Chapter 2

2.8K 62 0
                                    

CHAPTER 2


Agad akong pumihit paiba ng direksyon ng makita ko ang bulto niya. Bakit ko ba siya iiwasan? Siya ang dapat mahiya kasi siya naman ang nanloko. Pero sh*t sakit talaga ng ginawa niya. G*go naman kasi oh!. Imbes na sa canteen ako dumiretso sa playground na lang tuloy. Gutom pa naman ako. Asar bakit nga ba kasi kailangan pang iwasan ang ex?! Jeeeez.

Nagpalaboy-laboy lang ako sa playground. Buti pa sila Clavs kumakain na. Naman eh. Nakaka-asar! San naman kaya ako makakarating nito ngayon? Nakayuko ang naglalakad ng may bigla na lamang may matigas na bagay ang sumapol sa may ulo ko.

"OUCH!!!!" Malas naman oh tinamaan pa ko ng bola ng basketball. Sakit ha. Nahilo ako at napaupo sa may sahig. Nakakainis! Hindi pa nangangalahati ang araw ay marami na ang nangyari sa akin.

"Sorry Miss. Ikaw naman kasi tatanga-tanga. Pumagitna daw ba sa basketball court." ani ng isang lalaki na sigurado akong siyang may dahilan kung bakit ako nahihilo ngayon. Handa na sana akong tarayan iyong lalaki ngunit natahimik ako ng bumungad sa akin ang hitsura niya. Biglang nagtitili ang isip ko ng makita kung gaano siya ka-gwapo!

"Oh natulala ka na naman dyan? Baliw ata 'to?" agad kong itinikom ang nakanganga kong bibig at saka palang sumagi sa utak ko kung ano ang huling sinabi niya? Ako baliw?! Ang ganda ko namang baliw! Napatayo ako tiningala siya. Ang tangkad niya! Nakakangawit sa may leeg!

"Hoy hindi ako baliw 'no! Yabang mo naman mister pati sino ka ba? Di ka naman ata belong dito ah. Di ka man lang naka-uniform!" masama nga ata talaga ang tama sa akin kapag gutom, nagiging halimaw ako. Tss! Ano bang course ng lalaking 'to?

"Pano ba naman lagi kang tulala diyan saka estudyante ako dito trip ko lang di mag uniform." he smirked at me. Ang arogante ng dating. Porke't may gwapo lang siyang mukha ay ganoon na siyang umasta.

"Ikaw na pala batas?" Irita kong saad at inirapan siya.

"Oo ako nga bakit?! Hoy Bonsai wala akong time makipag-usap sayo. Umalis ka na nga sa gitna ng basketball court." sumenyas pa siya na para bang itinataboy niya ako at sinimulan ng i-dribble ang bola. I rolled my eyes at nag flip ng hair.

"Edi sige aalis. Yabang nito!" pinigilan ko ang sarili kong batukan siya at agad na umalis sa gitna ng court. Bonsai? How dare he!

Caleb's POV

Ito na ba yung university? Maganda naman. Malaki at mukhang pang mayaman talaga. Tsk! Pinauwi pa kasi ako ni Daddy dito. Ayoko dito! Mas masaya sa America. Amp! Lintek na principal 'yon para i-kick out ako.

Ako si Chase Caleb del Rosario. 18 years old. Na kick-out ako sa previous school ko paano ba naman kasi muntik ng hindi makilala yung naka-away ko. Hospitalized ang loko! Halikan daw ba kasi girlfriend ko.

Nasaan na ba ang magaling kong pinsan na si Nica. Alam naman niyang wala akong kakilala dito. Dahil tinamad na din naman akong pumasok pumunta na lang ako sa playground. Bahala na nga makapag-basketball na lang. Nakisali na lang ako sa ibang estudyante. Hindi na ako nag atubili na mag-uniform dahil sabi naman ng discipline coordinator okay lang daw kahit 1 week ako ns hindi mag-uniform. I'm not used to it! Sa America walang uniform. Arte lang 'yon.

Nasa gitna ako ng laro ng may bigla na lamang sumulpot na babae sa may gitna ng court. Napatigil kaming lahat at hindi namalayan na dumulas sa kamay ko iyong bola at tumama sa kanyang ulo. Napa "oh" kaming lahat dahil alam kong masama ang tama ng bola. Fuck! Agad kong dinaluhan iyong babae na napaupo nalang sa may sahig. Sana'y hindi siya napuruhan dahil ayokong mabatas na naman!

"OUCH!!!" daing niya. Ang tanga naman kasi, pumagitna daw ba sa basketball court?! Kung gusto niyang pakamatay dun sa gitna ng kalsada. Ano ba namang school 'to wala na nga akong makitang maganda mga tatanga-tanga pa ata.

"Sorry Miss. Ikaw naman kasi tatanga-tanga. Pumagitna daw ba sa basketball court." nakayuko lang siya at hindi kumibo. Sincere ako sa pagsosorry ko! Nilingon niya ako at natulala siya. Aba may maganda naman pala rito! Siya ang tipo ko.

"Oh natulala ka na naman diyan? Baliw ka ba?" ngisi ko sa kanya. Alam kong gwapo ako at hindi ko alam na literal siyang mapapatulala sa akin.

Tumayo siya. Ngumiwi ako dahil maliit pala siyang tao. Nasa 5 flat lang ata siya. Tss. Parang bonsai, hindi tumatangkad. Ayos na sana kaso pandak naman, cute sila pero hindi 'yon ang tipo ko. Kung anu-ano ang sinabi niya sa akin at sa bandang huli ay umalis rin siya. Damn little girl!

I Wish I Never Met You (Edited)Where stories live. Discover now