"Musta na kayo?" masiglang tanong ni Caleb na para bang walang nangyari sa pagitan naming dalawa. Parang hindi niya ako kilala.

"Ikaw ang kamusta? Sino naman tong chicks na kasama mo?" tanong ni Alex

"Wow! Walang move on na naganap?" sa pagkakataong ito ay si Clavs naman ang sarkastikong nag-komento. Yeah mukhang okay na okay nga siya.

"Hi everyone. I want to introduce myself. I'm Precious Tiffany del Rosario. Caleb's fiancée." Biglang nagpanting yung tainga ko sa narinig ko. Hindi sa word na fiancée kundi doon sa pangalan na binaggit niya. Mabilis akong napatingin sa kanya at naningkit ang mga mata ko.

That's my name for cying out loud! Sino ba siya at gamit niya ang pangalan ko?

"Ayaw mo naman niyan sa Tiffany?" natatawang saad ni Troy.

"Precious Tiffany?" Tumingin sa akin si Clavs na nagtataka. Nalilito ako. Paanong siya si Precious Tiffany? Ako yun at wala ng iba! Ano ba naman yan pati katauhan ko aagawin dito?! Walang hiyang impostora 'to!

"You can call me Precious. I'm Ace bestfriend."

"Talaga lang ha?" Tumaas yung kilay ni Clavs then tumigin siya ulit sa akin at binigyan ng ano-nangyayari-look. Nakita niya siguro yung pagkalito sa mukha ko. Sino ba talaga siya?

Anong alam niya sa akin kaya napaniwala niyang lahat na siya si Precious?

I'm so confused! Don't tell me pakana siya ni Maggie. If ganoon nga naku lagot kang Maggie ka sa akin.

Isa-isang nagpakilala ang barkada kay 'Precious' pati na din sina Andrew at Paulune. Kailangan malaman ko kung sino talaga ang impostarang 'to! I can't believe it! Damn it!

"Bossing. It's your turn. Don't tell us bitter ka?" pangungutya ni Alex sa akin. Kanina pa ang lalaking 'to ah. Inirapan ko lang si Alex at tumayo na ako at nilapitan si impostora. Walang sariling identity.

"I'm Tiffany Javier. Welcome to the group."

"Same pala tayo ng name. Katuwa naman." she giggled

Anong same ka diyan! Ako lang ang may pangalan non hindi ikaw. Nagsimula na yung klase at ako heto first day BADTRIP! Ikaw ba naman may poser matuwa ka pa kaya tapos inuuto uto pa yung taong mahal mo.

Gusto kong manabunot! Maghapon ko silang makakasama at ito pa ang worst sa harap namin silang dalawa nakaupo, ano pa nga ba edi kitang kita ko at live na live sa harapan ko ang paglalampungan nila. Andyan yung magka holding hands pa sila sa ilalim ng desk. Karma ba ito?!?

Nang tanghalian ay sabi ko kay Andie na humiwalay na kami sa barkada para makapag solo aba't ang loko ka-close na pala sina Troy. Ang cool ng ambiance, ako lang yata ang tensed pero di naman nag-uusap si Andie at Caleb kahit magkabungguan wala namang nangyayari saka ako talaga ay naaasar sa ngiti ni Caleb. Wagas!

"Anong order ninyo? Kami ng boys ang bibili." alok ni Troy

"Lasagna lang ako Ace. " napakagat ako sa labi ko nang giliw na ngumiti si Caleb sa kay Precious.

"Spaghetti and Chicken ako baby." sabi naman ni Nica kay Albert

"Kahit ano na lang Troy." ani Dessa.

"Carbonara na lang apple ko." – Clavs

"Angel ikaw ano gusto mo?" tanong sa akin ni Andrew. Ako na pala ang oorder. Nakatingin silang lahat sa akin. Ano nga ba? Kanina pa nga pala ko nagugutom.

"Dalawang order ng siomai tapos dalawang large fries tapos syempre coke! Ano pa ba? Hmmmmmmm". Nakaka stress kasi eh kaya nagugutom ako! Pansin ko lang talaga tumatakaw ako naku po baka tumataba na ako ah.

I Wish I Never Met You (Edited)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu