Chapter 11: Love Life

24K 736 29
                                    

Chapter 11 Please vote and comment.^___^v

Naramadaman ko agad agad yung dark aura ni Bryce and he turned his hand into a fist. Pero nung tinignan ko ang muka niya, he looked relaxed naman, poker face nga lang.

"Uhm, Bryce this is.. Bryce.." Sabi ko and we looked at each other , "haha! Ang weird nun ah" sabi ko pero si New Bryce lang ang ngumiti.

"I didn't understand that but I hope you didn't curse on me" sabi niya habang nakapoint yung hintuturo niya sa akin, then he looked at Bryce, hmmm, My Bryce nalang para hindi nakakalito.

"So you're the Bryce that Allexa kept on blabbering about"

"I..! I didn't!!" Sigaw ko, why New Bryce?! Why did you betray me!!?

"Did she?" Tanong ni My Bryce na sumulyap sa akin habang nakangiti.

"Huwag..huwag kang maniwala sa kanya!" Sabi ko.

"Mas gusto kong maniwala sa sinabi niya." Tapos he faced New Bryce, "it's nice to meet you, thank you for entertaining my Allexa when we were not around"

Tapos nagshake hands sila.

"It's nice to meet you too, and you're welcome. She's a handful but I survived"

"that's very unusual. Usually, people can't stand to be with her that long"

"You're talking about me like I'm not here" siksik ko with my folded arms and tapping foot.

"Just kidding, little one" sabi ni New Bryce.

"I said, I'm not little!" Sigaw ko and both of them rolled their eyes.

"Alright, gotta go. Someone's waiting for me, if you guys want more beers, just come to us" sabi niya.

"No we don't like beers, go away, shoo!" Sabi ko.

"What a rude little girl" sabi niya at sinubukan ko siyang sipain pero nakatakbo na siya.

"So, little one, saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Bryce and I glared at him, "madalas mo ba akong ikwento sa mga kaibigan mo?"

"Di ah!" Sabi ko at mabuti nalang medyo madilim, uminit kasi yung muka ko. Bwiseeet kasi yung new Bryce na yun!! Binanggit banggit pa!

"Hindi naman ako magagalit, aminin mo lang" nakangiting sabi niya. Urhg! Bumalik na naman siya sa dati!

"tara na nga!" sabi ko at naglakad ako sa direction ng meeting place namin pero Bryce pulled me back.

"gusto muna kitang masolo" sabi niya while looking straight at my eyes.

Na-stuck ang hinga sa throat ko, and before I knew it, hinila na niya ako palayo sa crowd.

"wait Bryce, hinihintay tayo nina Nathaniel" sabi ko.

"nakita ako ni Jason kanina, kung hindi tayo makakabalik agad, alam na nila na magkasama tayo"

Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya, nakafocus kasi ako sa kamay ko na hawak hawak niya ng mahigpit. Hindi ba niya alam kung ano ang ginagawa niya sa akin?

"san mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

"sa lugar kung saan walang makakakita sa bangkay mo"

"whuhhh....." tumigil ako sa paglalakad habang dina-digest ang sinabi niya.

Tumawa siya ng mahina tapos hinila na naman niya ako, "biro lang, sabi ko nga, gusto ko lang na masolo ka"

I sighed in relief, mahirap na no! Ang bata ko pa kaya para mamatay! Medyo malayo na kami sa crowd pero 'di pa rin niya binibitawan ang kamay ko, and I am still looking at our hands.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon