang nagaasawa ang mga tao" dagdag ni Nathaniel.

"pero—"

"hi!" nagpause kaming tatlo then we looked at the guy in front of us.

"uhm, hey" bati ko kay Arko habang naggrunt naman yung dalawa.

"kumusta na yang kamay mo?" he asked and I lifted my bandaged hand.

"it's better, thanks for asking" sabi ko.

"tara na nga" sabi ni Jason at hinila ako't nilagpasan namin si Arko.

"oo nga pala" he said and we stopped walking tapos we turned around and look at him, "just a warning, kung ako sa inyo-" he looked at the two boys, "huwag niyong hahayaang magisa si Allexa"

With that, the boys fully turned around at naging seryoso ang muka nila.

"ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Nathaniel in a dangerous tone at napahawak ako sa braso ni Jason.

"alam niyo ang ibig kong sabihin" sabi ni Arko with a smirk, "alam kong alam niyo ang gulong nangyayari sa kabilang grupo dahil hindi kayo sumulpot nung sabado, they want revenge" he said at susugod na sana si Nathaniel but I took his hand at napatingin siya sa akin then he tried to calm down.

"sige, salamat sa warning. Tara na" sabi ni Jason sa amin ni Nathaniel at bago pa kami tumalikod, nagsalita uli si Arko.

"hindi ko yun sinabi para sa grupo mo" he said then he looked at me, "gusto ko lang na maging safe si Allexa"

"safe siya sa amin" sabi ni Jason, "sige na, may practice pa" he said calmly at inakbayan na naman ako saka hinila then we walked going to the gym. I looked back kay Arko, sumusunod na siya sa amin.

"what was that for?" I whispered at Jason.

"later" sabi niya saka tumingin kay Nathaniel na parang anlalim ng iniisip.

When we reached the gym, si Shei, pinapaligiran na naman ng mga fans niya. Mabuti nalang hindi ako makikipractice this afternoon, sigurado na naman na she will brag everything to me.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon