Chapter 23

909 20 0
                                    


CHAPTER 23

TIFFANY'S POV

Sino 'tong cute na babae na nasa harapan ko? Halatang bagong shower and gosh! Suot pa talaga niya yung Tshirt ni Ace. Nararamdaman ko nag aalburoto na talaga ako, feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat na sa ulo ko. Ang sarap mag-armalite ng mura ngayon!

"Who are you?" I said in a cold voice

"You must be Tiffany!" ngiting-ngiti niyang saad sa akin. Nakakainis! Nang-aasar pa yata ang babaeng 'to. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti niya sa akin. Para bang delighted siyang makilala ako.

"We haven't officially met. I'm Antonette." English speaking p! Naiirita na talaga ako sa ngiti niya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at tumatalon-talon pa siya.

"Hey! I can't breathe!" sigaw ko lalo na noong mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Kunwari pa ang Antonette na ito e pinapatay naman ako!

"OMG! You're so beautiful! I know who you are. Ghad! Were look alike and we're both pretty!" Grabe ang energy nito ah makayakap feeling close!

"ANTONETTE! STOP THAT!" So nandito na pala si Ace! Inilayo niya ako kay Antonette tapos inakbayan ako.

"Kuya she's so pretty! I like her. I like you Ate!" Kuya? Ate? teka processing utak ko anong nangyayari? Hindi ba siya kabit ni Ace?

"Diba I told you na umuwi ka muna sa bahay. Bakit nandito ka pa? At ikaw ang aga mo namang dumating kita mo ang dumi pa ng condo ko." Ay galit?! Teka nga muna kasi nakatulala pa din ako sa isang gwapo at cute na nilalang na nasa harap ko. Ayaw pang gumana ng utak ko.

"S-sino siya?" yun may lumabas din sa bibig ko.

"She's my little sister" walang ganang utas ni Ace

"Excuse me. Cute little sister. Hi Ate! I'm so sorry I know you are still shocked. You are so cute!" Grabe kulit pala ng batang 'to. Kanina pa niya sinasabing cute ako, matagal ko nang alam! Nagselos ako sa batang to?! Grabe!

"Yehey may ate na ko!" bigla na naman akong dinaluhan ng yakap ni Antonette. Lasog-lasog na yata ako nilaklak ata niya ang enervon eh. Ang cute!

"Umuwi ka na. I told you ayokong mag-stay ka dito." ma-awtoridad na utos ni Ace sa kanyang kapatid na ipinag-kibit balikat lang yata ni Antonette.

"Di mo kasi sinabi agad kuya eh. Sige babayu na! Bye ate. I won't disturb youguys." ani Antonette tapos umalis na siya ng condo. Grabe kalurkey naman kasi yung naabutan ko kanina. Wew! Kinabahan kaya ako dun.

"Sorry dun sa makulit na yun last week pa nandito ayaw umuwi samin." napapakamot na saad ni Ace habang ako naman ay napapairap.

"Eh bakit ayaw mo kong papuntahin dito? Hmp! Ayaw mo kong makilala ng kapatid mo?!" mataray kong sabi at nang ngumisi siya ay mas lalo lang akong napairap.

"Adik. Syempre gusto. Tignan mo naman kasi yung ginawa niya kanina akala ko papatayin ka na sa suffocation."

"Ganun palagi ginagawa niya sa mga past girlfriends mo?" tanong ko sa kanya

"Nope. Actually nagtataka nga ako eh usually tinatarayan niya kaya nga natakot ako kanina akala ko sinasaktan ka na niya." Wala ba talaga kaming pag-aawayan? Sobrang perfect naman ng relationship namin pero nung mag bestfriends naman kami ay naku po pati ballpen pinag-aawayan namin tapos ngayon naman eh isang sabi ko lang susunod na siya agad.

"Ang aga mo yata. Miss mo na naman ako?" tse! Kumindat pa ang mokong sa akin at kinuha niya yung dala kong groceries tapos dumiretso kami ng kusina.

"Oo na! Ipagluluto sana kita. Alam mo ba akala ko kabit mo si Antonette naku po subukan mo lang talaga susunugin ko 'tong condo mo." pinisil niya ang tungki ng ilong ko at tumawa.

"Masyado ka namang bayolente bhie."

Sinimulan ko ng ihanda yung lulutuin ko tapos si Ace naman nangungulit lang sa akin tanong ng tanong kung ano pwede itulong eh puro palpak naman ginagawa.

Natapos na din magluto ng corned beef. Nagkulitan lang kami habang kumakain minsan pa nga nabubulunan na kami kakatawa. Ang dami ko pa palang hindi alam sa kanya, 1 year old pa lang pala siya nung namatay yung papa niya tapos 10 years old siya nung napangasawa ng mama niya yung yung step dad niya. Iyon na ang kinilala niyang ama.

Ang bait daw ng daddy niya kasi tinuring talaga siyang tunay na anak tapos close na close din sila. So si Antonette pala half sister lang niya. Na-realize ko na ang swerte ko din pala kay mama kasi kahit di naman niya ako tunay na anak pero alam ko mahal na mahal niya ako.

Ikwento ko din kaya yung akin? Na ampon lang ako kaso naman parang ang dramang pakinggan baka kaawaan lang ako, ang ayoko pa naman sa lahat yung kinakaawaan at saka hay ewan! Di na siguro dapat malaman ni Ace yun.

Nang matapos kumain at maghugas ng pinag-kainan ay nagtungo kami sala at tinuturuan na niya ako sa physics. Isa siyang henyo! Ako lang talaga yung tulog sa physics, inaantok talaga ako kay Mrs. Lee feeling ko ibang language yung sinasabi pag nagdidiscuss puro blah blah blah blah.

Ang hirap mag derive ng formula. Magagamit ko ba talaga 'to sa buhay ko? No connect naman yata bakit kailangan pang pag-aralan. Gusto ko na grumaduate! Walng consideration mag bigay ng quiz tong si Ace parang hindi ako girlfriend ah tapos dinaig pa si Mrs. Lee. Mali ata ako ng nakuha na tutor at binabatukan pa ako kapag may mali!

"Diba sabi ko sayo bhie na i-analyze mo muna yung question para alam mo kung anong formula yung gagamitin mo. Oh yung tanong sa 1 diba speed yung hinahanap dyan blah blah blah blah......."

"Hay! Ganito na lang kung ilan tama mo ganun din kiss ko." nang nakatulala lang akong tumango sa kanya ay napikon na yata siya.

"Anong akala mo sa akin adik sa halik mo?" Inosente kong tanong sa kanya habang nag-ddrawing na lamang sa scratch paper ko.

"Bakit hindi ba? ngisi pa niya.

"Hindi!" mariin kong saad.

"Hindi ako nagkakamali?" hay naku talaga. Dumudugo na ang utak ko at lahat ata ng pwedeng dumugo ay dumugo na. Speaking of dumudugo. Oh no! Nararamdaman ko nagdudugo na nga ako. Sumakit bigla yung puson ko at ayun kamalas malasan first day ko pala ngayon!!! Hala anong gagawin ko I'm not prepared! Bakit naman kasi irregular ako?! Ano ng gagawin ko wala akong pantapal. Huhuhu. Di ako pwedeng tumayo tatagusan ako.

"Problema mo?" Mukha na bang gago ang hitsura ko? Mukang constipated? Pano ko ba sasabihin?Bhie meron ako? Bhie nagdudugo ako. Wahhh! Nakakaloka!

"Huy? Najejebs ka?" patay malisyang tanong ni Ace

"Gago hindi! Paano ba?"

"Di kita maintindihan. Ano ba kasi? May masakit ba sayo?" Irita na ako. Umaatake na kasungitan ko. Pag ganitong may dysmenorrhea ko eh wag akong kinukulit. Yak! Nakakahiya na ito. Uuwi na ba ako?

"Sabihin mo kasi if najejebs ka." natatawa niyang saad. Ginagawa pang biro ito!

"Sinabi ng hindi eh!" nakakainis naman. Nang-aasar pa talaga!

"Weh? Hehe. Okay lang bhie welcome ka sa bathroom ko." Loko na 'to makangiti pa wagas halatang nagpipigil ng tawa. Ito na sasabog na ako.

"GAGO! MERON AKO NGAYON AT PAG AKO HINDI MO PA IBINILI NG NAPKIN SA 7ELEVEN MAGKAKATAGOS NA KO! SIGE NGA LALABAN MO BA YUNG PANTY AT SHORTS KO PAG TINAGUSAN AKO?!" nanlalaki ang mga mata at mukhang binugahan ng apoy dahil sa gulat.


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon