Chapter 39

879 21 0
                                    

CHAPTER 39

TIFFANY'S POV

"Hoy Precious Tiffany bumaba ka na, driver mo andito na." sigaw ni Mama mula sa may baba. Wala naman kaming driver, si Andie lang naman yung tinutukoy ni mama na driver daw namin. Tss. Kainis! Boyfriend ko pa din naman si Andie.

Ang sama talaga ng trato sa akin ni mama after niyang malaman yung break up namin ni Caleb. Speaking of Caleb ang bwisit hindi man lang naghabol sa akin! Ang expected ko pa naman ay hahabulin niya ako dahil di siya maka get over sa akin pero mukhang baligtad pa yata yung nangyari. Ilang araw ko na din kaya siyang iniiyakan at di pa nga ako makatulog sa gabi kakaisip lang sa kanya.

Baka naman nagkukulong siya sa bahay nila at depress pero bakit di naman yata ganun yung sinasabi sa kin nina Alex. Ako yung nakipag break tapos ako pa hirap mag move on.

Third year college na kami at ngayong araw ang first day of class. Pumasok na kami ni Andie sa room namin, nakita namin doon sina Troy, Alex, Clavs, Paulune, Albert at Nica. Binati naman nilang lahat si Andie, may usapan kasi kami na buo pa din dapat ang barkada kahit may naghiwalay.

Kaklase ko na naman sina Clavs, Nica at Dessa. Maryosep nauumay na ako sa kanila akalain ninyong simula elementary kaklase ko na sila buti nga lang talaga iba-iba kami ng course kasi if nagkataon kahit sa trabaho malamang kami din ang magkakasama. Hahaha.

"Naks di na talaga uso 3 months rule hano?" parinig ni Alex sa di kalayuan. Napabuntong hininga ako. Magkakaklase kasi kami sa Humanities. Kapag sinuswerte ka nga naman.

"Manahimik ka nga diyan" angil sa kanya ni Clavs.

"Totoo naman. Bilis ninyo maka-move on ni Caleb. Hanep! Ano ba relasyon niyo dati? Joke joke lang?" sarkastiko pang dagdag ni Alex.

"Tama na yan." badtrip na awat ni Troy pero itong si Alex mukhang hindi magpapaawat.

"Tangina lang kasi. Tayo lang yata sumeryoso sa laro nila pati tayo apektado." Bakit ba parang si Alex ang bitter diba dapat si Caleb? Ano siya ba ang taga digest ng nararamdaman ni Caleb? Naka move on na si Caleb? Ganoon kabilis?

"Tiffs nandito ka na pala. Ahmmm sino nga pala yung kasama ni Caleb na babae?" Napatingin silang lahat sa akin, ako naman umiwas lang ng tingin sa kanila. Inaya ko na lang si Andie na maupo sa vacant seats. Nawala ako bigla sa mood. Ilang weeks pa lang kaming break tapos naka move on na siya?!

Sabagay may bago na din ako pero naman kasi hanggang ngayon pa nga iniiyakan ko pa din siya tuwing gabi tapos siya may iba ng babae na kasama?! Napapraning na nga talaga ako!

"Good morning." Napatingin ako sa pinagmulan ng boses.

Oh Lord namiss ko po yung boses niya lalong lalo na siya. Gustong gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa, hinawakan ko na lang yung kamay ni Andie para makontrol ko yung sarili ko na huwag lapitan si Caleb. Nakangiti siya sa amin habang nakasandal sa pintuan. Nasasaktan ako sa nakikita kong ngiti sa kanya. Selfish na kung selfish pero bakit parang totoo lahat ng ngiti na pinapakita niya.

Parang ang saya saya niya ngayon.

"Anong ngiti naman yan?" tanong ni Troy sabay lumabas yung isang babae sa likuran ni Caleb at kumapit sa braso niya. Nginitian nila ang isa't isa. Ouch! Torture ito! Nakikita ko yung spark sa kanilang dalawa. Maliit yung babae, maputi, brunette ang buhok at may mga freckles siya sa ilong.

"Wow ang ganda pare!" singhap ni Alex. Napatingin ako sa direksyon ni Alex kaya naman mabilis siyang siniko ni Troy. Ang sakit! May bago na siya?

Huminga ako ng malalim para makontrol ko yung nararamdaman ko. Nahihilo ako sa selos!!! Hinawakan ni Caleb yung kamay nung babae at lumapit sa pwesto namin. Nakangiti pa rin sa amin si Caleb. Yumuko na lang ako hindi ko kayang makita na masaya sa iba si Caleb.

I Wish I Never Met You (Edited)Where stories live. Discover now