Chapter 30: Blinded by Jealousy

23.6K 619 23
                                    

                 

"Di kayo sasabay sa amin?" tanong ko kina Jason nung papunta sila sa car ni James.

"not tonight" sagot ni Jason and he winked at me tapos he shot a warning look kay Bryce.

"owwwkay, andoon na daw ba sina Allen and Kurt?" I asked.

"oo" sagot ni Nathaniel, "una na kami" sabi niya and they went inside the car.

I sighed, bakit naman nila ako iniwan kay Bryce?? Speaking of Bryce, I faced him with a smile. Nakasandal siya sa door ng driver's side with his arms crossed at nakatitig siya sa floor na parang anlalim ng iniisip.

"let's go?" I said and he looked up at me with sad eyes then he looked away tapos nagnod siya and he opened the door for me tapos pumasok ako the he walked around hanggang sa driver's seat and he got in, pero di parin niya inistart yung van.

"what's wrong?" tanong ko then he closed his eyes tapos minasahe niya yung muka niya, "hey, hey, it's okay" sabi ko nung nagmove ako closer to him and I took his hands off his face para tumingin siya sa akin.

"sinaktan kita" he whispered, the sadness in his eyes are back again.

"hindi mo sinasadya, galit ka lang" sabi ko and I cupped both his cheeks para tumingin siya sa mga mata ko, "it was an accident, I understand. Nung nakita kita with Shei noon, nasuntok ko siya and muntik na rin kitang masaktan. Ang difference lang natin, nakapagtimpi ako" I said and he smiled a little, tapos lumungkot na naman ang muka niya at parang naguguluhan siya.

"hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko kanina. Pakiramdam ko, gusto kong pumatay ng tao"

"people are blinded by jealousy" I explained, "minsan di natin iniisip ang mga ginagawa natin kapag nagseselos tayo and sometimes we don't accept any explanations. All we have to do is trust each other, okay?" tanong ko, nagisip muna siya bago tumango ng dahan dahan.

"next time, if I am angry, I want you to run away, okay?" tanong niya, "ayaw kong mangyari yung nangyari kanina" he said and he held my wrist, "I really can't believe na nasaktan kita"

"I'd rather accept that kesa saktan mo ako emotionally, kasi accidente yun, please forgive yourself fiancé dear" I soothed and he suddenly smiled kaya I tilted my head on the side and looked at him curiously.

"gustong gusto ko talaga na tinatawag mo akong ' fiancé dear', pakiramdam ko pinagsisigawan mo sa mundo na iyo lang ako"

I giggled and sat properly tapos inikabit niya yung seatbelt ko but he didn't leaned back.

"bakit nga pala kayo magkasama ni Arko kanina sa labas?" he asked, pero mukang kalmado na siya, which is good. It only means na ready na siya sa kung ano man ang sasabihin ko.

"Nagkabungguhan kami kanina nung papasok ako sa gym, tapos sabi niya magusap daw muna kami and sabi ko next time nalang—"

"pero sabi mo—"

"I know what I said, and yes I am going to keep my promise. I'll try my best. So that, tapos bigla niya akong niyakap and that's when you came out" sabi ko and he sighed and looked ahead.

"Gusto niyang makuha kung ano man ang akin" he said in a low voice.

"what? What do you mean?" I asked.

"dati ko siyang kaibigan, nung maliliit palang kami, pero niloko ng tatay niya si dad kaya umiwas ako sa kanya-that's was my dad's command. Pero lagi niya akong sinusundan kahit saang school ako at sinisiguro niyang kukunin niya kung ano man ang akin" he explained habang parang nagbabalik siya sa nakaraan.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon