Chapter 29: Nauna ang Manok

22.3K 672 40
                                    

I kept on glaring at her. The witch that kissed my fiancé. Hindi man lang nabawasan ang pagkataas ng noo niya! Me and Mary Jane kept walking habang nagjojog yung iba, mabuti nalang hinahayaan kami ni Hannah.

Then Shei stopped jogging just a few meters away from us.

"May I remind you that you suppose to jog?" Sabi niya.

"May I remind you that sir Mikee said we don't have to train?" I retorted.

"Kung sa tingin niyo, magaling na kayo, think again" sabi niya and she crossed her arms.

"Oh yeah, we are good. We are really, really good, do you want a match?" Tanong ni Mary Jane.

"Bring it on" sabi niya.

"Yeah, you really need a match. Para hindi kung sino sino ang hinahalikan mo" sabi ni Mary Jane and I snorted, "What are you looking at?" Tanong pa niya, oooooh!! Tumataray na talaga siya! Last year lang eh halos di siya makapatay ng langgam!

"You better jog or else I'll kick you out of the team, baka nakakalimutan niyong ako ang team captain?" Tanong niya.

"Tama na yan" sabi ni Hannah na nasa tabi na ni Shei, "malapit na ang tournament, saka na kayo magaway pagkatapos nun" sabi niya and she jogged away.

"We're not done yet" sabi ni Mary Jane.

"Pasalamat ka mabait ako" I said and she just rolled her eyes and jogged away.

"You should have punched her again" sabi ni Mary Jane.

"Nah, I don't want to get my hands dirty" sabi ko and we continued walking.

-

"Oi! Lexa! Halika dali!" Tawag ni Kalbo sa likod ng classroom pagpasok ko.

"What's up?" Tanong ko and I went to him and the others.

"Nabalitaan mo na ba yung chicks ni Kurt" bulong ni James and I quickly looked around. Wala pa si Kurt, pero sina Bryce and the others are nagkekwentuhan sa dating pwesto nila.

"Mga chismoso" sabi ko kina Kalbo and they giggled like kids.

"Mantakin mo yun? Nagawa narin niyang ligawan si Kayla pagkalipas ng maraming panahon?" Sabi ni Pekto.

"Kelan ka kaya magkakajowa?" Tanong ko kay James na nagpause sa pagtawa and he slowly looked at me and blinked twice.

"Ah so ako na naman ang nakita mo?" Tanong niya.

"Nagtatanong lang? Eh ikaw at nung jowa mo?" Tanong ko kay Kalbo at bigla siyang yumuko, kumuha ng book, binuksan at ipinatong sa ulo tapos pumunta sa corner and sat there facing the wall.

"Nagbreak na sila" bulong ni Ilong saka sila naghagikgikan na naman.

"Huwat? Kelan pa??" I asked

"Pagkatapos ng bagong taon, gusto na daw magbagong buhay yung babae." Sabi ni James.

"Hindi! Tapos na kasi ang Bagong Taon at hindi na niya kailangan yung bilog na ulo ni Kalbo" siksik ni Pekto-that made me giggle.

"Mga bastos talaga kayo" I said and saktong pumasok sina Ma'am Moirah and Kurt so I went to Bryce's side.

-

Kasabay ko sina James, Kalbo and Pekto nung papunta kami sa gym, naguusap kasi sina Jason, Bryce at Nathaniel sa harapan namin and sina Allen at Ashley sa likod namin, poor Allen, hindi binibitawan ni Ashley.

Nauna na kasi si Mary Jane sa gym dahil kailangan niyang kausapin si sir Mikee for her leave next week at may pupuntahan siyang importante.

"pero nauna nga ang itlog,saan ba nagmula ang manok? Sa itlog, diba?" sabi ni Pekto, kanina pa sila nagdedebate kung ano ang nauna, itlog ba or manok.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon