Chapter 49: I can't Wait to Get Married

17.9K 584 43
                                    

"staahhp!" sigaw ni Pekto.

"sige lang" utos ni Nathaniel sa akin.

"huwag! Huwag! Maawa ka sa akin!" sigaw uli ni Pekto at sinubukan niyang kumawala pero lalong humigpit ang paghawak nina James, Kalbo, Jason at Allen sa kanya.

He is lying on his stomach and the guys are pinning him down, medyo nakababa yung pants niya, medyo lang naman, one fourth lang nung pwet niya ang exposed.

"parang kagat lang ito ng manok, don't worry" sabi ko and they paused and looked at me with poker face.

"what?" I asked.

"ate, hindi kumakagat ang manok" sabi ni Allen.

"oh, edi ahas, parang kagat lang ng ahas to" sabi ko.

"sa tingin mo gaganda ang pakiramdam ko niyan!?" tanong ni Pekto.

"fine! lamok! Parang kagat ng lamok!" I cleared.

"tang*na! hindi mo naman ata alam ang ginagawa mo!?" reklamo niya.

"eh sa ayaw mong magpatusok sa clinic! Edi magtiis ka! Andami pang artii!" sabi ko at tinusok ko na sa pisngi ng pwet niya yung injection, hindi ko alam kung ano yun pero since all of them agreed na yun yung tamang gamot, hindi na ako nagtanong.

"ahhh!" sigaw niya.

"there! Tapos na!" sabi ko tapos binitawan nilang lahat si Pekto at mabilis niyang itinaas yung pants niya saka tumayo.

"isusumbong kita sa abugado ko!" sigaw niya at humagulgol na parang bata habang naglalagay ng belt at tumakbo palabas sa Kampo.

"oo nga pala, bakit sa pwet mo siya ininject? Pwede naman sa kamay ah" tanong ni James.

"ewan ko dito kina Jason, sabi sa pwet daw" sabi ko.

"ang ibig mong sabihin kaya mo lang siya tinusok sa pwet, dahil nakinig ka sa mga yan?" tanong ni Kalbo at tumawa ng mahina yung dalawa.

"oo, okay lang yan! Eepekto din lang naman yung gamot sa kanya" sabi ko at I put the injection sa side table.

Nanggaling kasi silang tatlo sa clinic at hindi raw nagpatusok si Pekto kaya bumili nalang sina Nathaniel ng injection at yung gamot.

"at umamin ka nga, napagaralan mo ba talaga kung paano mag inject?" tanong ni James.

"uhhhh, wala naman akong sinabing napagaralan ko ah, binigay lang sa akin ni Jason yung injection at sabing gusto niyong ako ang maginject" sabi ko and we all looked at Jason and Nathaniel na namumula na sa kakahagikgik.

"paano kung magkakatetano yung tao!?" tanong ni Kalbo.

"di rin" sabi nung dalawa na nagpunas ng luha at saktong pumasok sina Kurt at Bryce na may hawak na food.

"bakit umiiyak si Pekto sa baba?" tanong ni Kurt at umiwas ako ng tingin.

"uhh..ewan dun" sabi ko and they settled the food sa table, mabilis namang itinago ni Nathaniel yung mga gamot at injection.

"hindi ka ba nilapitan ni Shei ngayong araw?" tanong ni Bryce nung umupo siya sa tabi ko.

"hindi, pati nga si Arko parang hindi ko nakita whole day" sagot ko.

"good" sabi niya.

Tapos pumasok na yung the rest of the crew kasama si Ashley na hindi na naman ngumingiti. Dito na kasi kami dumeretsyo kanina nung uwian para pagusapan ang gagawin namin sa Foundation day at isang week nalang yun.

"ba't umiiyak si Pekto sa baba?" tanong ni Ilong tapos walang sumagot, tumingin lang silang lahat sa akin at lumunok ako.

"uhh, hehe. Naglaro lang kami ng..doctor-doctoran" sagot ko at sumobo ako ng fries while looking away.

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon