Chapter 18

1.1K 19 0
                                    


CHAPTER 18

TIFFANY'S POV

February 10 20**

First day ng intramurals katatapos lang mag-parade. Syempre ako ulit ang captain ng volleyball girls ng Red Dragons. Nahahati kasi sa apat na teams ang Intrams dahil per year level. Green Hornets para sa Freshmen, Golden Tiger para sa Sophomores, Red Dragon para sa Juniors at Blue Falcon naman para sa mga Seniors. Nagkaroon ng try outs kung saan pagsasama-samahin lahat ng magagaling na players sa per year at ako nga ang naging Captain Ball ng Voleyball girls samantalang nabalitaan ko naman na si Ace namand daw ang napiling Captain ng basketball boys.

Mayroong ilang booths din sa loob ng campus at isa nga sa pinaka mabenta ay iyong Wedding Booths, tiyak naman na hindi mawawala ang isang 'yon lalo na at chance na ng lahat na maangkin ang kani-kanilang crush. Ngayon nadagdagan yung mga booth ito daw ang pinaka bonggang intrams. May dating booth, jail booth and wedding booth. Sana naman ay hindi ako mabiktima ng jail booth na iyon dahil kailangan ay magpapiyansa sa iyo na kaibigan o kahit na sinong napadaan lang. Mahirap hanapin ang stickers na nagkalat.

Dahil naka-lock ang mga kwarto ay wala kaming nagawa ng mga kaibigan ko kundi ang magpalaboy-laboy na lamang sa paligid ng school. Boy hunting kung kinakailangan lalo na doon sa mga 4th year. Color-coded per year kaya malalaman mo kung alin o saang team ang bawat isa.

"Calling all the players of Green Hornets and Golden Tigers please proceed to volleyball court immediately."

"Tara na Tiffs! Gugulpihin natin yung players ng Green Hornets lalo na yung umagaw sa Andie mo." hila sa akin ni Joanna habang ako naman ay marahas na umiiling. Naalala ko nga palang player din iyong current girlfriend ni Andie, ahead kami sa kanya ng isang taon kaya naman second year pa lang ito. Binatukan ko na lang si Joanna dahil ayaw pa rin niyang magpapigil sa akin.

"Bakit?! Sakit ah laglag utak ko dun." reklamo niya habang nakasimangot na hinahaplos ang kanyang ulong buong lakas kong binatukan.

"At anong akala mo boxing ang sasalihan natin?" mataray kong saad at humalukipkip. Sasagot pa sana ang pobreng si Joanna ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext sa akin, hindi ko inasahang si Ace iyon dahil ang alam ko ay sila ang magkakasama nila Troy. Nangangalahati na ang araw ay hindi ko pa sila nakikita.

From: Ace <3

Bhie dito na kami sa volleyball court. Come here.

Anong Bhie ba pinagsasabi nito? Wrong send ba siya o talagang Bhie langa ng itinawag niya sa akin? Kung sinasapak ko kaya siya. Mabilis akong nag-type ng reply.

To: Ace <3

Bhie ka diyan. Ang dami mong alam.

Hindi na siya nag-reply pa kaya imbes na magtext pa muli ay inaya ko na lamang ang mga kaibigan ko na magtungo na sa may voleyball court dahil hindi ko maaatim na ma-disqualify kami. Naglakad kami sa tirik ng araw at nang makarating sa may court ay laglag panga kong sinalubong ang mga nakangising si Ace, Troy, Alex at Albert. May hawak na banner ang mga hinayupak! "GO BOSSING!" I mouthed bago tuluyang sinapo ang ulo ko.

Ilang bulungan ang umalingawngaw lalo na sa pagtatanong kung girlfriend daw ba ako ni Caleb o hindi. Pinagtutulakan ako nila Clavs kaya naman wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila. Alam kong manonood sila ngunit hindi ko inasahan na may banner pa?! Nakakahiya sobra.

Nakasalubong ng mga mata ko ang ngayong nakataas kilay na si Roxanne o mas kilalang Anne, kasama niya ang teammates niya. Nakakainis lang! Mas bata naman sila sa amin ngunit mas mayayabang pa ang asta. Hindi na ako makapaghintay na talunin sila hindi dahil sa bitter kundi para maturuan naman sila ng liksyon kung paano rumespeto sa higher year.

"Tiffany! Start na 'yong game!" tawag sa akin ng isa naming kasama na mula sa BSIT kaya naman mabilis akong tumango at lumapit na patungo sa kanila.

"Bossing! Bossing! Bossing!" sigaw ng tatlong mokong sa may gilid habang winawagayway pa iyong banner na may nakasulat na "GO BOSSING!" halos mapapikit ako sa kahihiyan. Damn! Mukhang si Albert din ay nahihiya na rin sa kabaliwan ng tatlo niyang kaibigan. Nakita ko sa may kabilang side si Andie na nanonood rin habang nakahalukipkip paniguardong sinusuportahan niya ang girlfriend niay.

Mabilis ang naging takbo ng laro. Change court na at siyempre kami ang lamang. 25-15 ang score. Aping-api ang Golden Tigers sa amin. Sila Ace ay todo pa rin ang cheer sa team namin at ako na ang nahihiya para sa kanila. Naka-tatlong set lamang ang laro at sa huli ay kami ang panalo, hindi magkamayaw ang ngisi ng mga kasama ko lalo na ang mga kaibigan kong kanina pa yata nakikipag-away at yabangan sa kabilang koponan. Pumunta agad ako sa pwesto nina Ace inabutan niya ako ng towel and water. How sweet!

"Galing mo Bhie!" sabay lahad niya ng kanyang palad upang makipag-appear sa akin na agad ko naman tinugunan kahit kunot-noo ko siyang pinagmamasdan. Ang weird niya yata ngayon. Kung hindi pandak ay bonsai naman ang tawag niya sa akin tapos ngayon ay sweet endearment.

"Ano bang Bhie kasi?" tanong ko sa kanya at nilagok na iyong mineral water na iniabot niya sa akin. Patuloy pa rin ako sa pag-inom habang hindi inaalis ang tingin sa ngayon ay nakangisi ng si Ace.

"Bhie." ngisi lamang niya at hindi na ako sinagot pa. Ilang beses kaming nagtalo tungkol roon ngunit panay lamang ang tawag niya sa akin ng Bhie. Aaminin ko na may epekto 'yon sa akin! Isang salita lang 'yon pero libu-libong paru-paro na ang nagwala sa tiyan ko. Oh my gosh! What the hell is wrong with me?!

Sa ikalawang araw ng Intramurals ay kasama ko si Clavs na kasalukuyang namomoblema kay Paulune habang ako na naman ang taga absorb ng problema ng babaeng 'to kaya tuloy kami lang yung magkasama kasi sawang sawa na sina Dessa sa story ng buhay niya. Kadami kasing crush eh.

"Bakit ganun sya Tiffs pa-fall sya!" ika-limang beses na niya yatang naitatanong sa akin iyon kung tama ba ang pagkakabilang ko. Wala akong choice kundi sagutin siya ng parehong sagot na kanina ko pa ibinigay.

"Wag ka ngang umiyak baka akala inaaway kita. Bakit ka naman kasi umasa?" hindi ko alam kung pang-aalo ba ang ginagawa ko sa bestfriend ko o naiinis na rin ako sa kanya. Kanina ko pa kasi pinagsasabihan at kapag akala ko ay natatauhan na siya saka siya babalik sa unang tanong niya. What the heck! Ang hirap magbigay ng advice sa taong hindi naman yata nakikinig sa iyo. Sa huli ay ako lang ang naririndi sa paulit-ulit na tanong. Kung hindi ko lang mahal ang babaeng 'to.

"Basta talaga kabarkada ng ex mo manloloko." irap na lamang ang isinagot ko sa kanya. Nandamay pa!

"Oo na. Madami pa naman diyan. Si Alex gusto mo?" napangiwi ako sa sariling suhestiyon ko. Isa pang babaero ang lalaking 'yon! Iba-iba ang girlfriend kada linggo. Eew!

"Duhhhh! Tiffany naman eh mas malala pa yata kay Paulune yun." wala sa sariling sumang-ayon ako sa sinabi ni Clavs at tinapik na lamang siya sa may balikat.

"Hay nako. Ano ba kasing nangyari?" kanina ko pa siya inaalo ngunit hindi ko naman talaga alam ang kwento. Haha. Paano naman kasi mukhang kailangan talaga niya iyon kanina kaya hindi ko na nagawa pa ang magtanong. Magkkwento na sana siya ng bigla na lang may nagposas sa kin. Gahddd!

"Tiffany Javier. May date ka ngayon." with whom? What the fuck! Gusto kong magpumiglas kasi mahigpit iyong posas. Saan naman sila nakakuha ng posas? Ugh!

"Kuya pakawalan niyo na yung friend ko, hindi pa ako tapos mag-emote!" bago pa man din ako makapagtaray ay nagmamaktol ng hinarap ni Clavs iyong lalaki na nakahawak sa akin.

"Di pwede Miss. Tara na." Sinong hinayupak ang ka date ko?! Nilagyan ako ng blind fold ni kuya. Ilang mura ang pinakawalan ko ng muntik na akong madapa di man lang ako inlalayan ng mga 'to. Lagot sila sa kin pag ako nakawala!

Nakarating na ata kami sa dating place dahil tumigil na kami sa paglalakad. Tinanggal na nila ang posas ko pati na rin yung blindfold. Wala pa din akong makita masyado dahil nasisilaw ako. Classroom lang pala yung dating place.

"Hi." Ngisi sa akin ni Andie habang kinakamot niya ang kanyang batok na parang nahihiya. Habang pinagmamasdan ang lalaking minsan ay nanakit sa akin isa lang ang napagtanto ko, wala ng sasakit pa sa pang-iiwan sa akin ng sarili kong ama kaya hindi ganoon kadaming luha ang inuubos ko para sa lalaki.

\9


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon